Bea
Parang may kumurot sa puso ko na si Marci ang kasama nya sa Batangas.
I t-think, this is my c-chance to h-have a n-normal life.
I t-think, this is my c-chance to h-have a n-normal life.
I t-think, this is my c-chance to h-have a n-normal life.
Yon ang paulit ulit na pumapasok sa isipan ko.
Parang sinaksak nya ang puso ko ng sabihin nya na gusto na nya si Marci.
Yes. Because I am abnormal.
I feel numb since makita ko sya sa coffeeshop.
Alam ko na kung ano sasabhin nya.
She's going to break up with me. Akala ko kaya ko na. Handa na ako. Napapansin ko na ang mga pagbabago sa kanya. She was more busy sa phone nya.
Akala ko lang pala.
Napakasakit.
Nagmamahal ka pa rin, pero ayaw na nya. Yon ang pinakamasakit.
Hindi naman nya kasalanan yon na na fall out of love sya sa akin. I know na this will eventually come. Sa mga katulad ko. Bihira lang ang nagtatagal at naging sila habangbuhay.
Gusto ko umiyak. Humagulhol. Pero walang lumalabas na luha sa mga mata ko.
Napakabigat lang ng puso ko. Napakabigat lang ng pakiramdam ko.
Nakadapa ako ngayon sa kama ko. Sinadya kong gabi na umuwi para wala na akong makausap pagdating ko.
Nakatulog ako sa ganong posisyon.
Pag gising ko kinabukasan ay naalala ko agad ang nangyari. Bumigat na naman ang pakiramdam ko. Bumangon na ako at naligo, nag toothbrush at nagbihis.
Parang ayokong pumunta ng Ateneo ngayon. Ayokong makita sya. Sila.
Pero kailangan kong pumasok. Marami pa akong kailangang tapusin.
Bea : Good morning, mom, dad!
Det : Good morning, Isabel. Anong oras ka na nakauwi kagabi?
Bea : Di ko na napansin ang oras, mom, but it's late na.
Elmer : Good morning, anak!
I pretended to be okey. Magaling yata ako dyan, hahahaha!
Bea : How is kuya pala?
Elmer : Still in San Francisco. Needs to fix something there.
Bea : Is the project in Cebu to push through, dad?
Elmer : It needs some reviews pa. Di pa magkasundo ng partner doon. Baka next year pa yon.
Det : Don't worry, hon. I am sure maaayos din yan, in time.
Elmer : Yeah.
Nagda drive na ako papunta sa Ateneo.
I, then, parked my car at lumabas na. Dumiretso ako sa class ko.
Tamang tama ang dating ko. Ilang saglit lang ay dumating na ang prof namin.
I am trying to listen to him, discussing.
I need to focus sa mga acads ko.
Itinuon ko ang lahat ng attention ko sa studies ko. Tamang tama madaming pinapagawa sa amin na additional projects. Palagi ako sa library pag walang class. Nagbabaon na lang ako ng sandwich at juice, tsaka water.
My acads keeps me busy.
Nangangawit na ang lieeg ko kaya napatingala ako sa kisame. I massage my neck at napatingin ako sa harap ko.
Nakita ko si...Louisse...kasama si....Marci.
Napayuko ako. Napakasakit na makita sila magkasama. Na masayang magkasama.
Parang may tumusok sa puso ko. Gutay gutay na yata ang puso ko. Nagtataka nga ako kung bakit buhay pa ako. E, paulit ulit na nasasaktan sya.
Naglagay ako ng earphone both ears at nag concentrate sa research ko.
Diretso na ako nag encode sa mcbook ko. After two hours ay ipinikit ko muna ang mga mata ko. Inihiga ko ang mukha ko sa mesa.
Nakatulog pala ako. Thirty minutes din yon. Kinusot ko ang mga mata ko. Uminom ako ng tubig. I read again.
Nang fifteen minutes na lang para sa next class ko ay niligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas ng library. Pumasok na ako sa clasroom. Sulat, Sulat. Makikinig. Sulat.
Natapos din ang lahat class ko sa araw na ito.
Kinabukasan ay nagdala ako ng gym bag. Jogging pants, towels, shirts, gatorade, water bottle.
Pagkatapos ng klase ko ay nagjo jogging ako sa oval tuwing hapon. Gusto ko na pagod na pagod ako pag uwi ko para makatulog ako agad. Wala ng time mag isip ng kung ano ano.
Naka twenty ikot na ako sa oval, pero tumatakbo pa rin ako. Nakatingin na sa akin ang mga volleyball players. Nagtataka na sila.
Tumigil lang ako para uminom ng tubig, tapos takbo na naman.
Ganon na ang routine, Tuwing hapon ay tumatakbo sa oval. Manonood ng sunset.
Pag madilim na at ang ilaw na lang ang nagbibigay liwanang ay tumatakbo na naman ako. Wala ng tao, ako na lang.
Isang beses ay umiyak na lang ako ng umiyak habang tumatakbo.
Napaluhod ako sa bermuda grass, Nasa mga hita ko ang mga kamay ko. Iyak lang ako ng iyak. Humahagulhol na ako.
Bea : Louisse. Mahal na mahal na mahal kita. Mahal kita. Mahal kita, Louisse. Mahal kita, e.
Iyak lang ako ng iyak.
Tumayo na ako at nagpahid ng luha at pawis.
Umuwi na ako sa bahay.
Pagdating ko sa bahay ay naligo na ako at nagbihis.
I am so tired. Nakatulog ako agad.
I was like that for three straight months na.
Even if the semester ended ay nagpupunta pa rin ako tuwing hapon sa oval para mag jogging at manood ng sunset. Jogging is my sleeping pill.
Sa umaga ay umiikot ako sa village.

YOU ARE READING
Only You (completed)
FanfictionShe is her everything. She is her world. Gagawin nya lahat, as in lahat lahat para maging masaya si Louisse. Kahit pa ibigay nya ang sarili nyang buhay. Louisse is charming and madaling mahalin. She likes boys, until, nakilala nya si Bea.