Bea
Nakaupo na kaming mga graduating students habang nakikinig sa president ng school na nagbibigay ng speech nya.
Pagkatapos ng speech ni sir ay nagpalakpakan kami.
Emcee : Thank you, sir for a very inspiring message to our graduates. Ladies and gentlemen, she is a consistent honor student. As far as I know. honor student sya since grade school. She is active on extra curricular activities. A leader and a model student. Please welcome, our Magna Cum Laude, Isabel Beatriz Paras De Leon.
Nagpalakpakan ang audience. Umakyat na ako sa stage.
Bea : Good afternoon, guys. To the president, board of directors, to all staff and employees of Ateneo, guest, parents, relatives, fellow students, athletes, good afternoon po. If there's a beginning, there is always an ending. We finally finished our courses. The end na as a student. But, our real journey begins, sa real world. We will apply what we learned from our four , five or six years in college. In behalf of the graduating class, we heartily thank our professors who has the patience to teach us. Sorry po sa hypertension sa mga kalokohan namin. (tawanan ang audience) . Every ending is nakakakaba. New challenges na naman. But also excited of what lays ahead. Adulting na po tayo, guys! (tawanan). Whatever we do right after graduation, whatever we choose, whatever job we will have, always choose to be good, do good. Always choose to be the better person. And offer our success, as well as, failures to HIM (I pointed my fingers up). CONGRATULATIONS GRADUATES OF 2019!!!!!
Nagtayuan ang lahat at pumalakpak.
Madami akong medal na nakuha. Isa na doon ang leadership award.
Pagkatapos ng graduation rites at nagpa picture silang mag anak. Solo ni Bea. Sya at mommy nya, sya at daddy nya at sya at kuya nya. At marami pang iba.
Jaja : Ate Bea! Congratulations!
Niyakap ni Jaja si Bea.
Bea : Thanks, 'Ja.
Jaja : Grabe! Magna Cum Laude!
Napangiti lang ako.
Lovel : Bea! Congratulations, anak!
Tita Lovel hugs me at niyakap ko rin sya.
Bea : Thanks, tita.
Nakita kong palapit si Louisse sa amin.
Louisse : C-congratulations!
Nang yayakap na si Louisse ay niyakap ko si Jaja.
Natigilan na lang si Lousise.
Jaja : Miss na kita, ate!
Bea : I miss you, too!
Lovel : Congrats, anak, ha? Deserve mo yan, matalino ka kasi, hahahaha! Mauna na kami.
Bea : Sige po.
May bigla namang yumakap sa akin.
Maddie : We made it, Bei! Congtratulations, Ms. Magna Cum Laude!
Bea : Thank you, Madz! Congrats din sa yo!
Maddie : Sige, Bei, aalis na kami! Bye!
Bea : Bye, Madz.
Loel : Congratualtions, sis! You made it!
Bea : Thanks, kuya!
We hug.
Nagpunta na kami sa favorite restaurant namin. Puro mga favorite ko ang pinaluto ni mommy. Masaya kami na nagku kwentuhan.
Loel : So! Pasok ka na agad?
Elmer : She will be on vacation first, Pagbalik nya tsaka sya magre report sa office.
Loel : Okey!
Det : Okey ba kayo ni Louisse, Isabel?
Bea : Y-yeah, mom.
Elmer : At least magkakaibigan pa rin kayo.
Napatingin naman sa akin si kuya.
Bea : Oo.
Loel : May bago na ba syang boyfriend o girlfriend?
Bea : I d-don't know.
Det : Both of you deserve to be happy.
Nakatayo ako sa terrace dito sa kwarto ko. Nasa brandillas ang isa kong kamay. Sa isa kong kamay ay hawak ko ang ring na bigay ni lola.
Dapat nasa beach kami ni Louisse ngayon. Me, proposing to her.
But, ito ako, nag iisa.
I never thought that our relationship will end. Napakasakit pa rin.
Nobody said it was easy. No one ever said it will be this hard.
I am planning to marry sana pag twenty five na kami. Pero, wala.
She falls out of love. May iba na syang mahal.
HIndi na ako.
Napaiyak na naman ako. Madali nang tumulo ang luha ko ngayon.
First three months ay hindi ako naiiyak. Numb pa rin siguro ako non. Hindi pa mag sink in sa akin ang reality.
I started crying nong mag four months na, na wala na kami.
Humihikbi na ako. Nagsisikip na naman ang dibdib ko. Ang sakit sakit pa rin.
Tumingala ako sa langit. Maraming stars at full moon.
Maganda sana ang timing kung natuloy ang proposal ko.
Maganda ang panahon.
Sayang.
Pinahid ko ang luha ko at pumasok na sa room ko. Ibinalik ko sa maliiit na box ang ring at inilagay sa drawer.
Naligo na ako at nagbihis.
Kanina pa ako nakahiga pero hindi ako makatulog. Hindi nga pala ako nakapag jogging today.
Bumango ako and I do push ups.
Hanggang sa mapagod na ako. Pagod na pagod. Pinunasan ko ang pawis ko ng towel. Uminom ako ng water.
Napapikit ako.
Hanggang kailan?
Nakatulog din ako.
Louisse
Nakatingin lang ako sa langit. Ang ganda. Maraming stars at full moon pa.
Ano kaya kung hindi ako nakipag hiwalay kay Bea? Ano kaya ginagawa namin ngayon?
I am sure na magkasama kami ngayon. Baka nagku kwentuhan pa at nangangarap na naman. Kung ano ang susunod naming gagawin.
Magpa plano.
She don't want me to hug her kanina.
Nasaktan ako doon.
Hawak hawak ko ngayon ang regalo ko sana kay Bea.
May gift kaya sya sa akin?
Wala siguro. Wala naman syang ibinigay sa akin.
Tumulo na naman ang luha ko. Pumatak ito sa gift wrapper. Pinahidan ko ang gift.
Niyakap ko ang regalo at napahagulhol ako.
Louisse : Congratulations, baby.
YOU ARE READING
Only You (completed)
FanfictionShe is her everything. She is her world. Gagawin nya lahat, as in lahat lahat para maging masaya si Louisse. Kahit pa ibigay nya ang sarili nyang buhay. Louisse is charming and madaling mahalin. She likes boys, until, nakilala nya si Bea.