Hindi na'ko nag salita pa dahil wala naman na'kong iba pang sasabihin, at ayoko nang kausap 'tong lalaking 're, dahil baka mamaya kung ano ano nanaman ang sabihin kahit obvious naman.
"We're here" nagulat ako ng huminto ang sasakyan at bigla siyang nag salita.
Napa tingin muna ako sakaniya bago ibalik ang paningin sa ospital na nasa harapan namin. Ang laki pala nito ha.
Napanganga 'ko. "Wow ito naba yo'n? Nandito naba tayo?" Manghang manghang ani ko.
"Yes, we're here" pag ulit niya, kaya napatingin ako sakaniya. Wow ha medyo humaba ang pasensya niya.
"Sige, kuya ba-baba na'ko ha, thankyou sa pag hatid mabuhay kapa sana ng matagal kuya, thankyou very much, labyu" pag papa-salamat ko sakaniya at binuksan na ang pinto ng sasakyan niya at bumaba na.
At bago ko siya tuluyang iwan ay tumingin akong muli sakan'ya. Naka tingin lang siya sa direksiyon ko at naka ngiti.
Siguro hindi siya marunong mag sabi ng. 'You're welcome' kaya ngumiti nalang siya. Hay hayaan nanga.
Kinawayan ko nalang siya. At saktong pag kaway ko ay bigla na niyang pinaandar muli ang sasakyan niya at tuluyan ng umalis.
Tingnan mo kabastos, hindi na nga marunong mag 'you're welcome' hindi pa tiningnan yung pag kaway ko. Hay nako mga kabataan talaga.
Dahil wala na akong kasama rito sa labas ay agad na akong pumasok sa loob. Hindi ko alam nasisiraan na ata ako, bakit ako biglang pumasok e, ni hindi ko nga alam kung sa'n dito sila mama.
Kaya icha-chat ko na-naman si tita. Si tita naman kasi e, manong sabihin agad lahat ng hindi na pa isa-isa, tsk.
Hindi na nga ako nag paligoy ligoy pa at chinat ko na agad si tita at tinanong kung nasa'n sila. Oo nasa ospital nga sila, pero ang dami daming kwarto rito sa ospital beh, mahuhulaan ko ba?
Pag ka reply na pag ka reply ni tita kung nasa'n sila ay agad na'kong nag tungo do'n. Buti nga ay mabilis mag reply si tita at gising pa siya. Siguro dahil alam niyang madaling araw na'ko makakarating rito.
Ang sabi ni tita ay nasa room 204 daw sila kaya ahad akong nag tungo ro'n.
Bago ako pumasok sa room 204 ay sinilip ko muna ito, kahit wala akong masilip. Dahil baka mamaya e, ibang tao ang nandito, nakakahiya naman.
Dahil nga wala na akong masilip, binuksan ko na lang agad, dahil wala akong mapapala kung sisilipin ko pa, e wala nga akong masilip.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at mariing na sumisilip.
"Z-zera? Ikaw ba'yan?" Si tita
Nang marinig ko ang boses ni tita ay nawala ang kaba ko, dahil syempre si tita 'yon e, alangan sila yung nandito sa kwarto na'to. Kaya napaayos ako ng tao at tuluyan ng binuksan ang pinto.
"Tita" sagot ko ng makita ko siya.
Agad naman akong lumapit sakaniya at nag mano.
"Buti hindi ka naligaw?" Ani ya.
"Kaya nga po e, hehehe" sagot ko. At natawa naman siya.
Pag tapos kong sagutin ang sinabi ni tita ay agad akong nag tungo sa direksyon ni mama.
Naka higa siya dito sa higaan ng ospital, hindi ko alam ang tawag dito, basta higaan naman siya. Natutulog siya. Dahil sobrang curious ko kung ano ang totoong ngyari kay mama, ay hindi ko na napigilang hindi mag tanong.
"T-tita... ano po ba ang totoong ngyari?" Panimula ko.
"Ang mama mo kasi ay ang kulit kulit. Ang sabi ko mag pahinga siya kahit papa'no kasi kahit naman hindi siya mag linis minuminuto ay gano'n parin ang sahod niya, pero hindi siya nakikig, ang sabi niya kailangan niya 'yon para daw sainyo. Tapos kaka-trabaho niya, nakakalimutan na niyang kumain at magpahinga, kaya ayan, tingnan mo ang ngyari. Inatake pa siya. Hay nako hindi ko talaga alam ang gagawin ko, buti nalang ay may tumulong sa'min agad" kwento niya.
BINABASA MO ANG
The Sunset Is Beautiful Isn't It?
FanfictionA wattpad story wherein iro (Jaydon Iro Levine) with a fuck up life, the trouble maker, always drunk, but when he met the lovely girl zera (Zerafiña Faith Correa), who changed his whole life. He always willing to break the rules even their parent ru...