Chapter Nine

61 3 0
                                    

Habang nag lalakad kami palabas ng school ay biglang tumunog ang cellphone ko, kaya agad ko itong tiningnan dahil baka ito na yung lalaking nag pahiram sakin nitong jacket.

Gutong gusto ko na din itong isauli dahil baka makalimutan ko e, hindi ko naman kilala 'yon at hindi ko siya kakilala.

Akala ko ay text lang tumatawag na pala 'tong number, walang naka lagay na pangalan, number lang kaya sigurado akong ito na'yon.

"H-hello, papunta na" bungad ko pag sagot ko sa tawag.

Yung dalawa ko namang kasama ay napa tingin sa'kin. "Hoy sino yan?" Tanong nila.

"Ok" sagot nito at binaba agad.

"Luh"

"Ahh yung may ari nitong jacket, sabi niya kasi tatawag siya sakin pag uwian na para ibalik ko'to" sagot ko.

"Hoy!! Sama kami!" Excited na ani nila.

"Okay tara na" pagyaya ko at pumunta na kami sa library.

Malayo palang ako ay natatanaw ko na siya. Kahit saglit ko lang siya nakita kanina at tandang tanda ko ang itsura niya dahil ang gwapo ba naman.

Eme, di pala masiyado, baka may jowa e, pero ano naman? Pwede ko naman agawin. Eme! May asawa na nga pala ko. Hay nubayan, bawal na kaya akong lumandi kapag ganon?

Habang papalapit sakaniya ay hinubad kona yung jacket na soot ko, meron naman akong soot na tshirt kasi may dumi, pero ok lang wala naman akong choice e, hahaha.

"Hoy ang gwapo!!" Si jill.

"Sabi na e, si iro!" Si tiff.

Mga nakaka loka talaga mga 'to, talaga ipinag sisigawan pa, nakaka hiya, pa'no nalang kung marinig niya? Baka ma turn over pa sa'kin 'yon, hui.

Hindi pa siya nakaka tingin sa'kin inabot ko na sakaniya, hindi ko kasi alam kung pa'no ko siya tatawagin e, hindi ko naman alam pangalan niya.

"Ito na o, thank you!" Masayang ani ko.

Napalingon siya sa gawi ko at kinuha naman agad yung inaabot ko.

"Sure ka ba na ayaw mo munang palabhan sa'kin? Kasi baka nag akoy putok na 'yan e" pag bibiri ko.

"Hindi na kailangan, thanks" ani ya, at tska umalis.

Hinabol ko naman siya ng tingin dahil grabe!

Yo'n na'yon? Jusko, sungit.

"Omg!! Nag tatagalog pala siya" si tiff.

"Tiff... tiff!!" Pag tawag ni jill kay tiff at tinatakip takip niya pa ito. "Ihanda mo ang karwahe, mag tutungo tayo sa simbahan, tangina papakasalan kona 'yan!!!!!"

"Tangina mo ang OA mo hayop ka, akin yan!" Kunwareng galit na ani tiff.

"Ang OA niyo ha" ani ko at tumawa dahil sa mga kalokohan nila.

________

Naka labas na kami ng school, ang tagal din namin bago maka labas dahil ang dami pa nilang eme eme sa buhay, 'diko na din namalayan na pagabi na, at nakalimutan ko na may pamilya pa'kong uuwian.

"Mga beh, bukas nalang ha, need ko na kasing umuwi nasa hospital pa mama ko, tska need ko pa siyang bantayan baka pagalitan ako ng tita ko" aligagang ani ko.

"Hala beh, sige sige, umuwi ka na nga at baka magalit sa'yo"

"Beh bat di mo sinabi, sana hindi ka na namin chinika, chaka ka talaga"

"Nawala din sa isip ko e" sagot ko.
"O sige na ha una na'ko, ingat nalang kayong dalawa sa pag uwi" pag papaalam ko sakanila at tuluyan ng umalis.

Hindi na'ko nag jeep or tricycle kasi sayang lang, kaya ko namang lakarin at malapit lang.

The Sunset Is Beautiful Isn't It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon