Chapter Ten

65 3 1
                                    

Jeydon Kairo Lavine [Iro] Pov:

"Bro start na daw!" Rinig kong sigaw ni zeke na tila ako ang sinasabihan. Kaya napatingin ako sakaniya.

"Tara na"

"Okay ka lang ba bro?" Si daniel.

"Tayo na Iro, mag start na, kailangan ka namin sa game" si coach.

Wala talaga ako sa mood mag laro ngayon dahil sa araw-araw kong pamumuhay sa bahay ng pamilya ko. Pero wala naman akong choice. Kaya tumayo nalang ako at nag ready.

"Yown!" Si zeke.

Ang ingay talaga nito kahit kailan.

"Galing niyo ha, focus lang, goodluck! Kaya niyo yan" ani coach at tinapik kami isa isa sa balikat.

Pumasok na kami sa court dahil mag start na, tinatamad talaga ko, gusto ko manuntok.

"Woahhh!!! Good Iro!!!"

"Iro galingan mo, may kiss ka sa'kin mamaya!!"

"Goo baby Iro!!" Sigaw ng mga babae sa likod namin.

The hell, mas lalong nakakawala ng gana taena.

Ilang beses na sa'kin napupunta yung bola pero kada i-shoshoot ko kapos palagi, kung hindi sobra naman, nai-inis na'ko, di ako maka pag focus sa game, gusto ko nalang ipatalo 'to.

"Focus Iro" bulong sa'kin ni zeke ng ipasa niya sa'kin yung bola.

Kaso kahit anong sabihin nila wala talaga e, 3rd quarter na pero score namin oarang grade ko, bagsak. Kidding.

36 score namin tapos sa kalaban 65 taena kaya paba yan? Ayaw pa nila sumuko e.

"Iro focus, ano bang gumagambala sa'yo ha?" Sermon sa'kin ni coach.

"Ayoko na pumasok" ani ko.

"Yahh, gago 'to, ikaw nga lang pag-asa namin e" si Adam.

Di nalang ako umimik kasi naiinis na talaga ako.

Zerafiña Faith Correa [Zera] Pov:
"Teh anong ngyayari sa mga baby natin? Bakit ganon ang score shesh" si jill.

Agad naman akong napatingin sa score, at lamang yung kalaban, ewan ko kung sino ang magaling sa dalawang 'to dahil ngayon lang naman ako nakanood dito.

Nag tataka nga din ako dahil ang sabi nila magaling daw yung Iro e, bakit hindi naman nakaka-shoot? Need niya siguro ng 'Good Luck' ko. Huiii.

"Tara nga do'n tayo sa side nila, para ma-cheer ko din ang baby ko" si jill.

Agad naman kaming sumunod sakaniya dahil seryoso ngang pupunta siya.

Naguguluhan tuloy ako kung totoong jowabels niya ba yung isang player na tinuturo niya, o eme eme niya lang.

"Excuse me" pakikiraan namin sa mga tao, para maka-daan kami syempre.

"Woi Ethan galingan mo naman!" Sigaw ni jill. At napatingin naman sakaniya yung mga player. Yung babycakes niya daw.

Ng lumingon sakaniya ay kinindatan naman siya nito, kaya kinurot niya kami ng patago, dahil halata namang kinikilig ang gaga.

At teh, nagka tinginan kami nung Iro shet, bakit ganon siya tumingin? Parang mangangain. Pero nginitian niya ako, kaso nalingon ko na yung ulo ko sa ibang direksyon kasi medyo ang creepy ng tingin niya nung una, kaya medyo pinag sisihan ko, gusto kong tumingin sakaniya ulit kasi ang gwapo niya pala pag naka ngiti kaso baka mahalata na crush ko siya.

Huii, di ko pala siya crush.

"Aray pota! Kalandian kasi!" Nabiglang ani ni tiff.
Hahahah ewan ko ba sa dalawang 'to.

The Sunset Is Beautiful Isn't It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon