Epilogue

478 18 5
                                    


...

I can still remember the day
I had a deal with Chasen's mother. Isa iyong Huwebes ng hapon noong pumayag siyang makipagkita sa 'kin sa isang resto.

"Mahal mo siya, 'di ba?"

A question echoed my mind as I sit infront Chasen's mother that time inside the resto. Walang mararamdamang emosyon sa kanyang boses.

I looked directly at her as I nodded. "Opo," diretso kong tugon. Uminom naman siya ng kape bago muling magsalita.

"At alam mo rin na ang tatay mo ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng yun kay Chasen, tama ba?" Ibinaba niya ang hawak niyang tasa.

"W-wala po akong planong saktan siya," agad ko namang sambit.

Sarkastiko siyang napangiti. "Hindi ko alam kung naiintindihan mo ba kung ano ang pinagdaanan ni Chasen sa loob ng ilang taon matapos yung aksidente na kinabulag niya eh. Kaya kung may konsensya ka pa sa katawan mo, siguro eh maiintindihan mo kung bakit hindi ko gustong lumapit ka sa anak ko."

Umiling ako.

"P-please po... I'm begging," my voice almost cracked. Tila hindi ko na alintana ang kanyang mga salita sa akin.

"I just want to be with him," dagdag ko pa.

"Pero siya mismo ang ayaw na makasama ka. Ayaw na ng anak ko na lumapit ka pa sa kanya," mariin niyang sambit, bahagyang lumakas ang kanyang boses.

I let go of a deep breath as my eyes went teary again. Ganunpaman ay pinilit kong magmukhang matapang sa kanyang harapan.

Marahan kong hinawakan ang dalawa niyang kamay sa lamesa.

"Please po... I want to talk to him. Kailangan ko po siyang makita. Kailangan ko po siyang makausap!" pagmamakaawa ko.

Hindi na ako nagulat noong tanggalin niya ang aking kamay, ngunit gayunpaman ay hindi ako tumigil sa pangungumbinse.

"I can do anything. K-kahit ano po... basta makasama ko lang po siya. I-I need him..." hirapan ko pang sambit habang pinipigilan ang aking mga luha.

Napahinga nalang din siya ng malalim dahil sa pamimilit ko.

"Hindi ka nga niya gustong makita... At dahil iyon sa ayaw na niyang masaktan at mahirapan ka pa! He is also thinking about you! Para rin sa inyong dalawa na tapusin na ang lahat!" wika pa niya.

Mariin akong umiling.

"I don't care. Hindi ko po siya iiwan dahil lang sa nahihirapan ako. Hindi ba't ganun po kapag nagmamahal?"

"Rupell—" I abruptly cut through her dialogue.

"Hindi po matatawag na pagmamahal kung konting sakit lang, iiwan na agad. Kunting paghihirap lang, susuko na," pagpuputol ko sa sasabihin niya.

Pansin kong napatahimik siya at napahinga nang malalim. Marahan siyang tumungo.

"T-tita... please... k-kailangan ko po si Chasen. More than how he needs me. Mas kailangan ko po siya. Kapag kasama ko siya, hindi siya ang natutulungan ko kundi ang sarili ko. Kaya please... please po..."

"Rupell, tama na," inis niyang sambit.

Kasabay ng pag-iling ko ay ang tuluyan nang pagtulo ng aking mga luha. Pilit ko iyong pinunasan ngunit hindi iyon tumigil.

"Anything... Anything to be with him," wika ko pa. Mas humigpit pa ang paghawak ko sa kanya kahit pilit niya itong tinatanggal.

Chasen's mother fell silent as she looked directly at me. Wala na akong pakealam kahit umiyak pa ako at magmakaawa sa harap niya.

His Signs of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon