Chapter Five

71 2 0
                                    

1:30 am na ng maka rating kami dito sa manila.
Hindi ganon ka traffic kaya mabilis kaming naka rating.

Pag baba ko ng bus ay nilibot ko agad ang paningin ko. Ganto pala ang buhay dito sa manila. Bakit kahit ala una na e madami pa ding tao.

Nag lakad na ako, habang nakatingin kung saan saan. Nililibot ko lang ang paningin ko dahil, ibang iba dito yung bulacan. Alam ko ang OA pero first time ko lang kasing naka rating dito.

Wala naman kaming kamaganak dito para pumunta kami dito kaya, halos dun lang kami palagi sa probinsya.

May nakita akong 7/11 malapit lang sa pinag babaan namin. Sakto hindi pako kumakain. Kaya napag-desisyunan ko nalang na kumain muna.

Bumili lang ako ng hotdog, at tubig, at lumabas na, sa labas nalang ako kakain dahil mas maganda ang hangin don.

Paupo na sana ako ng may napansin akong lalaki sa kabilang table. Hindi ko makita ang itsura niya dahil, naka subsob ang mukha niya sa lamesa at naka hoodie din siya. At kaya ko naman apansin 'yon dahil may hinagis siyang lata.

Ng tingnan ko 'yon ay lata pala ng beer. Umiinom siya ng beer at ang dami na niyang nainom. Dahil naka dukdok na siya sa lamesa at ang daming lata sa lamesa niya.

Medyo na-awa ako kaya nilapitan ko siya. Dahil feeling ko may pinag dadaanan siya.

"H-hello... pwedeng makiupo?" Marihin kong tanong.

Tumango naman siya, pero hindi niya inangat yung ulo niya.

Naupo nalang ako, at nilapag ang pag kain ko sa mesa.

Dahil dalawa naman yung binila ko na hotdog ay binigay ko nalang sakaniya yung isa. Patay gutom kasi ako kaya dalawa binili ko hehehe.

"Kainin mo yan" ani ko at ngumiti. Hindi ko alam bakit ako ngumiti e naka dukdok naman siya sa lamesa.

Dahan dahan niya naman inangat yung ulo niya. Para siguro tingnan kung sino kausap niya.

"Im not hungry" ani ya at muling isinubsob ang muka sa lamesa.

"Edi don't" ani ko.

Kinuha kona yung binigay ko sakaniya kasi sabi niya ayaw niya. Kinain ko na agad dahil nagugutom na din ako, di pako nag hahapunan.

"Nga pala, bakit nandito ka pa gabi na?" Tanong ko habang nanguya.

"Problem's" maikling sagot niya.

'Problem's'? Anong ibig niyang sabihin? Hindi ko ma-gets. May problema ba siya or sinasabi niyang wala akong pake?

Ano ba yan ang slow ko naman kasi kahit kailan.

"T-tungkol sa'n?" Tanong ko nalang.

"Family"

Luh si kuya, Cold person.

"Ehem, ehem. Ang lamig" pag kukunwari kong nauubo at hinimas himas ang mga braso ko.

Inangat niya muli ang ulo niya at tinaasan ako ng kilay.

Luh. May nasabi bakong masama? Pero ang gwapo niya ha.

"A-ah hahaha. Bakit kasi ang cold mo?" Naiilang na tanong ko.

Muli niyang itinaas ang kilay niya. "Ano ba dapat kong sabihin?" Tanong niya.

Wow nag tatagalog naman pala si kuya. Ang gwapo rin mag tagalog ehe.

"Wala lang, nakaka walang gana kasing makipag usap kapag cold kausap e" sagot ko.

"Then stop talking to me" masungit niyang ani.

Napatigil nalang ako. Oo nga naman bakit ba kasi ako salita ng salita. E hindi naman kami mag kakilala.

The Sunset Is Beautiful Isn't It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon