Chapter Twelve

86 5 1
                                    

Ligay Correa Pov :
(Zera's mother)

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay para mag walis dito sa labas kasi madalas yo'n ang ginagawa ko dito, tska medyo madumi na din dahil hindi na ako nakakapag linis simula nung ma hospital ako, nakakahiya naman kung naka hilata lang ako do'n. Kaya kahit bawal pa pinilit kong mag linis, saglit lang naman 'to, dahil onti lang ang dumi pero maluwang yung bakuran nila, pero okay lang kaya naman.

Narinig kong hinahanap ako ni Zera at ni Sylvia kaya dali dali akong nag tago sa gilid ng bahay para hindi ako makita, nakita ko naman silang dumiretso sa gate, at nag tanong sa mga guard kung nakita ako, hindi ko man sila nadidinig alam ko na ako ang tinatanong nila.

Nag tago ako ng maigi ng lumingon sila sa gawi ko at inilibot ang paningin sa buong bakuran.

Pero maya-maya lang din ay pumasok na sila sa loob ng bahay, nag intay lang din ako ng saglit bago lumabas at bumalik sa ginagawa ko. Mabuti't hindi na nila ako hinahanap.

Alam kong nag aalala sila sa'kin pero, pasensiya na kailangan ko mag trabaho e, ayoko din namang naka hilata lang do'n.

Sa kalagitnaan ng pag lilinis ko medyo nag iiba na pakiramdam ko, parang onti onti ng umiikot yung paningin ko, ang akala ko nga lumilondol e, kaya napatigil muna agad ako saglit.

Pero dahil matatapos na rin naman ako, hindi ko nalamang iyon pinansin at nag patuloy.

Ngunit maya-maya ay hindi kona talaga kinakaya, feeling ko ay tutumba na talaga ako at babagsak.

Hanggang sa onti onti ko ng naii-pipikit ang aking mga mata ramdam ko din na onti-onti akong bumabagsak.

Pero napadilat ako ng hindi ako kumalabog ng bumagsak ako. May sumalo pala sa'kin.

"Aling Ligaya!! Okay lang po ba kayo??!" Rinig kong sigaw ng lalaki na katabi ng sumali sa'kin.

Ngunit ng mag tama ang mga mata namin ng sumapp sa'kin ay bigla nalang akong napahinto. Wala akong naramdam kahit ano hindi ko rin maramdaman ang pag hinga ko pero ang lakas ng tibok ng puso ko.

"L-ligaya?..." huling boses na narinig ko mula sa naka sapo sa'kin bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Zerafiña Faith Correa Pov:
Pag labas namin nakita ko si mama na walang malay pero may lalaking naka salo sakaniya, hindi ko ito kilala at ngayon ko lang din siya nakita.

"Dalian niyo yung sasakyan!!!!" Galit at natataranta nitong sigaw sa isang guard na nag mamadaling tumakbo para kuhanin yung sasakyan.

"Ligaya???... Ligaya gising" mahinang pag kausap nito kay mama at marihing tinatapik tapik ang mukha nito.

Do'n lang din ako natauhan. "Mama!!" Sigaw ko at lumapit kay mama.

Napatingin naman ang lalaki sa'kin kaya tumingin din ako sakaniya pero agad ko itong inalis dahil nag aalala ako kay mama.

Yung reaction niya nung pag kakita niya sa'kin parang nagulat pa siya. Sino pa 'to.

Hindi naman siguro siya driver dito? Kasi nakita ko na halas lahat ng driver at tska naka soot niya ng suit yung parang ceo ang atake tska ang yaman niya tingnan at gwapo din ha.

Hindi katagalan dumating na yung sasakyan sa harap namin kaya agad naman binubat nung lalaki si mama at ipinasok sa sasakyan.

"Anak kaba niya? Halika sumama ka" ani ya saakin ng maka sakay siya sa loob.

Napatitig naman ako sakaniya ng kaunti bago sumakay ng tuluyan.

Naka tingin lang ako at naka hawak kay mama habang bumabyahe kami. Kinakabahan din ako at medyo naiiyak.

The Sunset Is Beautiful Isn't It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon