Part 15

206 2 0
                                    


Maddie


I keep on textimg Bea and calling her, pero walang sumasagot sa phone nya.  Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng condo ko.

Pupuntahan ko na lang sya.  Ngayon lang ako nagkaroon ng free time.  Matagal tagal na rin na di kami nagkita.


Nag doorbell na ako.

Tagal naman!

Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto.

Tumalikod agad si Bea ng makita na ako.  Ako na nagsara ng pinto.  Umupo agad si Bea sa sofa at sumandig.  Nakapikit na ang mga mata nya.

Maddie :  Walang good morning?

Bea :  Good morning, Madz.  Bakit ka nandito?

Maddie :  Wow!  Ni how are you at hug wala?

Tumayo sya at nag hug sa akin.

Maddie :  Hmn!  Amoy alak ka Ms. De Leon!  Aga aga umiinom ka!  Teka.  Nakapang office ka pa!  O M God!  Naglasing ka kagabi?

Umupo ako sa harapan nya.  At pinandilatan sya.

Bea :  Just having some fun.  Bawal ba yon?

Maddie :  Hindi naman.  Bakit ka naglasing?

Bea :  Bawal na ba?

Maddie :  Nandito na naman tayo, Bei.

Tahimik lang sya at nakapikit pa rin ang mga mata.  Aba!  Tinulugan yata ako.

Tumayo ako at nagpunta sa kitchen nya.

Shit!  Wala man lang pwedeng maluto sa ref  at pantry nya.

Nag order na lang ako ng foods including soup.   Kumuha ako ng gamot sa med cabinet.

Maddie :  Drink this.

Ininom na nya ang gamot at humiga na sa sofa.

Bago ito, ha?  Nagkita ba sila?  Saan naman sila nagkita?

Baka kasama ni Louisse si Marci nong magkita sila.

Di ko na alam ang gagawin ko sa kaibigan ko. 

Lord, tama na po.  Masyado nang nasasaktan si Bea.

Grabe naman kasi magmahal 'to!   From esophagus to talampakan!

Mabuti na lang at mabait si Zolo.

May nag doorbell kaya nagpunta ako sa may pinto.

Nilagay ko sa dining table ang paper bags at kumuha ng plates, spoon, forks at mangkok para sa sabaw.

Ginising ko na si Bea.

Tsk! Tsk! Tsk!  Mag aalaga lang pala ako ng lasing!  Akala ko makakapag relax ako!

Goodbye relaxation!

Nagdasal na kami.  

Magana naman syang kumain.

Maddie :  Now!  Spill it!

Bea :  About ano?

Maddie :  Yong dahilan ng paglalasing mo!

Bea :  I am just having fun nga lang!

Maddie :  My ass, fun!

Bea :  Matagal na kasi akong di nakakainom.

Maddie :  Sino kasama mo?

Bea :  A-ako lang!

Napahilamos ako sa mukha ko.

Maddie :  Andito na naman tayo, Bei!  Tigilan mo na?  Nagkita ba kayo?

She told me everything.  Napatulala naman ako.

Maddie :  She works for you?

Tumango lang sya.

Maddie :  Aba!  Sa dinami dami ng company sa Metro Manila, sa company nyo pa talaga!  Ano ba gusto nya mangyari, ha?

Bea :  I don't know.  Nasa Europe ako when she applied.  Tinanggap naman sya agad ni kuya.

Maddie : Kuya Loel din, no? 

Bea :  Hayaan mo na.  She is an asset naman ng company.  She is very good at what she does.  Ako na lang siguro ang lalayo.

Maddie :  At bakit naman ikaw?

Bea :  Masyado ng maliit ang mundo naming dalawa dito.

Maddie :  Mahal mo pa rin sya?

Natahimik muna kami ni Bea.  Di sya makasagot.

I think, I know na the answer.

Maddie :  Nandyan pa rin? 

Napatungo na lang si Bea. 

Shit!  Shit na pag ibig na yan!  Bakit di mawala wala!  Sobra ng nasasaktan ang kaibigan ko!

Bea :  Bakit sya nandito, Madz?  Bakit nasasaktan pa rin ako?  Bakit mapanakit pa rin sya?

Maddie :  I don't know abput her intentions.  Grabe, sa dinami dami ng company, sa DL Industries pa talaga!  Kuya Loel naman!

Bea :  Sana masimulan na ang project sa Cebu.

Maddie :  Di naman natatakasan yan, Bei.

Bea :  Ayoko syang makita, Madz!  I am still hurting!  Shit!

Umiyak na si Bea.  Awang awa na ako sa kaibigan ko.  Di ko na alam gagawin ko sa kanya.  Lord, please help my friend.  Palagi na lang syang nasasaktan.

Maddie :  Nagkikita ba kayo sa office?

Bea :  Hindi.  Nasa marketing department sya.

Maddie :  Ganon naman pala.  Di na naman pala kayo nagkikita.

Bea :  But, I know that we are in the same building.

Maddie :  Is there a possibility na magkaayos kayo?

Bea :  What do you mean?

Maddie :  N-na, magkabalikan kayo.

Tiningnan nya ako ng masama.

Bea :  Sa ngayon.  Mas nangingibabaw ang sakit kaysa pagmamahal ko sa kanya.

Maddie :  So, mahal mo pa.

Napayuko naman si Bea.  Grabe nya talaga magmahal.  Lagpas buto.  Tindi.

Maddie :  You need to heal first, Bei.  I think, you need more time. 

Bea :  Ayoko syang makita, Madz.

Maddie :  W-why?

Bea :  Dahil marami akong tanong sa isip ko.  Bakit nya sinayang kung anong meron kami.  Bakit nya ako pinagpalit?  She cheated, Madz.  Habang busy ako sa mga requirements at thesis ko, nakikipag chat at nakikipagkita na sya kay Marci.  She chose him over me sa mga lakad.  Marami syang idinadahilan, para di matuloy ang lakad namin, para sila ni Marci ang magkasama.  She chose to break my heart.  

Maddie :  Bea.  Tama na.  Matagal na kayong wala.

Bea :  Maybe, I can accept if she's been honest with me.  Kami pa, nagkikita na sila.  Kahit pareho silang busy ay magkasama pa rin sila.  Magkasama na ginagawa ang mga requirements nila.  Pero, kami.  Hindi.  Nagawa nya sa akin yon!  Bakit nagawa nya sa akin yon?  I need to unlove her.  She doesn't deserve me, Madz.  Sarili lang nya iniisip nya. 

Awang awa na ako sa kaibigan ko.  Iyak na sya ng iyak.  Niyakap ko lang sya at inalo.

Shit, Jhoana Louisse!

Anong ginawa mo sa kaibigan ko?  Nasasaktan pa rin sya.  Bakit ka pa ba nagpakita sa kanya, ha?  Di pa ba sapat na dinurog mo ang puso nya?  Di pa ba sapat na nabago mo sya/? From masayahin to seryoso?

Bakit ka pa nagpakita kay Bea?


Only You    (completed)Where stories live. Discover now