18...
It was a stormy afternoon.
Nakisabay ako sa mga estudyanteng nagtatakbuhang kapuwa walang payong katulad ko. Mariing nakapatong ang aking mga kamay sa aking ulo.
Tsk. Kung kailan nakalimutan ko ang payong ko ay siya namang pagbuhos ng ulan.
Sumilong ako sa isang waiting shed at napatingala pa sa kalangitan para tingnan kung mukhang magtatagal pa ang ulan. Napakadilim ng langit na punong-puno ng mga ulap.
Huminga ako nang malalim. Matyaga nalang akong naupo roon habang pinupunasan ng towel ang aking buhok.
After a while, a smile was suddenly drawn in my face as I noticed Rupell standing beside the gate of Westland. Wala rin siyang payong kaya nakatakip lang din siya ng kamay niya.
Agad akong napatayo.
Saktong kakaway na sana ako sa kanya... ngunit sa isang iglap ay natigilan ako. Tila naestatwa ang aking kamay na nakataas.
Nawala ang ngiti ko.
I saw Retina as she slowly walked towards Rupell, at pagkalapit niya ay pinayungan niya ito.
Napansin ni Rupell ang payong at agad siyang napabaling. Nakita ko kung paanong napangiti sa Retina nang magtama ang kanilang pagtingin.
They shared a yellow umbrella during that tough rain.
Mahigpit akong napakapit sa shoulder bag ko at kinompusa ang aking sarili. Weirdly, I felt uncomfortable.
Retina whispered something to Rupell. Kumunot ang noo ni Rupell pero hindi nagtagal ay tumango rin naman.
Saka ko lang muling naalala ang sinabi sa akin ni Retina noong nakaraan. Aamin na siya kay Rupell.
My lips pressed into a thin line because of a thought.
Siguro ay ngayon na aamin si Retina kay Rupell. Siguro...
Hindi ko napigilang mapaiwas ng tingin sa kanila dahil sa kakaiba kong naramdaman. Awtomatikong humawak ang kaliwa kong kamay sa may dibdib ko. Napakagat ako sa ibaba kong labi at bahagyang napatungo.
Chasen, calm down!
Kinompusa ko ang aking sarili.
Hindi nagtagal ay nakita ko silang magkasamang sumakay ng taxi na dahilan para mapuno ako ng pagtataka.
Gustuhin ko mang hindi makealam ay nakita ko nalang ang sarili ko na agad na pumapara rin ng taxi. Nagmamadali akong sumakay.
I don’t know what got to me but I commanded the driver to follow the taxi that they were riding.
Patuloy pa rin ang malakas na ulan kaya bahagyang malabo ang view namin mula sa loob ng taxi, gayunpaman ay nasundan sila ng driver ng sinakyan ko.
Ibinaba sila ng taxi sa isang sikat na restaurant. Pinanuod ko silang magkasamang pumasok habang nagsasalo sa iisang payong.
“Sir?” pagtawag sa ‘kin ng driver dahil sa hindi ko namalayang napatulala na pala ako.
“A-ay sorry po. Opo, dito nalang po ako,” tugon ko naman.
Matapos kong magbayad ay lumabas ako ng taxi at tumakbo para may masilungan sa harap ng restaurant. May nakita akong dyaryo sa isang lamesa malapit sa pinto kaya iniharang ko iyon sa aking mukha sa pagpasok ko.
Utay-utay akong naglakad at pumili ng mapepwestuhan malapit sa kanila.
Fortunately, I had a seat behind Rupell. Nakatalikod lang sa ‘kin ang upuan niya kaya magagawa kong marinig ang kanilang usapan.
BINABASA MO ANG
His Signs of Affection
Romance[First story in the 'HIS' series] [BL] Chasen can bite off more than he can chew for the most precious girl to his eyes. Since elementary, he has developed a constant admiration for Retina; who other than being beautiful is the kindest person he ha...