16

1K 48 11
                                    

Cont..

Kasi kailangan ko...
Kailangan ko ng maraming pera para sa Tatay ko.
Malungkot na putol ko sa sinasabi ni Dean at duon ay napaiyak na ako.

Biglang napatingin agad ito sakin dahil sa sinabi ko.

------meanwhile......

Panay ang iyak ko habang nagkukwento ako sa totoong nangyare saming dalawa ni tatay.

Ikinukwento ko kay Dean na nakulong si Tatay kaya ako napilitan pumasok sa Night Club.

What is the name of the cop who told you that?
Paasik na tanong nya sakin na nakakakunot pa ang noo.

At nakita ko din ang mga kamao nya na nakakuyom.

Na halatang nagpipigil ng galet dahil makikita sa muka nito na anytime ay gusto ng manakit.

Sa totoo lang first time ko syang makita ng ganito dahil siguro sa labis na awa sakin dahil sa nangyare sa buhay ko kaya ganun na lamang ang kanyang ipinakitang emosyon.

Pinunasan ko muna ang mga luha ko at uminum ng ice coffee bago ko sagutin ang tanung nya.

Dahil pakiramdam ko ay naninikip na yung dibdib ko mula sa pag iyak..

Inaya nya kasi ako dito sa isang coffee shop na malapit sa simbahan upang ipaliwanag ko sakanya ang tunay na problema ko.

Hindi ko na nakuha ang pangalan nung pulis...
Tatlo silang kumausap sakin.
Kung gusto ko raw palayain si Tatay kailangan ko raw pyansahan ang Tatay ko ng isang milyon..
Sagot ko

Kitang kita ko puno ng galet sa mga mata ni Dean habang nagkukwento ako.
Tahimik lang itong nakikinig sa problema ko.

Niloloko ka lang ng mga pulis na yun.
Bail is for temporary freedom.
Bail secures the release of a person from jail,provided that he will return for court appearances or trial.
In the event the suspect fails to return the court,the bail will be forfeited'.
Kaya kung sinu man ang pulis na kausap mo pinaglololoko ka ng mga yun..
Magaling na lawyer ang kailangan mo..
Saad nya pero sa haba ng sinabi ni Dean ay walang pumasok sa aking isipan.

Tila bay nakaramdam ako ng panlalambot ng katawan dahil sa aking narinig na anytime ay pwede akong bumagsak sa aking kinauupuan.

Tama ba ang sinabi nito? Tama ba ang mga narinig ko? Niloloko lang ako ng mga pulis?
Tanung ko sa aking sarili kaya napalunok ako dahil parang may nakabara sa aking lalamunan dahil sa panlulumo.

Hindi ako makahinga dahil sa subrang sama ng aking loob.

At nangingilid na muli ang mga luha ko

N-Niloko ako ng mga pulis?
Nauutal na paglilinaw na tanung ko kay Dean

Tumango naman si Dean habang nakatitig sakin..

Pakiramdam ko unti unting gumuguho ang mundo ko.

Napakasaklap naman talaga ng buhay ko..
Sabi ko sa aking isipan

A One Night DealWhere stories live. Discover now