Chapter Thirteen

49 1 2
                                    

Hindi din nag tagal ay umuwi na din kaming dalawa ni Tff, dahil anong oras na din.

Tinapos lang namin yung pag-kain namin at naki join saglit manood do'n sa kuya ni Jill.

At napag tanto ko nga na yung nag gi-gitara kanina ay yung kuya ni Jill, infairness ang lakas ng dating niya ha. At nando'n din pala yung mga kaibigan ni Iro, ewan ko ba kung bakit nando'n, di ko na tinanong, wala naman akong care.

Hinatid din pala kami ng papa ni Jill at syempre kasama siya. Nang makarating na ako dine samin ay agad naman akong nag madaling pumasok dahil pag tingin ko sa orasan ko ay halos mag na-9 pm na, baka mapagalitan na ako nito!!

Habang tumatakbo ako ay mas nataranta pa ako dahil nag text saakin si tita, baka talaga galit na 'to lagot talaga 'ko.

"Ay!! Hala sorry po" napa hinto nalang ako ng may maka sunggo ako, wala namang nahulog or natumba, OA lang talaga 'ko kaya ako napasigaw haha.

Niyuko kopa yung ulo ko, simbolo ng pag so-sorry ko, at ng maitaas ko na nga ito, nagulat ako dahil si Iro pala!! Ano ba 'yan, bat ba lagi nalang kami nag kaka sunggo.

Siguro sinasadya niya.

"Ikaw na-naman?" Ani ya.

Medyo nagulat naman ako, dahil sinabi niya yung 'nanaman' what if galit siya?

Kasalanan niya naman kasi talaga, dahil tumatakbo ako siya ok lang lakad, edi sana umiwas nalang siya.

Hays bat ba gan'to, ang alam ko sa k-drama lang ngyayari ng 'to e, pati pala sa totoong buhay.

"S-sorry, heheh, nag mamadali kasi ako dahil baka pagalitan na ako, anong oras na din kasi" paliwanag ko nalang.

"Tsk" ani ya, at marihing umiling iling.

What the hill, medyo pogi siya sa part na'yon, joke!! Feel ko loyal ako sa kuya ni Jill, hui?!!

"Saan kaba galing ha? Anong oras na?" Medjyo iritable niyang tanong.

Luh worried ba siya? Huii!!

"A-ahh ano diyan lang, sa bahay nung friend ko"

"Who?" Maikling tanong niyang muli.

Daming tanong ah.

"Si Jill, birthday kasi ng kuya niya" sagot kong muli at nginitian nalang siya. "Sige una na'ko ha, baka pagalitan na'ko e, ba-bye!" Dugtong ko at nag lakad na pa-pasok.

Agad naman akong dumiretso sa kwarto namin para mag palit sana kaso nando'n na sila tita nakahiga na.

"Bakit ngayon ka lang ha? Baka mamaya nakiki-pag date kana do'n ha" bungad ni tita ng makita ako, at napa tayo pa siya.

"Ano po kasi, inaya pa kami manood ng movie kaya ayon, sabi ko naman uuwi ako ng maaga kaso, ayaw nila 'kong paalisin do'n, tska ang layo din po ng bahay nila, diko din alam daan pa-uwi, baka maligaw papo ako" paliwanag ko.

"Nako ha, siguraduhin mo lang, abay madaming lalakero dito sa manila, baka mamaya lokohin ka lang ng mga 'yon, pero kung pogi naman go!!" Sagot niya.

Natawa nalang ako, kasi ang seryoso ng usapan tapos bigla siyang ga-ganon haha.

"Hay nako sylvia, tinuturuan mo pa ang anak ko na lumandi" si mama.

"Ate it's not landi, it's the ano... ahmm ano nga english non pamangks?"

At nag tanong pa nga sa'kin HAAHAH

"Ang alin po? Hahaha" tanong ko naman.

"It's ano kasi 'yon..." dugtong niya na lang kahit hindi niya alam ang sasabihin niya. Kami naman ni mama ay naka tingin sakaniya nag iintay ng sasabi hindi niya hahaha.

The Sunset Is Beautiful Isn't It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon