Sign No. 8

214 11 0
                                    


08

...

A large group of students while whispering gossips, welcomed me with their darting eyes. Sa bawat pagyapak ko sa mahabang hallway ay ang pagkumpol ng mga taong nakatingin sa'kin.

Tahimik ngunit hindi komportable sa pakiramdam.

Kararating ko lang ngayon sa Westland at simula palang sa gate ay napansin ko na agad na may kakaiba sa mga nadadaanan kong estudyante.

Napakapit nalang ako nang mahigpit sa dala kong bag habang palingon-lingon ako sa aking paligid.

The embarrassment I'm feeling has grown bigger.

Nagpatuloy nga ako sa paglalakad. I walked but I made it as fast as I was running. Pakiramdam ko ay kailangan kong makalayo.

Ngunit bago pa man ako makapunta sa second floor ay bigla nalang may humawak ng mahigpit sa buhok ko. Sa isang iglap ay napaangal ako sa sakit.

"Aaahh!" I yelled.

My head turned upward, as someone suddenly grabbed my hair. Sa higpit ng kapit nito ay halos mabunot ang aking mga buhok.

Napahakbang pa ako patalikod sabay sa paghigit niya.

I tried my best to remove her hand but that person was strong. I can't resist her force.

"B-bitaw..." I pleaded.

I heard her chuckle at what I said, along with some other that's with her. Marami siyang mga kasamang babae at lalaki.

Hindi ko nagawang kontrolin ang paghigit niya sakin. May mga humawak sa aking mga kamay at mariin akong hinila paalis sa may hagdanan.

The next thing I know ay itinulak na nila ako sa bakanteng lote sa may likuran ng department building kung saan walang gasinong napunta. Lumikha ng malakas na tunog ang pagbagsak ko sa damuhang iyon.

Nagkalatan ang mga dala kong gamit sa lupa. Ang mga papel, tubig, selpon, at iba ko pang mga dalang textbooks.

Sandali akong tumingin sa taong iyon at tumingala.

I don't personally know her but I'm pretty sure that she is one of those avid fan of Rupell. A crazy fan of Rupell.

D*mn this university!

"Nag-eenjoy ka siguro ngayon sir noh?" mariing tanong nito.

Nanlilisik ang pagtingin niya na halos tumagos sa akin. "Sa tingin mo talaga masisira mo si Rupell ha?! Sa tingin mo eh sisikat ka dahil lang dun sa article na chinika mo kay baklitang Bartie?!"

My eyebrows lowered. "H-hindi ko alam ang sinasabi mo. Pwede ba?!" sambit ko bago ipagpatuloy ang pagpulot sa mga gamit ko habang nakaluhod.

I don't want any trouble right now.

Hindi na siya nagsalita pa. Nagpatuloy lang naman ako sa pagpulot habang pinapanuod ako ng marami. Di ko narin inalintana ang mga galos ko sa may braso.

My hand is trembling at that moment. I pressed my fear while trying to act sane. Sweats flowed down my neck.

Pinilit ko ngang makuha ang mga gamit ko ngunit noong kukunin ko na ang mga papel ay siya namang muling paglapit nung babae.

"Ooooooowwwwss!!!!" biglang ingay ng mga nanunuod.

Bago ko pa mapigilan ay binuhusan na niya ng tubig ang mga papel ko, gamit ang isang water bottle. My eyes settled on those papers as water continued to soak them. Nagkahiwalay ang aking mga labi kasabay ng pagpupumilit kong kunin ang mga papel na nagkakasira-sira tuwing hinahawakan ko.

His Signs of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon