Sign No. 15

144 10 0
                                    


15

...

I must have lost it!

Wala naman talaga akong planong dumikit iyon, pero in the first place—

Bakit ko nga ba ginawa yun?

Aaaahhh!!

Hindi ko na nga nahintay pa si Rupell sa paglabas ko dahil dire-diretso na ako hanggang sa makauwi. Hindi ko siya kayang harapin. Anong mukha ang ihaharap ko sa kanya??

Pagkarating ko sa bahay ay nagsara agad ako ng kuwarto at nagtalukbong ng kumot. Diniin ko ang mukha ko sa unan sa loob ng ilang minuto habang kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko na pilit kong inaalis.

Natigil lang iyon nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Napaayos ako ng upo at agad ko iyong kinapa sa aking bulsa. Huminga muna ako nang malalim para tingnan kung sino ang nagmessage.

Sana hindi si Rupell.

Utay-utay kong tiningnan kung sino iyon, at kasunod na napakagat nalang sa ibaba kong labi.

Si Rupell nga. Pero ang kaibahan lang eh sa website siya nagchat kaya ang pagkakakilala niya sa 'kin eh yung love expert.

Akala ko eh inis siya sa 'kin bilang love expert tapos ngayon magchachat ulit siya.

"Fine, I'll give you another chance to do your job. Itataas ko ang rating mo kapag tinulungan mo ako," basa ko sa chat niya.

"I'm just really confuse right now," dagdag pa niya.

Kumunot ang noo ko. As much as I'm really clueless about what he is talking about, this is the best opportunity para ayusin yung rating ko. I bit my lower lip as I lessened my pride by replying to him.

"Ano yun?" nagdadalawang-isip kong reply.

"I just want you to interpret something for me. That person, the one I told you about, did something that only couples do—to me. What does that signify? Sinasagot na ba niya ako or what? Babayaran kita kapag nagustuhan ko sagot mo."

Nanlaki ang mga mata ko. Did he just talked about me?

Kapag sinabi kong sinagot na nga siya eh babayaran niya ako, pero kapalit naman nun eh mamimissinterpret niya yung ginawa ko bilang si Chasen.

Tsk. Think, Chasen!

"Why don't you just ask yourself? Ano ba sa tingin mo ang meaning nung pagnanakaw niya ng halik sa 'yo ?" pagbabalik ko ng tanong para sa kanya mapunta ang stress ko.

"How did you know that he stole a kiss from me? I didn't tell you that," tugon niya.

My lips compressed as my eyebrows elevated. Tama nga naman... wala nga pala siyang sinabi.

"Hula lang... love expert rata ako kaya magaling ako sa ganyan. So ano nga? Ano bang interpretation mo dun sa nangyari? Baka naman... hindi sinasadya. Baka niloloko ka lang pero dumikit. Diba? What are the chances?"

This website is literally my ace card. I can work anonymously para hindi mamisinterpret ni Rupell yung nangyari.

"I don't like that answer," reply niya.

My face froze because of what I saw. Anong gusto niya?? Nagtanong pa siya eh gusto lang pala niyang ifeed yung naisip niya.

"I think he likes me too," dagdag pa niya.

Sarkastiko akong napangisi.

"Asa ka pa Mr. Rupell, wala yung meaning. Wala siyang gustong ipahiwatig," agad kong reply.

His Signs of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon