Part 17

243 4 0
                                    


Louisse


Iyak lang ako ng iyak habang nakahiga.  Gusto ko pa syang makausap.  Paulit ulit akong hihingi ng tawad sa kanya.  Nasaktan ko ng sobra ang taong pinakamamahal ko.  Ang sama sama ko. 

I don't deserve her. 

Pero, sana ako pa rin ang mahal nya.  Sana ako palagi ang mamahalin nya.  Ako pa rin.

Napahagulhol na naman ako.   


Nang magising ako kinabukasan ay namamaga ang mga mata ko.  Naghilamos na ako at nilagyan ng pipino ang mga mata ko.  After twenty minutes ay inalis ko na ito.  Tumingin ako sa salamin.  Hindi na halatang namamaga.

Nagluto na ako ng omelette at nag toast ng bread.  I brewed coffee at nag almusal na.  Para lang akong robot na gumagalaw, dahil kailangan.  Pagkatapos kumain at naghugas na.

Inihanda ko na ang susuotin ko sa pagpasok at naligo na ako. 

I put sone light make up at bumaba na ng unit ko.

Nag grab ulit ako.  


Nakaupo na ako sa cubicle ko at naghanda na para mag trabaho.   

Nag concentrate lang ako sa workload ko.  Pilit kong kinalimutan si Bea.  Pero, sumasagi pa rin sya sa isip ko from time to time.

Marge :  Break na muna tayo, Louisse.  Ten a.m. na!

Louisse :  Dito lang ako.

Marge :  May sandwich ako.  Sa yo na ang isa.

Louisse :  Thanks.

Kumakain na kami ni Marge.  Nakatingin pa rin ako sa mcbook ko.

Marge : Parang galing ka sa iyak.

Louisse :  Huh?

Marge : Pag sa malayo, hindi halatang namamaga yang mga mata mo.  Pero, sa malapitan ay halatang halata.

Louisse :  N-napuwing lang ako kanina.

Marge :  Okey.  Gwapo pala ng head ng finance natin!  Poganda!

Napatingin naman ako kay Marge.  Si Bea ang tinutukoy nya.  Nanliit naman ang mga mata ko.

Marge :  Matangkad at super bango bango pa!

Louisse :  Tyoe mo?

Marge :  Oo!  Pero, wala akong pag asa dyan.  Magaganda ang type nyan.

'Maganda naman talaga ako.'  bulong ko.

Louisse :  Siguro nga,

Marge : O, balik na ako sa teritoryo ko!

Umalis na si Marge.  Nagpatuloy naman ako sa pagtatrabaho.  

May naamoy akong very familiar sa akin.  Napaangat ako ng ulo.  Nataranta akong inayos ang sarili.   Nagpalinga linga ako.

At nakita ko sya.   Naglalakad sya palapit sa akin.  May kausap syang client yata.  Nakatingin lang sya sa kasabay nya maglakad habang nagsasalita.   Nakatingin lang din ako sa kanya.   Hanggang sa lumampas na sila sa akin.   Di man lang nya ako napansin.  Dati naman, sa akin lang ang attention nya.

Dati.

Isa kung gusto kay Bea, ay kailanman ay di nya ako pinagtataasan ng boses.  Halos pabulong syang nagsasalita sa akin.  Parang haplos ito sa puso ko.  Regular lang ang boses nya pag naiinis na sya sa akin.   Kahit ngayon na nasasaktan ko sya ay mahina pa rin sya magsalita sa akin.

Only You    (completed)Where stories live. Discover now