"Hoy hindi na'ko sasama nakakahiya" Pag bigil ko ng papasok na kami sa entrance. Syempre binigil ko din siya kasi hawak hawak niya kamay ko, na para bang hinihitak niya 'ko, kanina pa kasi ako nag pupumiglas na hindi na sasama dahil hindi ko naman kilala mga 'yon, pero ang kulit talaga, kaya wala nadin akong magawa.
Pero ngayong malapit na kaming maka-pasok do'n na'ko naka-ramdam ng sobrang kaba, dahil hindi ko naman inexpect na gano'n kalaki ang event place na pupuntahan namin, halatang mga mayayaman ang mga bisita.
Sa totoo lang hindi ko alam kung event place ba'yon o bahay nila, kasi nabanggit niya kanina na sa bahay daw nila 'yon gaganapin.
Pero hindi naman ito ang bahay nila, dahil iba ang lugar na'to at mas malaki 'to kesa do'n sa pinag ta-trabahuhan nila mama.
"Wala ka ng choice, let's go" aniya.
"Kanino ba 'tong bahay na'to? kilala mo ba ang may ari na'to? Parang nakaka-takot ang may ari" Ani ko, totoo naman kasing mukang nakakatakot, Mama niya pa nga lang nakaka-takot na, partida do'n pa nag tat-trabaho sila Mama, kaya medyo kilala nila may ari, pero dito hindi.
"Yes" Maikling sagot niya.
"Sino nga oh?" Naniniguradong tanong ko.
"This is our old house" Malamig niyang sagot.
Napa-tulala naman ako saglit at napa-tingin sa kabuoan ng bahay. What the prek? Bahay din nila 'to?
"Napaka-dami niyo namang bahay sis" Ani ko, na para bang hindi naniniwala sa sinasabi niya.
"Yes, so let's go" Aniya at hinawakan akong muli at hinitak papasok sa loob.
May naka-sabay kaming pumasok at kabog talaga ang soot nito at ang ganda, pero pinigil sila ng guard at parang hinihingan sila ng invitation card, yo'n kasi ang pagkaka-dinig ko.
Pag tapos naman nito ipakita ang kanilang invitation card, agad naman silang pinapasok sa loob. Kinabahan tuloy ako, baka hindi ako papasukin dahil wala akong invitation na dala.
Kaya muli kong pinigil si Iro sa paglalakad.
"What?" Halatang iritableng sagot niya.
"Baka hindi ako pa-pasukin wala akong invitation, ni hindi ko nga kilala yung may birthday, at hindi ko din pala sure kung birthday pa ang aattendan natin dito o kasal, kasi tingnan mo mga soot nila, pakak na pakak pati make up" Ani ko, at tinuro pa yung ibang mga tao na papasok na din.
Napa-tingin naman siya at napa-ngisi, at nilapit ang mukha sa teka ko na para bang may ibubulong siya. "Don't worry, you're with me" Bulong niya.
Napa-layo naman ako ng bahagya sakaniya at napa-tingin sakaniya.
"Tsk, may invitation kaba? at inbitado kaba?" Tanong ko.
Alam ko ang bobo ko sa part na'yon kahit sinabi niya na nadati nilang bahay 'yan, pero malay mo naman kasimay iba ng nakatira at binenta na nila 'yan. Kasi sabi niya "Old house" niloa, eh meron na silang pbagong bahay, alanga namang naka-tiwang wang lang 'yan, tas walang naka-t ir a, edi pina-mahayan 'yan ng multo.
"Bakit ba ang dami mong tanong ha?" Iritableng aniya.
"Syempre naninigur ado lang" Sagot ko naman.
Hindi na siya umimik pa at nag patuloy nalang sa pag lalakad, na lungcoat naman ako dahil hindi niya na hinawakan ang kamay ko at hinatak, kaya wala na'kong nagawa kung hindi sumunod nalang sakaniya. Hays bohai, hindi niya na ba ako mahal? Charizzzzz.
Nakita ko naman hindi na siya pinigil ng guard kahit wala siyang pinakitang invitation card, kaya medyo namangha ako onti lang naman, at medyo naniniwala na, na kilala niya nga ang may-ari nito.
BINABASA MO ANG
The Sunset Is Beautiful Isn't It?
FanfictionA wattpad story wherein iro (Jaydon Iro Levine) with a fuck up life, the trouble maker, always drunk, but when he met the lovely girl zera (Zerafiña Faith Correa), who changed his whole life. He always willing to break the rules even their parent ru...