Chapter Two

114 1 0
                                    

"Gala tayo??" Pagyaya sa'min ni elizer.

"Budoy diba ililibre mo'ko?" Tanong ko.

"Oo na, paulit ulit!" Tila tapos na tapos siyang ani.

Hahaha pati 'tong si elizer ay ang funny, sa tono palang ng pag sasalita niya ay halos ikinasaya kona, 'diko alam pero idol na idol ko 'tong si elizer hahaha.

Tska palagi niya akong 'nililibre e, kaya sakaniya 'ko.

"Hehehe naninigurado lang po" mahinhin na ani ko.

"Tara na nga gala na, ka-boring" si sierra.

Maaga ang dismissal ngayon dahil first day of school, dahil nga first day walang masyadong pina-gawa, puro essay lang, tungkol sa naging bakasyon namin.

At dahil maaga pa, sumama na ako sakanila. Dahil ililibre ako ni budoy.

"San tayo?" Tanong ko.

"Milktea nalang tayo" sagot naman ni sierra.
Kaya agad kaming nag tungo sa malapit na milktea-han dito sa'min.

____

"Anong oras ka uuwi zera?" Tanong ni elizer.

"Maya maya uuwi na'ko, tutulungan ko pa si mama mag laba e, hehehe" sagot ko.

"Okay, sabay sabay na tayo" aniya. Kaya tumango naman kami.

----

"Mama nandito na po ako" pag salubong ko sa bahay pag pasok ko.

"O nanjan ka na pala" pag salubong naman sa'kin ni mama kaya agad, akong nag mano sakaniya.

"Tapos na po ba kayo mag laba??" Tanong ko.

"Nako madami pa e, tulungan mo sana ako para matapos agad, dahil kailangan na daw 'to bukas" sagot niya.

"Sige po. Mag papalit lang po muna ako" pag papaalam ko at pumunta na ng silid ko.

Pag tapos kong mag bihis agad akong lumabas at pumwesto sa tabi ni mama, para tulungan siyang mag laba.

For sure kanina pa siya nag lalaba dito dahil halata sa itsura niya na pagod na siya, nangangati na din ang mga kamay niya dahil nag da-dry na ang mga ito.

Sana pala umuwi agad ako ng maaga para mas maaga ko siyang natulungan. Ang akala ko kasi ay kaunti lang ang labahin niya ngayon dahil lunes naman.

"Mama pahinga na po kayo, ako nalang po ang mag tatapos nito, kaya ko naman po e"

"Ay na'ko anak, hindi na. Kailangan natin tapusin agad to kaya kailangang mag tulong tayo. Hayaan mo bukas wala na tayong lalaban, mag lalako nalang tayo" ani ya, at ngumiti. Tumango na lang ako dahil wala naman na'kong ibang magagawa pa.

Ilang oras din ang inabot namin bago matapos ang nilalabhan namin. Kaya sobrang nakakapagod talaga. Nang makatapos akong mag laba ay agad akong nag tungo sa kusina para mag luto na ng ulam. Dahil alas-sais na din ng gabi, for sure pauwi na si papa.

"Anong ulam!" Nagulat ako dahil biglang may kumalabog. Si papa....

"Tortang talong at itlog. Maupo ka at kakain na tayo. Mag hahain la-" hindi na nai-tuloy ni mama ang sasabihin niya dahil biglang nag salita si papa.

"Putanginang tortang talong at itlog yan!! Agahan, tanghalian, hapunan, yan ang ulam?! Hindi ba kayo nag sa-sawa ha??!!!! Mga walang kwenta!!" Sagot niya habang hinahagis ang mga gamit na nasa ibabaw ng lamesa.

Nakita ko ang mga kapatid ko na nag sisi-iyakan na dahil sa mga nakikita nila, kaya agad ko silang nilapit.

"Pa! Hayaan mo, su-sweldo na'ko bukas, masarap na ang pagkain natin" si mama.

The Sunset Is Beautiful Isn't It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon