Chapter three

80 2 0
                                    

5:40 am na ng makarating kami sa bahay namin.
Syempre hindi niya alam ang bahay namin kaya itinuro ko pa sakaniya. Nakakahiya nga dahil ang dami pang pasikot sikot bago makarating sa bahay namin ang layo pa ng pinanggalingan at pinaka dulo pa kami.

Kaya naman ng makababa ako ay sobrang nag papasalamat ako sakaniya.

Tumango lang siya at tska umalis.
"Ingat ka kuya!!" Habol ko ng maka andar na ang sasakyan niya.

Dali dali akong pumasok ng bahay upang mag luto ng almusal ng aking mga kapatid. Pag tapos no'n ay agad akong nag bihis upang pumasok na sa paaralan.

Pero syempre bago ako pumasok, ginawa ko muna yung mga routine ko para sa mga kapatid ko.

Ginising ko sila para kumain, pag tapos pinaliguan ko at binihisan, inayusan ko din sila at hinatid sa school nila pag tapos ng lahat ng yon tska ako pumasok sa school namin. Hindi na nga ako makakasabay kay sierra dahil kailangan kong asikasuhin ang mga kapatid ko.

Ng makarating ako sa eskwelahan namin ay hinarang agad ako ng guard.
"Miss 30 minutes ka ng late anong balak mo? Buti pumasok kapa?!" Galit na ani ya.

"So-sorry po, kailangan ko po kasing asikasuhin ang mga kapatid ko bago po ako pumasok" pag papaliwanag ko.

"Bakit ikaw ba ang nanay nila? Nasan ba ang nanay niyo? Bakit hindi iniintindi ang mga kapatid mo ang anak niya?!"

"Umalis po kasi dahil kailangan mag trabaho" pagpapaliwanag ko ng maayos, kahit medyo naiinis na'ko, para kasing ang sakit niya na mag salita.

"Tsk. Walang kwentang nanay. Mag aanak anak tapos iiwan" bulong niya.

Umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko sa narinig ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya naman nag salita na ako.

"Excuse me manong guard, wala po kayong karapatan insultuhin ang nanay ko, lilinawin ko lang po hindi po kami iniwan ng nanay namin. Nag trabaho lang siya dahil sa'min para mabuhay kami, para mabigyan kami ng magandang buhay at para mabili namin ang mga pangangailangan namin. At pa'no niyo po nasabing wala siyang kwenta? E halos siya nga po ang bumibuhay sa'min!" Naiinis na sagot ko.

"Aba't sumasagot kapa!" Galit na amba niya.
Wala na'kong ibang magawa kung hindi ipilit ang sarili ko na pumasok ng gate. Pag pasok ko ay agad akong tumakbo para hindi niya mahuli.

"Hoy pasaway ka!! Bumalik ka dito!!" Sigaw ni manong guard.

Bahala siya sa buhay niya ang ayos ayos kong makipag usap tapos iinsultuhin niya pa si mama. Manigas siya don kakasigaw hindi ako babalik. Kung di niya sana ginawa yon di ko rin to gagawin hahaha.

Nang makarating ako sa classroom namin ay napatingin silang lahat sa'kin dahil hingal na hingal ako na huminto sa tapat ng pintuan.

Nakakahiya dahil halos naagaw ko ang mga atensiyon nila. Pag tapos kong huminga ng malalim ay agad akong tumayo ng tuwid at nag salita.

"So-sorry po ma'am im late" hingal na ani ko.

"Okay seat down" ani ya. Buti nalang at hindi na ako tinanong ng tinanong.

Agad akong pumaroon sa upuan ko.

"Bakit ka late? Sabi ko naman kasi sayo sumabay kana sa'kin e" pag bungad ni sierra na tila nag aalala.

"E kailangan ko pa kasing asikasuhin yung mga kapatid ko, dahil wala naman ng ibang aasikaso sa kanila" pagpapaliwanag ko. Tumango tango naman siya.

____

Nang matapos ang klase ay naglakad na agad ako palabas ng eskwelahan.

Ng malapit na'ko sa gate ay nag dahan dahan ako dahil baka makita ako ni manong guard at dalhin pa'ko sa office.

The Sunset Is Beautiful Isn't It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon