Pagdating sa office ay normal lang sila Bea at Louisse. Sa labas sila kumakain na magkasama. Nauuna na si Bea sa parking. Hinihintay na lang nya si Louisse. Pagdating ni Louisse ay pagbubuksan na sya agad ni Bea ng pinto at sasakay naman agad si Louisse.
Ayaw muna nila na malaman sa office na may relasyon silang dalawa. Secret muna nila.
Sa isang buffet restaurant sila kumain. Pinagsilbihan ni Bea si Louisse. Pinaghihiwa ng ulam, kukuhanan ng drinks at desserts.
Bea : How's your work?
Louisse : Okey naman. Ikaw?
Bea : May pinapagawa si kuya sa akin. Special client daw. Nahihirapan na daw sya kausapin. Kaya, subukan ko daw.
Louisse : Kayang kaya mo yan! Ikaw pa!
Bea : Thanks. Eat ka pa.
Dinagdagan ng foods ni Bea ang plate ni Louisse.
Louisse : Last na ito, ha? Busog na ako, e.
Bea : Okey. Ubusin mo na lang yan. Payat payat mo.
Louisse : Kasalanan mo.
Pabulong na sabi ni Louisse.
Bea : May sinasabi ka?
Louisse : Sabi ko, gwapo gwapo mo.
Napangiti si Bea at sumubo sya.
Bea : I know.
Kinindatan pa nya si Louisse. May kung anong lumukso sa kaliwang bahagi ng dibdib nya.
Louisse : Yabang.
Bea : It's not mayabang if it's true. Sabi mo kaya.
Napatungo na lang si Louisse na kumakain. Namumula na sya. Di pa rin sya nakaka recover sa mga pakindat ni Bea.
Pagkatapos nila kumain ay bumalik na sila sa office.
Sabay na umuwi sila Bea at Louisse. Sa condo ni Bea matutulog si Louisse. Napapadalas ang pagtulog nya sa condo ni Bea Ayaw na nila maghiwalay pa. They are so hungry for each other. Halos gabi gabi sila naglo lovemaking.
Nagluluto na si Louisse ng dinner nila at naliligo naman si Bea. Pakanta kanta pa si Louisse sa kitchen habang nagluluto.
Biglang may humawak sa beywang ni Louisse at hinapit sya nito palapit dito. Naamoy nya ang mabangong amoy ni Bea. Para syang nalalasing sa amoy nito. Parang nawawala sya sa katinuan. Nanghihina ang tuhod nya. Lalo na at naka backhug si Bea sa kanya. Hinalikan nito ang batok nya. Biglang nag init ang buo nyang katawan.
Bea : Hmn. Bango bango ng baby ko.
Louisse : Ikaw ang mabango. Di pa kaya ako naliligo.
Bea : Mabango ka naman palagi, baby.
Tinakpan ni Louisse ang caserola at nilagay sa tabi ang ladle. Pinaharap naman ni Bea si Louisse sa kanya.
Bea : Napakaganda mo, baby.
Louisse : I know.
Nagtawanan silang dalawa. Nagyakapan na sila ng napaka higpit.
Louisse : Napakatanga ko, no?
Napatingin si Bea kay Louisse.
Bea : Bakit naman?
Louisse : Kasi, naghanap pa ako ng iba. Samantalang sobra sobra ka na.

YOU ARE READING
Only You (completed)
FanficShe is her everything. She is her world. Gagawin nya lahat, as in lahat lahat para maging masaya si Louisse. Kahit pa ibigay nya ang sarili nyang buhay. Louisse is charming and madaling mahalin. She likes boys, until, nakilala nya si Bea.