06...
My fever eventually healed throughout the night. And even though I wanted to go home, Rupell didn't let me.
While I want to argue with him, he actually has a point. Hindi ko rin naman kase gugustuhing mabaynat sa lagnat ko, kaya tinext ko nalang din si mama na nakitulog muna ako sa isang kaibigan.
Hindi rin naman pati nakikinig si Rupell. I told him that I should be the one sleeping on the floor since this is his house.
But hell.
He didn't even listened to me. Kaya nga sa sahig parin siya natulog habang ako naman sa kama.
It's almost eight when I woke up, dahil narin sa sinag ng araw na nakatutok sa aking mukha.
Dahan-dahan pa akong bumangon bago tumingin sa sahig sa may tabi ng higaan. Palihim akong sumilip doon habang kinukusot ang aking mga matang bahagya pang malabo.
And to my surprise, nakahiga pa nga roon si Rupell at mahimbing na natutulog, kahit na may mga tumatamang kaunting sinag ng araw sa kanyang mukha.
Expectedly, the sunlight that passes through the thin curtains blends with his skin making it sparkle. Ang ganda talaga ng balat niya. Napatungo rin ang tingin ko sa makinang niyang labi dahil sa sinag ng araw.
His hair is not combed. Still, it looks like a beautiful mess. Nakataas rin ang isa niyang braso sa may ulunan niya, dahilan para lumabas ang pagkamaskulado nito.
Natauhan nalang ako dahil sa mga pumapasok sa aking isip. Agad akong napaabante at napailing-iling.
Tulog pa ba ako??
But even with that, napansin ko nalang na hindi ko inalis ang aking tingin sa kanyang mukha na ngayon ay payapa paring natutulog.
Ganito rin kaya ang itsura ko kapag tulog ako?
As much as I want to look away, I got stuck admiring his features. Before I knew it, I am already on pause as I stare at him. Unti-unti ay muli kong inihiga ang aking katawan sa kama, habang ang aking ulo ay nasa may sulok at nakatapat sa mukha ni Rupell sa sahig.
Mula sa mga pilik-mata niya hanggang sa bahagyang nakabuka niyang mga labi.
The next thing that trembled my whole sanity was his eyes suddenly opening while I was staring at him.
Bahagya pa akong natulala bago makagalaw.
Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya at muling humiga sa kama. Agad-agad kong hinablot ang kumot at ibinalot iyon sa akin.
Sh*t!
Mariin kong kinulob ang sarili ko sa kumot at mahigpit itong kinapitan habang nakikiramdam.
Maya-maya pa nga ay naramdaman ko nalang na may nakuhit sa balikat ko.
"Hey," marahan niyang tawag sa 'kin. It was Rupell.
I bit my lower lip out of embarrassment. What should I say? Paano ko siya haharapin??
Or better yet, baka naman hindi niya napansin na nakatingin ako sa kanya... dahil kagigising at kamumulat lang naman niya.
It's not like I did something wrong. Humanga lang naman ako sa features ng mukha niya.
"Chasen, are you awake?" pag-uulit pa niya.
I took a deep breath and closed my eyes. I composed myself as I gathered some bravery.
Mind up, Chasen!

BINABASA MO ANG
His Signs of Affection
Romance[First story in the 'HIS' series] [BL] Chasen can bite off more than he can chew for the most precious girl to his eyes. Since elementary, he has developed a constant admiration for Retina; who other than being beautiful is the kindest person he ha...