Prologue:

299 13 1
                                    

This story is work of fiction, names, character, places and incidents are either a product of author's imagination or used fictiously. Any resemblance to actual people living or dead events or locales are entirely coincidential.

Note: Plagiarism is a CRIME!!

***************************************
Beatrice Dale S. Oliveros is a simple girl who wants a complete and happy family. A hard-working person. Her family call her Beartice but her only bestfriend use to call her B.

Xavi Sebastian III known as a Gentleman and rich. He is the only son. Hindi niya pa nakikita ang sarili niyang mag-asawa kahit ilang beses na siyang kinukulit ng magulang niya dahil sa kagustuhan nilang apo. Para sa kanya, Kailangan mo munang i-enjoy ang buhay at wag magmadali sa bagay-bagay.

************************

Naglalaro lang kami ni Ate Desiree ng may marinig kaming nabasag sa labas ng kwarto namin.

"Ano ba, Wilton! Hindi ito ang buhay na pinangarap ko. Alam mo ang dahilan kung bakit ko hiniwalayan ang unang asawa ko diba? Dahil hindi ako kayang buhayin tapos heto nanaman tayo?!" sigaw ni Mama.

"Ginagawa ko naman ang lahat para makausad tayo, Cleofe e. Napapakain ko naman kayo ng tatlong beses sa isang araw ah," usal naman ni Papa.

Si Mama ay dakilang maluho. Dahil na rin siguro lumaki siyang naibibigay nila Lola ang gusto niya na bagay na hindi magawa ni Papa dahil pinag-aaral din kami ng mga kapatid ko.

"Ilang beses ko na kasi sinabi sayo na mag-ibang bansa ka diba? Ayaw mo naman magtrabaho ako. Masyado mong pinapairal yang ego mo!" sumbat naman ni Mama.

Nginitian ko nalang si Desiree saka hinawakan ang kamay ni Aliyah.

"Tatanggapin ko na yung offer ng kaibigan ko. Sasama na ako sa kanya sa saudi at hindi mo ako mapipigilan ron dahil lintik Wilton, Hindi tayo mabubuhay ng ego mo!" dagdag ni Mama.

Pagkatapos non ay wala na akong narinig na sagutan pa kaya sinilip ko kung sino ang natira sa sala. Nakita ko si Papa na naluluha pero pinilit niyang ngumiti sa harap ko.

"Ayos ka lang po ba, Papa?" nag-aalala kong tanong.

Sino ba makakapagsabi na sa edad kong 10 years old ay namulat ako ng maaga sa realidad.

Eh sino ba ang hindi mamumulat kung halos araw-araw ay maririnig mo ang magulang mo na nagtatalo sa pera.

Hinawakan naman ni Papa ang kamay ko saka ngumiti sakin. "Ayos lang si Papa. May hindi lang kami pagkakaunawaan ni Mama mo,"

"Sana po Papa magkaayos na kayo ni Mama kasi ayoko pong nag-aaway kayo," ani ko.

Ngumiti nalang si Papa sakin at pinabalik na ako sa pakikipaglaro kela Ate Desiree at Aliyah.

Ako ang pangatlong anak ni Papa at Mama. Si Kuya Billy naman ay nanatiling naglalaro sa kanyang cellphone.

Pagkalipas ng ilang linggo....

"Please Mama, Wag na po kayong umalis oh? Pwede naman po kayong nandito lang kasama kami diba?" hagulgol ko.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pinunasan ang luhang pumapatak sa mga mata ko.

"Beatrice, Kailangan gawin ito ni Mama ha? This for you and your sister's future." aniya.

Tinignan ko naman si Papa na nakatingin lang samin.

"May work naman po si Papa e." Nilingon ko si Papa. "Diba Papa hindi mo naman po kami papabayaan kaya okay lang kahit hindi umalis si Mama?"

"Anak, Intindihin mo naman si Mama oh? Come to think of it, Kapag nagpunta si Mama sa ibang bansa mabibili ko lahat ng gusto niyo at makakain niyo lahat ng gusto niyo," usal naman ni Mama.

Patuloy lang ako sa pag-iling sa kanya at pigil sa pag-alis.

Napabuntong hininga naman si Mama saka hinimas ang ulo ko kasabay ng pag-anunsyo ng staff sa airport.

"This is the final boarding call for passengers Erin and Fred Collins booked on flight 372A to Kansas City. Please proceed to gate 3 immediately. The final checks are being completed and the captain will order for the doors of the aircraft to close in approximately five minutes time. I repeat. This is the final boarding call for Erin and Fred Collins. Thank you."

Tinawag ni Mama si Kuya Billy, Ate Desiree at si Aliyah saka niyakap kaming apat ng mahigpit bago naglakad papunta sa gate 3. Hinawakan naman ako ni Papa ng mahigpit sa magkabilang balikat.

Yumuko ako saka kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang hikbi. Lumuhod naman si Papa saka hinawakan ang baba ko.

"Beatrice, Magiging okay din ang lahat okay? Nandito lang si Papa palagi para sainyo ng mga kapatid mo," aniya.

Yinakap ko naman ng mahigpit si Papa. Eversince, I know to myself that I am a Papa's girl. Hindi ako nakakatulog ng wala sa tabi ko si Papa.

Pagkauwi namin sa bahay si Ate Desiree ay dumiretso ss kwarto namin habang si Papa ay nagsimula na sa pagluluto kaya tinulungan ko na si Papa.

Mahahalata mo kay Papa na nalulungkot siya sa pag-alis ni Mama. Simula't sapul kasi ayaw talaga niyang magtrabaho si Mama or umalis ng bansa dahil nasa isip niya, Siya ang lalaki siya ang bubuhay samin.

Yan rin ang tumatak sa isipan ko na dapat itinuturing na prinsesa ang mga babae.

Breadwinner (The Untold Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon