Sign No. 17

156 8 0
                                    


17

...

Dahil na rin siguro sa sobrang init ay nanlabo ang mata ko kanina at nahilo ako.

And when I got my consciousness back, I found myself laying here in a hospital bed.

Pagmulat ko nga ng aking mata ay bumungad agad sa 'kin ang nakakasilaw na bumbilya sa kisame. Ibinaling ko ang tingin ko sa paligid at nakita ang iba pang mga pasyente na kasama ko sa kuwartong iyon.

Huminga ako nang malalim.

Who would have thought na isusugod pala ako sa Hospital ngayon?

Sinubukan kong makaupo sa tabi ng kama na sakto namang pagpasok ng isang babae na agad na lumapit sa 'kin.

"Chasen, mabuti naman gising ka na," wika nito.

Agad ko naman itong nakilala.

Siya si Tita Mheliza. Meroon siyang malusog na katawan at katamtamang tangkad.

Siya sana ang pupuntahan ko kasu eh nawalan ako ng malay sa init. Dati kase akong tumira sa bahay nila bago pa ako nabulag, kaya medyo close ako sa kanya.

"Oo nga po eh," tugon ko rito.

Ipinatong niya naman ang mga dala niyang pagkain sa lamesa bago tumabi sa 'kin.

"Anong nararamdaman mo? Masakit pa ba ang ulo mo?" alala niyang tanong.

Marahan akong umiling habang nakangiti.

"Actually, okay na okay na po ako tita. Nasobrahan lang po rata talaga ako ng init kanina... dapat po siguro eh hindi niyo na ako isinugod dito sa Hospital." I chuckled.

"Eh mas mabuti na yung alam talaga natin kong anong nangyari, ikaw talaga. Oh siya, may kailangan ka ba? May gusto ka bang kainin?" tugon niya.

Napaisip ako. Talagang may kailangan ako pero hindi iyon pagkain kundi advice.

I bit my lower lip. Gusto kong magtanong sa kanya pero nahihiya rin ako.

Ilang minuto rin akong nakatingin sa kanya bago mautal-utal na nagsalita.

Bahala na nga!

"M-may gusto lang po sana akong itanong tita," tugon ko na kinaseryoso at kinakunot ng mukha niya.

"Ha? Tungkol saan?" Umayos siya ng upo paharap sa 'kin.

Sasagot na sana ako ngunit agad kong napansin ang ilan pa naming mga kasama roon na maaaring marinig ang sasabihin ko. Introvert pa rin naman ako kahit papaano.

Tumikhim ako.

"P-pwede po bang pumunta tayo sa garden? Importante lang po kase yung tanong ko," pagbaling ko kay tita.

Her lips narrowed. Pansin kong nagtataka rin ito pero pumayag din naman siya.

Sabay nga kaming lumabas doon habang naka-hospital gown pa rin ako. Pumunta kami ni tita sa garden ng Hospital kung saan tahimik at walang gasinong tao.

Nasilaw pa ako ng araw kaya bahagya akong nakaramdam ng sakit sa aking mga mata.

Napagdesisyunan naming maupo nalang kami sa may bandang malilom.

"Ano nga ulit yung itatanong mo?" pagpapaalala sa 'kin ni tita matapos naming maupo sa ilalim ng isang puno ng manga.

Kinusot ko nang mahina ang aking mga mata dahil sa pagkasilaw nito at bahagyang pagkirot, matapos ay bumaling ako kay tita.

"Kase po... nito po kaseng mga nakaraan ay naguguluhan po ak—"

Agad na naputol ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagkatinginan pa kami ni tita.

His Signs of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon