Sign No. 5

272 16 6
                                    


05

...

Isa ngayong maulan na hapon. Limang araw ang nakakalipas simula nang magsimulang mag-seat-in si Rupell sa klase namin.

I quietly sat behind the classroom as a series of thunders continued to haunt my peaceful seat near the window.

Marahan kong niyakap ang aking sarili dahil sa lamig.

I tried my best to control my sleepiness, mainly because I haven’t been doing good in this subject. Dahil narin sa parusa na kailangan kong gawin araw-araw.

Inikot ko nga ang tingin ko sa buong silid hanggang sa mapatuon iyon kay Rupell na katabi ko. He was seriously listening to our teacher, but he immediately noticed me staring at him.

His forehead wrinkled. “Need anything?” malumanay niyang tanong.

There was a long silence before I answered. “W-wala...” sagot ko bago iiba ang direksyon ng tingin ko.

“Are you feeling cold?” mahinang tanong pa ni Rupell.

Sandali akong tumingin sa kanya at umiling. I saw him smirk after looking at my hands.

Nakapulupot iyon sa katawan ko.

“I think you’re feeling cold,” mahina ngunit natatawa nitong sambit. My eyebrows furrowed. “Bakit? Pahihiramin mo ba ako ng jacket?” I teased.

He bit his lower lip na parang nagpipigil na mapangiti. The next thing I know ay hinubad niya ang suot niyang jacket at iniabot iyon sa ‘kin.

I paused at his hand giving me that jacket.

“Ha? Ipapahiram mo ba talaga sa ‘kin yan? Edi ikaw naman ang nilamig dyan sa uniform mo.”

Umiling siya. “Hindi hiram, bigay ko nalang sa’yo para kapag kailangan mo ulit ng jacket edi ito nalang gamitin mo.”

Dumakong muli ang tingin ko sa jacket na hawak niya. It would be rude to decline.

“S-sige, salamat,” I said after accepting his jacket. He then smiled at me and nodded. “Kung inaantok ka, pwede ka rin dito sa balikat ko,” biro pa niya.

“Baliw ka,” natatawa kong tugon habang sinusuot ang jacket. “Actually kanina pa akong umaga nilalamig eh, nadagdagan lang ngayon kase umulan,” pagpapatuloy ko.

“Why? Uminom ka na ba ng gamot?” he suddenly asked. Inayos nito ang pagkakaupo niya sa direksyon ko. “Do you want me to buy you medicine?”

Natigilan ako sa mga sinasabi niya, malaun ay napangiti nalang din. Napasimangot naman siya noong napatawa ako.

“Ano yan? Parang nung nakaraan lang eh magkaaway pa tayo ah,” wika ko.

Magkaaway rin tayo sa iisang babae.

“I’m seriously asking you Mr. Chasen, baka kapag sumama ang lagay mo eh... baka sabihin mo sa guidance na binully kita,” wika niya na tila nahirapan pang magkompusa ng dahilan. Napangisi ako.

“Ay yun, kaya naman pala.”

“Hey, I’m asking you again. Kailangan mo ba ng gamot?” he reiterated. I had a blast of fun just looking at his serious face.

Ibinaling ko nang maayos ang mukha ko sa kanya at isinandal ko pa ang ulo ko sa aking kamay na nakatukod sa lamesa.

“Sagutin mo muna itong tanong ko bago ko sagutin yung tanong mo,” nginisian ko siya.

I noticed how he paused for a while after I fixed my sight on him. Natigilan siya pero pilit na iniwasan ang eye contact sa pagitan namin.

“A-ano ba yung tanong mo?”

His Signs of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon