Sign No. 10

222 10 4
                                    


10

...

Pangalawang araw na ngayon ng Education Week at isa sa mga programa na nakaschedule ngayong araw ay ang isang tree planting activity sa Mt. Banahaw.

Umaga palang ay dumating na ako sa school habang dala-dala ang ilang mga kakailanganin ko sa field trip. Ang totoo ay hindi naman talaga ako mahilig umattend sa mga ganito pero sa ngayon ay kailangan ko munang makalayo man lang.

Attending this tiring duty should be much better than watching Rupell and Retina.

Kahapon ay sinabi ko na kay mama ang plano kong paglipat ng university. Pumayag naman siya pero kailangan ko raw munang tapusin itong finals namin. Ayaw ko naman talagang umalis ngunit kailangan ko iyon para magsimula muli ng panibago.

Tahimik nga akong naupo sa may dulo ng bus, sa bandang tabi ng bintana.

Trying to be a little like a main character, I wore my headset and inclined my head to the window. Huminga ako nang malalim.

Madilim-dilim pa ng mga oras na iyon kaya napakayapa sa puwesto ko sa likuran. Malamig at tahimik.

This should be my exit from all the troubles that are happening to me.

Hindi nagtagal ay nagdatingan na rin ang ibang mga kalahok. Unti-unting napuno ang mga upuan ng bus hanggang sa nagsalita na rin ang isang teacher na babae sa unahan.

"Okay students, we are going to have a tree planting today in Mount Banahaw as part of our Education week. I am hoping na makikicooperate kayong lahat... at please lang-huwag hihiwalay sa mga kasamahan," paalala ng guro.

"Am I making myself clear?" paninigurado ng teacher.

"Yes po," sabay-sabay naming tugon. The excitement can be heard on everyone's voice.

"Okay. At isa pa-" magsasalita pa sana si ma'am ngunit biglang may tumawag dito mula sa labas ng bus. "Wait lang mga bunso."

Lumabas nga muna ito. Sandali muna akong nag-scroll sa aking cellphone hanggang sa muli siyang bumalik.

But as the teacher stood again in the middle of the bus, a familiar face caught my attention behind her. Napatanggal ang tingin ko sa aking cell phone.

"May makikijoin sa mini-field trip natin," balita ni ma'am kasunod ng pagtingin sa nasa likuran niya.

Nagtilian ang ilang mga babae sa bus dahil sa makikisama sa field trip namin.

Napahinga ako nang malalim.

It was Rupell.

Tulad namin ay nakasuot rin ito ng CTE shirt na kulay blue, na hindi ko malaman kung saan niya nakuha dahil engineering naman ito.

"Sige, Mr. Bastion, pumili ka na kung saan gusto mong umupo," wika pa ni ma'am.

I noticed how he looked around the bus and when he saw me, he smiled.

Saka lang ako natauhan na wala pa nga pala akong katabi at mukhang sa direksyon ko siya papunta.

My eyes widened.

I hurriedly thought of an idea to stop him from sitting beside me.

Think, Chasen!

But even before I was able to say something-

"Dito ka nalang, pogi." Isang babae ang mabilis na tumayo sa may bandang likuran ni Rupell.

Napatingin kaming pareho sa nagsalitang iyon. "Dito nalang, may ekstra pang upuan dito, pogi," pagpapatuloy pa ng babae.

His Signs of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon