Part 7

192 4 0
                                    



Louisse


Mas malungkot ako sa mga sumunod na araw.  I thought na naka move on na sya.

Hindi pa pala.

Napaiyak na naman ako.  Pag tungkol kay Bea ay mababaw lang ang luha ko.

She is so nice to me, hanggang ngayon.  Wala akong narinig na masasakit na salita nong nakipag break ako sa kanya.  Tinanggap nya yon.  Ang mahalaga daw ay masaya ako.

She is so selfless.  

I am just trying to live a normal life.  Gusto ko subukan.  Pero may nasasaktan pala ako along the way.  I hurt her so bad and it hurts me, too. 

I have no intention of hurting someone.  Especially Bea.  She is so special to me.  Hanggang ngayon,  ayoko syang nasasaktan. 

Naglakad ako papunta sa Dorm.  Nakita ko ang oval. 

Dinala ako ng mga paa ko papunta doon.  Hapon na at malapit ng mag sunset.

Wala ng katao tao.

Then, I saw her.

Nakaupo sya sa damuhan.  Nakatingin sa papalubog na araw.  Natuod ako sa kinatayuan ko.

Ang ganda ng sunset.

Mayamaya ay tumayo sya.  Naaninag ko sya dahil sa ilaw na galing sa mga poste.

Tumakbo sya.  Pabilis ng pabilis ang pagtakbo nya.

Naka ilang ikot na sya.  Ten.  Fifteen.  Twenty.

Kitang kita ko na pagod na pagod na sya, pero takbo pa rin sya ng takbo.

'Tama na' bulong ko sa sarili.

She is still running.

Tumulo na lang ang luha ko.

Louisse :  Tama na, baby.

Napaiyak na ako.

Mayamaya ay napaluhod sya sa damuhan at napatungo ang ulo.

She is crying.

Parang may tumusok sa puso ko sa nakikita ko.

Louisse :  I am sorry, baby.  I'm sorry.  Sorry.

Naglakad na ako pauwi sa dorm.  Pinahid ko ang luha ko.

Pagdating ko sa dorm ay naglinis ako agad ng katawan at humiga.

Nakatalukbong ako ng kumot at tahimik na umiiyak.

Jia :  Louisse!  Kakain na!

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago sumagot.

Louisse :  B-busog pa ako, Ju.  Kumain ako kanina.

Jia :  Okey.

Lumabas na si Jia sa kwarto.

Iyak na naman ako ng iyak.

Nagkamali ba ako?

Nakatulugan ko na ang  pag iyak.


Nanliligaw pa rin si Marci sa akin.  Mabait naman sya.  Pero, ewan ko ba!  Parang hanggang kaibigan lang ang maibibigay ko sa kanya.

Five months na syang nanliligaw sa akin.  Parati kaming magkasama, halos araw araw. 

Pero, may hinahanap ako.  


Kumakain ako dahil kailangan, hindi dahil sa gusto ko.  Parati akong walang gana kumain.

Jia :  Bes.  Damihan mo naman kain mo!  Nangangayayat ka na!

Louisse :  Busog na ako, Ju.

Jia :  Ilang kutsara pa lang nakain mo, bes!  Nabilang ko dahil konti pa lang sinubo mo.

Louisse :  Nagme meryenda naman ako.

Jia :  Ha ha ha!  Kung pwede ka nga na hindi na kumain, di ka kakain, e!  Gusto mo bang pangit ka sa graduation picture mo?

Napangiti na lang ako.

Hinugasan ko na pinagkainan namin ni Jia. at umakyat na para tapusin ang last na requirement ko.  Then, ga graduate na ako.  Kami pala.

Kumusta na kaya sya.  Matagal ko ng di sya nakikita. 

Sa oval ko lang sya nakikita. 


Bea


Nilagay ko na sa bench ang gym bag ko at nag stretching.  Ang gaan gaan ng pakiramdam ko palagi.  Araw araw ba naman akong tumatakbo.  I put my earphone sa ears ko at tumakbo na.  Puro break up song ang playlist ko.  Gusto ko maubos ang sakit na nararamdaman ko.  Kaya kailangan ko itong harapin at namnamin.  Pag naubos na ay magiging okey na ako.

Sana.

After thirty minutes at umupo muna ako sa damuhan para panoorin ang sunset.  I always feel the warmth while seeing the beatiful sunset.  Nakaka relax. 

Parang katulad din sa amin ni Louisse ang sunset.  Tapos na.  Nagwakas na.

Ang pinagkaiba lang ay bukas, sisikat na naman sya.  Panibagong simula.  Panibagong pag asa.

Kami.  Wala na.  Tapos na.

Napayuko ako.  Tumulo na naman ang luha ko. 

I always cry watching the sunset.  Dahil naaalala ko palagi ang nangyari sa amin ni Lousse. 

Nang lumubog na ang araw ay tumayo ako at tumakbo ulit, hanggang sa di ko na makayanan tumakbo.  HIngal na hingal ako na napaupo sa grass. 

Nag cool down muna ako.

Palingon lingon ako sa paligid.  Parang nararamdaman ko na may nagmamasid sa akin.  Pero, wala naman akong makita.  Nakinig pa ako ng music.  At umuwi na.


Bea :  Hi, dad!

Elmer :  Anak!

We hug each other.

Bea :  Where is mom, dad?

Elmer : Nasa kitchen, nagluluto pa yata.

Bea :  Okey.

Naglakad ako papunta sa kitchen.  Nakatalikod si mommy.

I hug her from behind.

Bea :  Hi, mom!

Det :  Hello, Isabel!  Maligo ka na at kakain na tayo.  Maluluto na ito.

Bea :  Okey, mom!

Umakyat na ako at naligo.  Shorts at shirts lang isinuot ko.


After magdasal ay kumain na kami.

Elmer : Malapit na ang graduation mo, anak!  Ano ba gusto mong gift?

Bea :  Hmn.  Wala po.  Just a simple dinner lang.  Tayong apat.

Det :  Wala ka bang maisip?  Kailangan meron, graduate ka na kaya ng college!  Take note, Isabel, college!

Natawa naman kami ni daddy.

Elmer :  What about a Europe tour, anak!  Then, pagbalik mo, work, work, work ka na!

Det :  Hmn.  Good idea.

Bea :  Bahala na po kayo, dad, mom.

Elmer :  Matagal ka ng nag aaral.  It's time na magkaroon ka ng 'me' time.  You will travel all over Europe.

Ngumiti lang ako at sumubo ng pork adobo. 

Bea :  Si kuya po pala.  Nandito na ba sya sa graduation ko?

Det :  Yes, Isabel.  Nandito na sya a day before your grad date.

Bea :  Okey.


Only You    (completed)Where stories live. Discover now