9th

1.4K 48 15
                                    

JE POV

Hi Elie! Long time no see'.
Bati ko sakanya ng makita ko siyang papasok ng building na pagmamay ari ni Mr.Dean Wong.
Napakunot noo agad ito ng harangin ko ang daraanan niya.
Mukhang nagmamadali pa naman siya.

Natutuwa ako dahil nakita ko siya kaninang umaga sa opisina ni Dean. Hindi ko akalain na makikita ko siya muli.
Talagang maliit lang pala ang mundo. After how many years since i last saw him?10?12?
Hindi ko na mabilang.
Elie was my only ex boyfriend.
Akala ko ito na ang ka forever ko,noong magkarelasyon palang kami at ito ang bumuo ng highschool life ko.
Ngunit naghiwalay rin kami nang lokohin niya ako.

Anong kailangan mo?
Masungit na tanong niya sa'kin.
Masama ang tingin nito sa aking suot na damit.
Halos lumawa na kasi ang buong dibdib ko sa aking suot na pink sando na tinernohan ko n ng napakaiksing miniskirt.

Papasukin mo ko dyan.Isabay mo ako. Ayaw kasi ako papasukin ng guard eh.
Pakiusap ko sakanya na napalabi, lalong kumunot ang noo nito sa sinabi kong munting request sakanya at napakamot pa sa kanyang kilay.

Kanina pa kasi ako naroon sa tapat ng building ni Mr. Dean Wong.
Nakalimutan ko kasi kunin ang cellphone number nun.
Mag-iisang oras na tuloy akong nakatambay sa harap ng building at kinakabahan ako dahil mag-aalas sais na ng gabi baka umuwi na iyon.

Bakit ko naman gagawin yun? At hindi ka talaga papasukin ng guard dahil sa suot mo.
Sarkastikong sabi niya na nakataas ang kilay.

Please.. Kailangan kong makausap si Mr. Wong.
Pagmamakaawa ko sakanya.

No. I have to go now.
Mariing niyang sagot at nagmamadali.
Hinawakan ko ang braso niya at para bang napaso siya.

Ano bang kailangan mo kay Sir? Kung sa tingin mo papatulan ka ni Sir Dean sa ginagawa mo pang aakit nagkakamali ka... Hindi niya ibababa ang level niya sayo..
Sambit niya at nasaktan ako sa sinabi nito.
Tiningnan pa niya ang itsura ko ngayon. Para bang inis na inis siya sa itsura ko.

Ang dami mo namang sinabiTawagan mo na lang si Dean.
Sabi ko sa kanya at binalewala ang pag iinsulto niya sakin.
Wala akong mapapala kung papatulan ko pa ito.
Wala siyang alam sa nangyayari ngayon  sa buhay ko kya hindi ko siya masisisi kung bumaba ang tingin niya sakin.

Huminga siya ng malalim at para bang inis na inis sakin.
Ngunit sinunod niya ang aking hiling.
Tinawagan niya si Dean sa kanyang cellphone.

Sir nandito po yung babaeng kasama ni Sir Bei kanina. She wants to talk to you.
Sabi niya sa kausap niya sa kabilang linya.
Hindi ko alam kung ano sinagot ni Dean.

Okay sir..
Sagot niya bago binaba ang celphone nito.

Tara na?
Nakangiti kong tanong kay Elie dahil sigurado akong papapasukin ako ni Dean.

A One Night DealWhere stories live. Discover now