13...
I'm not a 'choice' person.
There are times that I let my temporary emotions decide my actions which can lead to longer causes.
I have my own share of karma and the bad effects of my decisions. Thinking twice became a hobby that would constantly crawl back into me when deciding.
But right now, I had never been more sure.
I cannot be more sure of what I need to do.
Tumigil nga ang taxi sa harap ng isang dalawang palapag na bahay. Matapos kong magbayad ay ilang segundo rin akong tumayo lang sa harapan nito.
Meroon iyong malawak na bakuran na may mga malalaking halaman. The colors of the house were black and white, aside from the grey pigmented glasses.
Nagdalawang isip ko pang pinindot ang door bell. I bit my lower lip.
Relax, Chasen!
Hindi nagtagal ay pinindot ko na rin iyon na sinundan ng mariing pagkadikit ng dalawa kong kamay.
I took a deep breath.
Inulit ko pa nang dalawang beses ang pagpindot sa doorbell hanggang sa may marinig akong naglalakad papunta sa may gate.
Tumayo ako nang tuwid. Inayos ko ang suot kong damit at agad na nag-ipon ng tapang para harapin siya.
I prepared some words in my mind.
Seconds after and the gate was finally opened. Bumungad sa 'kin ang isang lalaki na siya namang natigilan matapos akong makita. I notice how his lips parted at the sight of me.
Kapansin-pansin ang pamumutla ng kanyang balat. Magulo ang kanyang buhok, samantalang tanging puting sando at panjama ang suot niya.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa hiya.
His eyes are lifeless. Rupell really looks sick.
I have never seen Rupell with that very unenergized aura.
"What are you doing here?" walang emosyon niyang tanong habang nakatayo sa may gate.
I composed myself.
Nahihiya man ay dahan-dahan akong muling tumingin sa kanya nang diretso. Nagngitngit ang mga ngipin ko. My hands peddled tightly.
"G-gusto lang... Gusto lang sana kitang makausap," buong tapang kong tugon.
"Para saan?" agad niyang tanong.
No interest can be heard from his voice. Aside from being sick, he must be cursing at me in his mind already.
"T-tungkol dun sa nangyari noong nakaraan. Gusto ko sanang linawin lang yung..." nauutal kong tugon na hindi ko agad naituloy.
"Tungkol dun sa mga nasabi ko roon sa may oval." Napapikit ako sa pagtatapos ng sinabi kong iyon, kasabay ng mahigpit na pagsara ng aking labi.
"What about it?" tanong pa niya.
He is really cold.
"Want to say sorry?" dagdag pa niyang tanong.
Ilang saglit rin akong naging tahimik hanggang sa tinugunan ko siya ng marahang pag-iling. Nakita ko kung paanong kumunot ang noo niya.
"So hindi ka magsosorry? Then what are you here for??" mariin niyang tanong.
"Oo. Hindi ako magsosorry." Tumingin ako sa kanya nang mata-sa-mata. "H-hindi ako magsosorry dahil alam kung hindi lang yun ang dapat kong gawin para mapatawad mo ako. Kaya instead na gumamit ng salita... nandito ako para bumawi. I want to show you that even though I still can't reciprocate your feelings, I want to prove that I'm truly repenting the words that I have said to you." Napatungo ako.

BINABASA MO ANG
His Signs of Affection
Romance[First story in the 'HIS' series] [BL] Chasen can bite off more than he can chew for the most precious girl to his eyes. Since elementary, he has developed a constant admiration for Retina; who other than being beautiful is the kindest person he ha...