Chapter four

75 4 0
                                    

Pag tapos kong mag sama ng loob ay umuwi na rin ako. Dahil gabi na din. Ako na lang ang mag isa dito mula kanina kaya nakakatakot din.

8:40 na din ng gabi. Baka hinahanap na'ko ng mga kapatid ko.

Siguro naman ay kumain na sila dahil sanay naman ng mag luto si jero. Siya nga pala ang pangalawa sa'ming mag kakapatid. Siya ang sumunod sa'kin. Grade 6 na siya kaya marunong runong na rin siyang mag luto.

Pag pasok ko ng pinto ng bahay ay nakahinga hinga ako ng malalim ng maayos na ang bahay at wala ang mga gamit ni papa sa sala. So it's mean wala siya.

Sinilip ko sa kwarto ang mga kapatid ko kung tulog na ba ang mga ito. At hindi nga ako nag kakamali, tulog na nga sila.

Hindi din kasi sila sanay na matulog ng gabing gabi na kaya kadalasan pag wala ng ginagawa maaga silang natutulig.

Hindi na ko nag linis ng katawan ko at kumain. Agad akong nahiga sa tabi ng mga kapatid ko. Tumabi ako sa bunso naming kapatid dahil alam kong siya ang pinaka naaapektuhan. Dahil kami ang swerte swerte namin nung bata kami dahil inaalagaan kami ni mama. At palagi siyang na sa tabi namin. Pero dahil mas mahirap na ang buhay ngayon ay kailangan na niyang lumayo layo para kumita ng pera.

Pag-higa ko ay bigla siyang gumalaw at humarap sa'kin sabay yakap.

Napangiti ako sa inakto niya.

"Ate sa'n ka galing? Kumain ka naba? Bakit ngayon ka lang umuwi?" Sunod sunod niyang tanong.

"Ja'n ja'n lang, nag palamig lang ang ate, wag ka na mag alala hahaha. Matulog ka na ulit. Tulog na tayo" sunod sunod na pag papaliwanag ko. At tska ngumiti ng mapait.

Sa tuwing niyayakap ako ng mga kapatid ko feeling ko mga anak ko na sila dahil halos sa'kin na sila humihingi ng tulong madalas. Kaya siguro ang hirap kung malalayo ako sakaniya. Pero wag naman sana.

____

Kinabukas pa-pasok na sana ako ng eskwelahan ng makita kong patungo ang tiyahin naming si tita silvia sa'min.

Siguro kung ano ano nanaman ang sasabihin nito tungkol kay mama.

"O papasok ka na pala sa school iha. Ang ganda ng uniform mo ah. Sa'n ka nag aaral ngayon?" Tanong niya. Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng mahagip ng tingin ko ang tatay ko na papunta din sa direksyon namin.

Papalapit pa lang siya ay kinakabahan na ako. Dahil palagi naman nila kaming pinag dudulungan ni mama. Etong si tita silvia napaka laki ng galit kay mama hindi ko ba alam kung bakit, e wala naman ibang ginagawang masama si mama sa kaniya. At syempre kakampihan at papaniwalaan siya ni papa dahil mag kapatid nila.

"O papasok ka na pala" pag bungad niya.

Himala ata at hindi siya lasing ngayon huh.

"O kapatid bakit ka napaparito?" Tanong niya kay tita silvia.

"Wala naman kapatid napa daan lang. Nga pala kamusta na ang asawa mo?" Ani ya at biglang tumingin sa direksyon ko habang naka ngisi.

Tskk. Sabi na e sisiraan niya nanaman si mama. As always naman.

"Ayon, iniwan na kami, pumunta sa malayo mag tatrabaho daw. Tskk baka mang lala-laki" sagot ni papa.

Napa awang na lang ang mga labi ko sa mga sinabi niya.

Palibhasa hindi niya naman alam ang rason kaya ganon siya mag salita.

"Tsk, tsk, tsk. Sabi na't ganon lang ang gagawin niya e, kung si banji na lang sana ang pina-kasalan mo edi sana maganda ang buhay mo ngayon" tila dismayadong ani ya.

The Sunset Is Beautiful Isn't It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon