Part 3

230 5 0
                                    


Bea


Ah!  Ano ba mabuting gawin?

Nasa recollection si Louisse, kaya wala akong kasama pagpunta sa mall.  Nasanay na ako na sya kasama ko palagi.  Kahit may nag invite sa akin na friend or mga friends, isinasama ko sya palagi.  Naninibago ako.

I've known her for a little more than three years na.  Naging kami, two years na rin.  Parang feeling ko nga, napakatagal na naming magkakilala.

Mag isa lang akong naglalakad lakad sa MOA.  Bumili ako ng coffee sa starbucks. 

EJ :  Bea?

Bea :  Oy, Enaje Laure!

We hug.

EJ :  Full name talaga?

Napatawa naman ako.

Bea :  Long time, ha?

EJ :  Oo nga!  Since nong U23, isang beses lang tayo nakapag hang out!

Bea :  E, ano pa ba ginagawa natin?  Tara na!  Treat ko.

EJ :  Yey!  Lika!  Kain muna tayo!  G na G na ako!

Sa buffet talaga ako niyaya ni EJ.  Pero, okey lang, na miss ko rin sya.

Bea :  So, ano ba latest sa yo?

EJ :  May nanliligaw sa akin.

Bea :  O?  Sino?

EJ :  Si Bugoy.

Bea :  Yong artista?

EJ :  O-oo.

Bea :  Di ba mas matanda ka don?

HInampas nya ako sa braso ko.  Napangiwi naman ako.

EJ :  Di na naman mahalaga yon.  Ang importante, nagmamahalan kayo.

Bea :  Oy.  Mahal mo na ano?

Napairap naman sya.

Bea :  I am happy for the both of you.  Pero, bakit manliligaw pa rin?

EJ :  Pahirapan ko muna.  Artista kaya yon!

Bea :  Good decision!  Di ba magseselos yon pag nakita nya tayo na magkasama?

EJ :  Hello?  Di pa naman kami!  Baka ikaw, may magselos, hahahaha!

Bea :  Sino?

Hinuhuli ko lang si EJ kung may alam sya.

Napairap naman sya.

EJ :  Hello?  Alam na naman ng lahat na si Louisse ang tinutukoy ko.

Napangiti naman ako.

EJ :  Nakikita ko na mahal na mahal nyo ang isa't isa.  Lalo ka na!

Bea :  Yeah.  Masyado akong tinamaan.

EJ :  Good for the both of you.  Pareho kayong good catch!  Lalo ka na!

Bea :  Crush mo yata ako!

Umirap na naman sya.

EJ :  Noon!  Crush kita noon!  Super papi mo kasi!  Mabait pa!  Lahat na yata nasa iyo na!

Natawa naman ako.

Bea :  Thank you.

EJ :  Watch tayo ng movie, Bei.

Bea :  Oo na!  Mamumulubi ako sa yo, e!

Tumawa lang sya.

EJ :  Ikaw?  Mamumulubi? Never!

Only You    (completed)Where stories live. Discover now