Sign No. 7

175 9 1
                                    


07

...

I rested my head on my palm, peeking out between my fingers just to pass the time while scrolling on my cell phone.

Nakaupo ako ngayon sa aking kuwarto habang naghihintay na dalawin ng antok.

Umuwi agad ako kanina galing sa parke at hindi ko na rin natulungan si Retina. Ewan ko ba. Nawalan ako ng gana.

Si Rupell naman eh tawag nang tawag pero hindi ko nalang sinasagot. May nagtext pa sa akin na akala ko ay si Rupell, pero mali ako.

New message: (Inbox: 1)

Sir Chasen, pumayag yung mga Taga-pedagogy na sasali ako sa publication niyo kasu may requirement pa akong kailangang gawin. Kailangan daw eh gumawa ako ng article na makakakuha ng 200 plus reactions sa facebook page ng The Pedagogy. Help, sir Chasen huhu!!

-Bartie:-$

It was my classmate. Nireplayan ko nalang iyon ng like button dahil sa hindi ako makacompose ng isasagot.

As much as I want to relax my mind, certain thoughts keep replaying on my mind, making me really anxious.

I pressed my lips into a thin line.

Until today, gumugulo parin sa ‘kin yung mga sinabi ni Rupell noong gabing yun. Hindi nagmamatch yung hinuha ko at mga sinasabi at pinaparamdam niya sakin.

Tsk.

I yawned at my tiring thoughts. Tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo at pumunta sa aking higaan.

Habang inaayos ko ito ay siya namang narinig ko ang pagtawag ni ate mula sa kabilang kuwarto.

Napakamot nalang ako ng aking ulo.

I frowned as I left my room, slightly scratching my hair.

Kumatok ako sa kuwarto niya na agad naman niyang binuksan. She was already wearing her panjama and an oversized shirt.

“What do you want?” bungad ko sa kanya na kinasimangot nito.

I inclined my body to the opening of her door. “Ay bored na bored yan? May ipapaayos lang ako, siguradong kaya mo ‘to since techy ka,” wika niya.

I let go of a breath.

“At ano yun?”

“Yung computer ko walang sound, lagyan mo nga ng tunog.”

“Baka nabingi ka na,” wika ko pa. Malakas akong pinalo nito sa balikat na kinangisi ko naman. “Loko ka ah."

I sneered.

“Dali na, tara na sa loob nang maayos mo na,” she then said before forcefully pulling my arms. Halos pumikit na ang aking mata sa katamaran ko noon pero hinigit parin niya ako at pinaupo sa harap ng kanyang computer.

Napakamot nalang ako ng ulo. “Ginagamit ko kase kanina tapos bigla nalang walang tunog. Kailangan ko kase may kliyente ako mamaya,” sambit pa niya sa may likuran ko.

"Fine." I brushed my hair.

"Ito naman oh, bakit ba parang badtrip ka? Para ka tuloy broken hearted na nakita yung crush niya na nilapitan ng ibang tao sa parke tapos inabutan ito ng ice cream. Ganun na ganon yung vibe na binibigay mo ngayon."

Agad akong bumaling at binigyan siya ng blankong mukha. Pigil siyang ngumiti. "Joke lang! Ito naman oh, pinapasaya na nga kita."

Napailing nalang ako bago muling tumingin sa harap ko.

His Signs of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon