CONT....
Napaubo pa sya ng unti at napakamot ng ulo dahil hindi nya inaasahan ang tanong ni Tatay sakanya.
Maski nga ako ay nagulat rin sa tanong ni Tatay kay Dean kaya tila tuloy nag init ang aking tenga.
At pakiramdam ko din ay napunta na lahat ng dugo ko sa aking muka at tenga.
At ito naman si Dean ay hindi makatingin ng maayos sakin dahil sa pagkagulat nya
Kaya naman ay nilapitan ko kagad si Tatay upang sabihin sakanya.
Tay h-hindi ko po nobyo si Dean..
K-Kaibigan ko lang po sya at handa syang tumulong upang makalaya kana talaga ng tuluyan Tay..
Paliwanag ko.Ah ganun ba Anak..
Pero teka bat parang kinikilig ka ata Anak sa tanong ko?
Dahil namumula yang muka mo.
Panunukso nito sakin kaya naman ay mas pakiramdam ko ay pulang pula na talaga aking muka dahil sa hiya at kilig na din.At itong si Dean ay hindi lalong makatingin sakin na tila natatawa pa sa sinabi ni Tatay.
Kaya naman hindi ko tuloy alam kung kinikilig din ba ito dahil sa pang aasar samin ni Tatay.
Uhm Mr.Galanza,inayos ko na rin po ang hotel na pansamantala nyong titirahan habang inaayos pa namin ni Sir Dean ang kaso nyo.
Singit ni Atty. Valdez.Nagulat pa ako sa sinabi ni Atty.
Kaya agad akong napatingin kay Dean.H-Hindi na kailangan sa hotel Dean.
Sa bahay nalang namin si Tatay.
Nakakahiya na sayo sobra na to...
Sabi ko kay DeanDelikado sa bahay nyo malapit lang doon ang pamilya ng batang biktima baka pagnalaman nilang nakalaya si Tatay mo baka may gawin pa siaang masama.
Dont worry naayos na ni Att.Ly ang lahat.
Paliwanag naman nya.Hindi ko na alam kung paano pa ako makakabawi sayo Dean.
Napapaluhang sabi ko sakanya.You dont need to..
Sabi nya saka ngumiti lang sya ng tipid at tinitigan ako.Pinunasan rin nya ang luha ko na dumaloy sa aking pisngi.
Akala ko Sir nobyo ka tlaga ng Anak ko...
Ganyan ko rin kasi titigan ang misis ko noon..
Singit naman ni Tatay sa pagitan naming dalawa ni Dean.Kaya sabay tuloy kami nahiya sa isat isa pagkarinig nuon
----------
Tay mga dalawang araw lang po siguro babalik na kami ni Dean dito.
Maaayos na namin ang kaso mo Tay.
Wag ka pong lalabas dito mag isa ha?.
May bodyguard ka po jan sa labas Tay....
Bilin ko kay Tatay habang kami ay nakaupo sa balcony at nag aagahan.Anak oo na..
Ginagawa mo naman akong ulyanin eh.
Nakasampung beses mo ng sinabi yan Anak.
Napapakamot ulong sabi ng aking Tatay.
YOU ARE READING
A One Night Deal
أدب الهواة2lad ng isa just sharing lang para sa sis q d2. Warning lang R.18+ kc mejo steamy ang ibang scenes at uulitin q wag nio q ijudge tao lang po..😁 salamat and enjoy reading..😊 e2 lamang ay isang FANFICTION walang kinalaman s storyang e2 ang mga gina...