Sign No. 16

240 10 1
                                    


16

...

The next few days, after that, became hard for me as the scenes keeps on replaying in my head.

Nabawasan na rin ako ng tulog tuwing gabi kahit pilit kong binubura sa isip ko ang mga nangyari.

If it's not because of Rupell, I wouldn't be able to handle what happened that day. Kung wala siguro siya na nagligtas sa 'kin ay baka nawala na ako sa katinuan ngayon.

Dahil sa nangyari ay hinayaan din ako ng principal na umabsent ng isang linggo, habang natuloy naman na nakulong iyong ex ni Bartie.

Turns out that Bartie's ex has been hurting him since the day they started dating.

Kahit na may nagawa saking masama si Bartie ay hindi iyon dahilan para hindi ako maawa sa kanya, kaya kahit hindi pa siya humihingi sa 'kin ng tawad ay niyakap ko siya noong nasa police station pa kami.

Humagulhol siya sa may balikat ko noon at humingi ng kapatawaran.

He had his reasons, and I know that he already regrets what he did. So I'll be more that grateful to forgive him.

Sa kasalukuyan naman ay tatlong araw na akong nananatili lang dito sa loob ng bahay. Maglilinis, kakain, mag-aaral ng mga textbooks, at magluluto lang ang araw-araw kong naging gawain.

Nakaupo ako ngayon sa harap ng study table ko nang biglang tumunog ang aking cellphone.

It was a message from Rupell.

Araw-araw ay nagpapadala siya ng picture niya sa 'kin habang nasa school siya. Hindi rin iyon nawawalan ng pangangamusta.

Hindi ko nalang namalayan na nakangiti na pala ako habang nakatingin sa litratong iyon.

I noticed it, but I didn't let it fade. For the past few days, siya ang dahilan ng bawat ngiti ko.

Pagdating nga ng hapon ay narinig ko nalang si mama na malakas akong tinatawag mula sa baba. Kahit inaantok ako ay nagmanadali ko siyang pinuntahan.

At nang makita ko siya ay kaharap niya si Rupell sa may pinto.

Walang ngiti na makikita ni mama noong bumaling siya sa 'kin .

"May bisita ka," walang emosyong pag-uulit ni mama.

Dumako ang tingin ko kay Rupell na kahit alam kong naramdaman ang kakaibang pakikitungo ni mama ay ngumiti pa rin sa 'kin.

Kakausapin ko pa sana si mama ngunit dumiretso na ito sa kusina, kaya lumapit nalang ako kay Rupell.

"B-bakit ka nandito?"

Nahihiya siyang napakamot ng batok.
"Wala, namiss lang kita," tugon niya.

My eyebrows elevated pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya. Umiwas ako ng tingin.

"Namumula ka," puna pa ni Rupell.

"Loko ka, hindi ah. Malabo na rata mata mo eh," pagsalungat ko na mahina niyang kinatawa.

Tinitigan ko lang naman siya nang masama. "So bakit nga? Bakit ka napasugod dito?" tanong ko.

"Gusto sana kitang ayaing lumabas, yun naman eh kung gusto mo lang. Okay lang kahit ayaw mo."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Pasaan?"

He bit his lower lip.

"Kahit saan mo gusto. Naisip ko lang na baka gusto mong mamasyal eh para hindi ka masyadong mabagot."

Napatango ako.

"Sige, sasama ako... basta ikaw na bahala sa pupuntahan natin ha," tugon ko pa.

Tumango naman siya.

His Signs of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon