Chapter Eleven

67 2 2
                                    

"Dito nalang" ani ko ng matapat kami sa pintuan.

Hininto niya naman, kaya agad akong bumaba, pero bumaba din siya.

Kaso nahihiya akong pumasok agad dahil hindi naman namin 'to bahay, at baka mamaya wala pala dito sila mama, naka-kahiya naman, ang sungit sungit pa naman ng may-ari nito.

Kaya agad akong nag text kay tita para sabihin na nando'n ako sa labas.

Zera: "Tita san po kayo? Nandito po ako sa labas ng bahay? Baka mamaya wala po kayo jan tapos bigla akong pumasok dito"

Hindi nag tagal ay nag reply agad siya, pero si Iro biglang nawala, yo'n pala pumasok sa loob.

Teh gusto ko siyang sigawan para pigilan kasi syempre, baka akala niya bahay namin 'to kaya pumasok siya. Teh nakakahiya hoy, baka pag sungitan siya nung may-ari ng bahay.

Tita: "nandito kami sa loob, pumasok kana, nasa office si madam kaya hindi ka maki-kita no'n"

Zera: "tita sure ka? Baka mamaya wala kayo kan, baka mamaya naling bahay 'tong napasukan ko ha"

Mabuti ng sigurado, naiirita kasi ako sa may-ari ng bahay na'to.

Tita: "hay nako oo, pumasok kana dali, habang hindi pa lumalabas yon"

Hineart ko nalang yung text ni tita tska pumasok na.

Pag pasok ko nagulat ako dahil bumungad sa'kin si Iro na naka-tayo at pati yung may-ari ng bahay na'to, medyo magka-lapit sila at magka tinginan. Hala baka akala niya trespassing 'to.

"H-hello po" awkward na pag-bati ko. At tumingin sa direksyon ni Iro. "Iro bakit ka pumasok? Hoy hindi namin 'to bahay ha, baka akala mo bahay namin 'to" ani ko.

"S-sorry po ma'am Lavin-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng sumabat ito.

"Ow magka-kilala na pala kayo?? Mabuti naman kung ganon" Sabat ni madam Lavine. Diko na alam ita-tawag sakaniya.

Pero ng sabihin niya 'yon, tumingin sa'kin si Iro at biglang umalis. At umakyat siya sa taas.

Teh????!!! Medyo ma-kapal din ang face non ha, bahay niya ba'to at bigla bigla nalang siyang pumapasok ng ganon? Hays.

"K-kilala niyo po ba 'yon? Bakit bigla po siyang umaakyat? E, bahay nyopo ito?" Tanong ko kay madam Lavine, dahil baka mamaya sa'kin pa'to magalit, dahil kilala ko si Iro.

"Yah, he's my son" sagot niya. At umalis na.

Napanganga naman ako sa narinig ko.

Totoo ba? As in real?? Mag nanay sila? Ha? Bakit parang hindi halata? Hindi sila mag kamuka? Nonchalant si Iro at itong babae, masungit.

"Hoy! Pamangks!" Natauhan ako at napahinto sa pag-iisip ng may narinig na tumawag sa'kin. Kaya agad ko 'tong nilingon, banda sa kaliw.

At tama ako si tita nga 'yon. Agad naman akong lumapit sakaniya.

"Babaita ka bakit ang tagal mo? Ya'n tuloy naabutan mo si madam, oh ano namang sabi sa'yo ha?" Medyo nag-aalalang tanong niya.

"Tska nakita ko 'yon ah, nag-kita na pala kayo ng future husband mo" tugtong niya at tila kinikilig pa.

"P-po?" Ano daw? Future husband? Tama ba narinig ko? Sino naman, yung Lavine na'yon? Future husband ko? Ha? Putek.

"Hay nako ang lutang mo talaga kahit kailan, ang sabi ko nag kita na pala kayo ng anak ni madam Lavine, yo'n, yung lalaking 'yon, yon yung magiging asawa mo, doon ka ipapakasal, anak niya 'yon e" paliwanag niya.

Natulala na-naman ako sa narinug ko, totoo ba 'to? Bakit parang ang dami kong nalalaman ngayong araw? Mamamatay naba ako? Dahil ang dami ko nang nalalaman?

The Sunset Is Beautiful Isn't It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon