Zerafiña Faith Correa
"Hoy beh, mag hanap tayo ng pogi bukas ah!!"
Napailing na lang ako sa sinabi ni sierra.
"Btw, naka-bili ka naba ng school supplies? Kasi ako oo. Eto oh!" Pag mamayabang niya, at ini-angat ang hawak na pouch na may laman na mga make up.
Ibang klase talaga 'to, pati make up ginagawang school supplies.
"Dami mong sinasabi, umalis kana nga" pag taboy ko sakaniya kaya napa pout naman siya.
"Grabe ka naman bih. Gusto ko lang naman ng chismis e, wala ba tayong bago jan??" Tila nag papa-awang sagot niya.
"Wala. Ay nga pala gusto ko sana mag part time job jan sa bagong bukas na milktea-han, para maka tulong din kila mama"
"Beh naman wag na do'n panget do'n tska kuripot" natatawang pag tutol niya.
"Pano mo naman nalaman?" Nag tatakang tanong ko.
"Wala lang, 'yan kasi chismis dito satin e" sagot niya.
"Hays, ewan ko sa'yo" napailing nalang ako dahil napa-isip din ako.
Wala naman kasi akong choice. Mabili din naman kasi do'n kahit kakabukas pa lang.
Pero totoo nga si Sierra. Yo'n nga ang chismis dito sa barangay namin.
Hays hayaan na nga. Ibang paraan nalang, pwede namang tulungan ko na lang si mama sa pag lalaba at pag lalako tulad lang din ng dati.
Tama yo'n nalang, natatakot din akong mag apply dun sa milktea-han na'yon dahil baka magalit agad sa'kin kapag may nabasag ako o na-tabig.
Siguro sa ngayon mag ha-handa na lang muna ako para bukas. Dahil pasukan na namin bukas. Medyo excited ako na medyo kina-kabahan din, dahil ibang school na'tong papasukan ko.
Isang private school, kung saan nag a-aral si sierra. Syempre mga expensive ang mga estudyante do'n dahil private school yo'n at maya-yaman ang mga nandoon.
Pero ang sabi naman ni sierra ay wag daw akong kabahan kasi mababait naman daw ang mga classmate niya, yun nga lang e, may pag ka-bugok daw. Para sa'kin, okay na yo'n, kesa naman sa adik hahaha.
————
"Sierra, sure kabang maba-bait ang mga tao do'n?" Tanong ko kay sierra habang nag lalakad kami papasok ng school.
"Ano ba! Kagabi mo pa yan tinatanong ah. Syempre naman jusko, wag kang matakot 'di ka naman kaka-inin ng mga yo'n" pang a-asar niya.
"Sige ha, pag ako talaga kinain ng mga ya'n, ikaw ang mag a-alaga sa mga kapatid ko" sagot ko.
"Jusko naman anteh, akala mo naman talagang siya lang ang nag a-alaga sa mga kapatid niya e" sarkastikong sagot niya. Natawa naman kami parehas.
Nang makapasok kami sa gate ay agad akong kumapit sa braso niya. Dahil simula ng makita ko ang mga estudyante d'on ay na-ka-ka-takot silang tabihan dahil ang ga-ganda nila, nag mu-muka tuloy silang mata-taray, at ang expensive nilang tingnan, halatang anak mayaman.
"Sa'n ba ang classroom natin??" Tanong ko dahil hindi ko alam kung sa'n kami pu-punta nitong si sierra, kanina pa kami pa-ikot ikot.
"Dun tayo sa third floor" sagot naman niya. Kaya agad kaming nag tungo ro'n.
"Wow ang ga-ganda naman ng mga classroom's" hindi ko na na-pigilang mapa-mangha ng makita ko ang mga classroom, kada classroom ata na nada-daanan namin ay iba-iba. Ang ganda!
Siguro hindi na ako a-absent, lalo't ganto ka-ganda ang aming classroom, chozzz.
"Beh layo-layoan mo nga ako, tingnan mo nag pa-pawis na 'tong mga braso ko dahil sa'yo! Kaka-kapit mo!!" Pag sigaw sa'kin ni sierra, ng ma-ka-pasok na kami sa classroom.
Hindi ako nag react ka-agad dahil wala pang tao dito sa classroom, may mga bag na yung ibang upuan pero wala namang nakaupo, siguro ay lumabas lang muna sila.
"Sorry ha! Kina-kabahan kasi talaga ako" pag baling ko.
"Tsk. Ngayon lang kita nakitang nahihiya. Feeling ko tuloy hindi ikaw ya'n." Napailing iling na sagot niya.
"E, kasi naman! Hayaan mo baka bukas makalawa e, nag sasayaw na'ko ng water jan sa taas ng table ni ma'am" sagot ko at humalakhak ng tawa.
"Ayan, ganyan dapat. Alam kong hindi ikaw yan ngayon. Masamang espirito lumayo ka kay zera tanginaka!" Sigaw niya, at akmang dina-dasalan pa'ko.
Puro talaga ka-loko-han 'tong pinsan ko e. Kaya manang mana ako sakaniya. Pero hindi ko naman siya masi-sisi, kasi napapa-saya niya naman kami sa mga kalokohan niya.
"Ang tagal naman ni budoy" naiinip na ani sierra habang napapakamot na sa ulo niya.
Oo nga nasa'n na nga ba yung lalaking yo'n?
Anong oras na din, maya maya mag sisimula na yung klase.Dumadami na din yung estudyante dito sa classroom namin. Nakaka-ilang nga kasi pinagtitinginan nila 'ko.
"Kaklase ba natin siya??" Rinig ko na bulungan ng mga kaklase ata namin, basta nasa likod sila.
"Oo sis" sagot niya.
"Ayun!!" Napatakip ako sa bibig ko dahil napalakas ang sigaw ko, kaya't na punta sa'kin ang atensyon ng mga kaklase namin.
Nakakahiya putcha.
"Sorry im late" pag bungad nito sa'min.
"Hoyy, bakit ka late ha? Hindi tuloy kami nakapag libot ni zera ng dahil sayo!" Panenermon ni sierra kay elizer.
"Budoy namiss kita" pag iba ko sa usapan nila.
Tumingin siya sa'kin at inakbayan ako "miss na miss mo naman tong gwapong itsura ko tsk" napapailing na ani ya.
Ibang klase din to e, poging pogi sa sarili.
"Oo na-miss ko ang ka-gwapuhan mo. Baka naman ehem, libre! Ehem!" Pag paparinig ko. At akmang umuubo ubo pa.
"Ya'n nanga ba ang sinasabi ko e" ani ya sabay tanggal ng kamay sa balikat ko.
"Hehehe, sige na" pagmamakaawa ko.
"Mamaya" napipilitang sagot niya.
"Yown. Kaya bestfriend tayo e" pang aasar ko.
Napailing lang siya, halatang sawa na siya sa'min.Ilang sandali pa ay dumating na ang teacher namin. Pinakilala niya muna kaming mga bago at tska sumunod ang mga dating estudyante. Na classmate din dati nila sierra.
Nagpakilala din si elizer dahil last year ay sa kabilang section pala siya.
Mababait naman ang mga kaklase namin sobrang friendly nila kaya nakalimutan ko na bago ako, malapit agad kami sa isa't isa kaya hindi ako nahirapan makipag communicate.
Pati ang teacher namin, halos kaibigan lang namin dahil puro din siya kalokohan. Ang saya naman pala mag aral dito.
Ngayon alam ko na ang feeling na mag aral sa isang mamahaling paaralan. Mas mababait ang mga estudyante dito kumpara sa public. Dahil sa public ay walang kinakatakutan, kahit mag suntukan hindi natatakot ma-guidance, pero dito kahit ata mambato ka lang ng papel nasa guidance office ka kaagad.
Which is maganda din yon para sa safety ng lahat at para din ma-disiplina ang nga estudyante.
Pag nag ka-anak ako dito ko siya pag-aaralin. For sure madami siya ditonh magiging kaibigan, madami ding pogi ha.
BINABASA MO ANG
The Sunset Is Beautiful Isn't It?
FanfictionA wattpad story wherein iro (Jaydon Iro Levine) with a fuck up life, the trouble maker, always drunk, but when he met the lovely girl zera (Zerafiña Faith Correa), who changed his whole life. He always willing to break the rules even their parent ru...