Bea
Two weeks na rin ang nakalipas simula ng bumalik kami galing Subic. Naging mahirap sa akin ang mga sumunod na araw.
Pagdating ko sa condo galing Subic ay uminom na naman ako. Nagpakalunod ako sa alak.
Akala nya na mahal nya si Marci?
Ano yon? Hiniwalayan nya ako at nagpaligaw kay Marci na hindi pa sya sigurado sa nararamdaman nya. Naaliw lang sya kay Marci, ganon?
Di ba alam mo sa loob mo kung mahal mo ang isang tao? Kung mahal na mahal mo sya?
Alam na alam mo kung hanggang kaibigan lang sya?
Kaya ba sya nandito dahil.......
Dahil......
Napasabunot ako sa ulo ko.
She wants me back.
Ganon lang ba kadali yon sa kanya. Di nag work out sila ni Marci kaya babalikan nya ako?
Napaiyak ako sa sakit na nararamdaman ko.
Palagi na lang. Palagi na lang akong nasasaktan kahit wala na kami.
Dapat hindi sya dito nagtrabaho! Dapat di na sya nagpakita pa sa akin!
Kapal naman nya! Di pa ba sapat na dinurog nya ang puso ko ng paulit ulit.
I tried very hard para makalimutan ko sya, para mawala ang feelings ko sa kanya. Para mawala na ang sakit.
Di naman sya mawala sa isip ko. Palagi kong nakikita sa imagination ko ang mukha nya. Nakangiti, seryoso, nakatawa o naka poker face o galit na galit. Para syang multo at anino. Palaging nakasunod, di mawala wala.
Nag concentrate ako sa trabaho ko. Hindi na kami muling nagkita ni Louisse. Kahit sa office ay hindi kami nagkasalubong. Sa labas ako naglu lunch palagi.
Pero bumalik na naman ako sa pagjo jogging everyday. Tuwing hapon after work. Hanggang gabi ako sa park. Pagod na pagod na ako pag uwi ng gabi. Ligo, kain at tulog na agad after manood ng business news. Yon na ang naging routine ko.
Nandito na naman ako. Pinapagod ang sariling katawan para makatulog agad sa gabi.
Bwisit!
Naging mainitin na rin ang ulo ko sa office. Nagtataka na nga si Ced sa akin.
Bea : Ced! I told you not to disturb me! Kahit sino pa yan, ayokong makipag usap! I am busy!
Ced : S-sorry, boss!
Bea : Next time, don't do it again!
Ced : Y-yes, boss.
Lumabas na si Ced sa office ko. Napahawak naman ako sa sentido ko.
What is happening to me? I am not like this.
Lumabas ako ng office at nagpunta sa bar. Maaga pa. Three p.m. pa lang.
Sunod sunod ang inom ko ng Jack Daniels. Naramdaman ko ang mainit na likido na dumadaan sa lalamunan ko. Nang tumagal na ay para na lang itong tubig.
Medyo nahihilo na nga ako. Inikot ko ang high chair at napatingin sa mga nakaupo sa mga tables. Madami na palang tao. I look at my watch. Nine pm.m na pala.
Girl : Hello!
Napatingin ako sa kaliwa ko. Mas nanliit pa mga mata ko kaya inaaninag ko kung sino nagsalita.
Bea : Hi.
Girl : Are you alone?
Bea : Yes.
Girl : Ako rin.
Bea : Asan boyfriend mo?
Girl : Nasa US.
Uminom ako ulit ng alak.
Girl : Lasing ka na yata.
Bea : That's my intention why I am here. Kaya tayo nandito para maglasing.
Napatawa sya. She smells good.
Girl : Oo nga naman pala. But, I am here just to have a good time. And getting drunk is not one of them.
Bea : Okey.
Girl : Napakabigat yata ng problema mo.
Bea : Kung alam mo lang.
Girl : Common! Spill it!
Napatingin lang ako sa kanya.
Girl : Alam mo? Mas maganda mag kwento sa di kakilala. Walang judgement. Dont' worry, I'll listen.
Uminom ako ulit ng alak. Inubos ko ang laman at umorder pa ulit.
Bea : She broke up with me when we are in college. She wants to have a normal life daw at hindi mangyayari yon kung kami. Nagpaligaw sya. I went on with my life kahit napakasakit. Pinapagod ko ang katawan ko everyday para makatulog lang ako sa gabi. I jog everyday hanggang sa di na ako makalakad. Iniwasan ko syang makita, kasi napakasakit. hanggang ngayon masakit pa rin. I had a one month vacation sa Europe. Gift ng parents ko after my graduation. Pagbalik ko, nagtatrabaho na sya sa company namin.
Girl : Then?
Bea : We were partners sa isang project at sa Subic ang presentation. We dine after the presentation and while we were talking, she mentioned na di naman naging sila. Then, why is she working with our company? Bakit pa sya nagpakita?
Girl : She wants you back.
Napatingin ako sa girl.
Bea : What?
Girl : Gusto nya ibalik ang dati.
Bea : NO! After ng sakit na pinaramdam nya sa akin! After ako masaktan ng labis labis na halos ikamatay ko na. Something died inside when she left me. Parang hindi ko na kaya. Hindi na maibabalik pa ang dating kami. May lamat na. Mauungkat lang yon. I was so hurt na mas yon ang nagingibaw kaysa pagmamahal ko sa kanya.
Girl : Hindi sa kinakampihan ko sya, ha? Mahirap kasi ang situation nyo. Puro kayo babae. Kahit mahal na mahal nyo ang isa't isa, hindi pa rin normal. She just chose to be normal. Maybe nagkaroon sya ng chance na maging normal. Magka boyfriend, mag asawa at magka anak. Then, she realize na ikaw pa rin ang gusto nya. Ikaw pa rin ang mahal nya. Na hindi sya kailanman magiging masaya kahit normal at ang tama ang pinili nya. Breaking up with you and magpaligaw made her realize na ayaw nya maging normal, dahil ikaw pa rin ang mahal nya.
Napailing na lang ako. Tinungga ko ang isang shot ng alak.
She is nice. Hindi na nya ako pinayagan na mag drive at hinatid na lang ako sa condo ko.
May mababait pa talaga na nagkalat sa mundo.
YOU ARE READING
Only You (completed)
FanfictionShe is her everything. She is her world. Gagawin nya lahat, as in lahat lahat para maging masaya si Louisse. Kahit pa ibigay nya ang sarili nyang buhay. Louisse is charming and madaling mahalin. She likes boys, until, nakilala nya si Bea.