Part 21

434 8 2
                                    


One year later.....


Three weeks ng kasal sila Bea at Louisse.  Sa San Francisco sila nagpakasal.   Napakasaya nila Bea at Louisse nong araw na yon.

Di akalain ni Bea na mangyayari yon sa kanilang dalawa.

Bea is hopeless na na sila pa ang magkakatuluyan.  Well, pag kayo, kayo talaga sa huli.

Nanood ng tv si Bea at si Louisse naman ay nasa terrace. 

Louisse :  Bhe.

Napabalikwas si Bea.  Pinatay na nya ang tv at naglakad agad papunta sa terrace.

Bea :  Yes, baby?

Louisse :  Daming stars.

Bea :  Yeah.  Ganda rin ng buwan.  Full moon pa.

Yinakap ni Bea si Louisse.  Naka back hug sya rito.

Hinawakan naman ni Louisse ang kamay ni Bea na nasa tyan nya.

Louisse :  Napakaganda ng gabing ito.  Tahimik.  Very calm.

Bea :  Mas maganda ka.

Hinalikan ni Bea ang buhok ni Louisse.

Louisse :  Alam ko.

Natawa naman si Bea.

Louisse :  Bakit ka natawa?

Kinurot ni Louisse ang tagiliran ni Bea.

Bea :  You sound so cute, e.

Humarap si Louisse kay Bea at nagkatinginan na sila.

Louisse :  Mahal na mahal na mahal kita, Beatriz.

Bea :  Mahal na mahal na mahal din kita, Jhoana Louisse.

Nagyakap sila ng napakahigpit.  Isiniksik pa ni Louisse ang mukha nya sa leeg ni Bea.

Louisse :  Gusto ko na magka baby tayo.

Naka pout na sabi ni Louisse.  Napangiti si Bea.  So cute lang ng baby nya.

Bea :  Oo naman.  Kelan mo gusto pumunta ng US?

Louisse :  Hmn.  Galing pa lang tayo don.  Siguro, six months from now.

Bea :  My wish is your command, kamahalan.

Louisse :  Kamahalan ka dyan!

Bea :  Mahal kasi kita.  Kaya ka mahalan.

Napabungisngis si Louisse.

Louisse :  Corny mo po.

Bea :  Pero, mahal mo naman!

Louisse :  Oo naman!

Bea :  Paano kaya kung maging twins ang unang anak natin?

Louisse :  Twins?  Kasya ba yon sa tyan ko?

Bea :  Pag nasa loob pa sila, napakaliit pa ng baby.

Louisse :  A.

Bea :  There's a new procedure na pwede e inject ang DNA ko sa yo para may ambag naman ako sa baby natin.

Louisse :  Naku, baka kamukha mo pa!

Bea :  Hahahahahahaha!



Sixteen months later.....


Louisse :  Bhe?  Bhe!

Bea :  O, bakit?

Louisse :  Sakit ng tyan ko!  Manganganak na yata ako, bhe.

Bea :  Huh?  Teka lang!  Hold it muna!

Kinuha ni Bea ang baby bag at inalalayan na ni Bea si Louisse palabas ng unit nila.


Louisse :  Bhe?  Napakasakit na!

Bea :  Malapit na tayo, baby.  Ayan!  Nakikita ko na ang hospital!  Pigilan mo muna!

Louisse :  Araaay!

Pagdating sa hospital ay pinasan na ni Bea si Louisse.  Namimilipit na kasi ito sa sakit.

Bea :  Nurse!  Nurse!  Manganganak na misis ko!

Nurse :  Paupuin nyo po si  Misis dito, ma'am!

Louisse :  Bhe?  Wag mo ako iwan!

Bea :  Di kita iiwan! 

Ipinasok na sa emergency room si Louisse at hawak hawak naman nya ang kamay ni Bea.

Doc :  Mrs. De Leon!

Louisse :  Doc!  Ang sakit sakit na!

Doc :  Hmn.  Malapit ka na manganak!  Bea, wear some protective gear!  Nurse, please assist Bea!

Nurse :  Dito po tayo, ma'am.

Bea :  Sandali lang ako, baby.

Hinalikan muna ni Bea ang noo ni Louisse bago umalis.


Doc :  Push, Louisse!  Nakikita ko na ang ulo ng baby mo!

Louisse :  Pagod na ako, doc!  Aaaaaaah!

Doc :  One more big push!

Louisse :  Aaaaaaaah!  Beatriz!  Walanghiya ka!

Bea :  Sandali na lang, baby!  Sandali na lang!  Lalabas na baby natin.

Doc :  One more, Louisse!

Louisse :  Aaaaaaaaaaaahhh!

Nakarinig na sila ng iyak ng baby. 

Doc :  Congratulations!  It's a baby boy!

Bea :  Thank you, doc!

Napaiyak na si Bea ng makita sa unang pagkakataon ang anak nya.

Bea :  Bhe?  Baby natin, o!

Pagod na pagod na si Louisse, pero nakangiti ito ng makita na ang baby nya.

Nilinis na ng nurse si Louisse, pati ang baby.

Inilipat na si Louisse sa isang executive room.  Nakasunod lang si Bea kay Louisse.

Habang tulog ang asawa ay hinaplos haplos ni Bea ang buhok ni Louisse.

Hinalikan nya ito sa noo.


After two days ay nakauwi na rin sila.

Masyadong maalaga si Bea kay Louisse.  May taga linis at taga luto na sila sa condo.  Umuuwi ito pag gabi na.

Si Bea ang nag aalaga sa baby.  Gusto ni Bea na makapagpahinga ng mabuti si Louisse.

Louisse :  Ako na, bhe.  Malakas na naman ako.

Bea :  No.  Rest ka lang muna.  Ako na.

Louisse :  Si baby JB lang ang baby natin.

Bea :  You are my original baby.  Tsaka, nine months mo syang inalagaan sa tyan mo.  Marami kang nararamdaman.  Masakit.  You are uncomfortable during those nine months.  At worst, nong manganak ka na.  So much pain.  Kaya, hayaan mong ako naman.  Ako mag aalaga sa kanya sa gabi.  Tulog ka lang.

Napaiyak na si Louisse. 

Ang swerte swerte nya.

Bea : O?  Bakit ka umiiyak?

Lumapit si Bea kay Louisse at pinahid ang luha nito.  Niyakap nya  ito.

Bea :  Wag na iyak,  baby.

Louisse : Napaka swerte ko sa yo, bhe.

Bea :  Kami ni baby ang ma swerte sa yo.

Hinalik halikan ni Bea ang noo ni Louisse.

Louisse :  Ma swerte ako sa yo.  Period.



THE END

Only You    (completed)Where stories live. Discover now