Chapter Six

15.8K 311 15
                                    

"Hindi ka ba galit sa akin?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami. Tumingin ako sa kanya at napakunot ang noo. "Kasi diba... Aalis ulit ako."

"Hindi ako galit. Okay?" Ngumiti ako sa kanya. "At isa pa, alam ko namang kailangan ka ng mommy mo." Naramdaman ko namang hinawakan niya ang kamay ko.

"Thank you." Tumigil kami sa paglalakad at iniharap niya ako sa kanya. "Thank you for giving me another chance." At niyakap niya ako. Ang sarap sa pakiramdam na yakap-yakap niya ako. Humiwalay din siya sa pagkakayakap sa akin. "Tara na, dapat nating sulitin ang araw na ito."

Pumunta kami sa may tabing-dagat at wala siyang ibang ginawa kung hindi ang kuhanan ako ng litrato.

Seryoso? Wala na ba siyang maisip na pwede pang gawin.

"Itigil mo na nga 'yan." Kukuhanin ko na sana sa kanya yung camera kaso bigla niyang tinaas ang kanang kamay niya habang hawak-hawak ang camera. "Caiden, isa!" Pagbabanta ko sa kanya pero nginitiin niya lang ako.

Oo na! Siya na ang gwapo.

"Dalawa!" Aba't nang-asar pa. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at umupo sa buhanginan. "Aww, nagtampo agad ang prinsesa ko." Nakanguso niyang sabi at lalo pa siyang gumwapo.

Umupo siya sa tabi ko.

"Ikaw kasi eh." Malungkot kong sabi sa kanya. "Hindi ka ba nagsasawang kuhanan ako ng litrato?" Nakakunot ang noo kong tanong sa kanya.

"Hinding-hindi ako magsasawa, basta ikaw ang kukuhanan ko." Ngumiti siya sa akin. "Gusto ko lang namang may titingnan ako sa tuwing mami-miss kita. At sa tingin ko araw-araw kitang mami-miss kaya naman kailangan ko ng maraming pictures." Namula naman ako dahil sa sinabi niya.

Kinilig kaya ako.

"Eh paano naman ako? Wala akong pictures mo." Nakanguso ko namang sabi sa kanya.

"Eh di picture-an mo ako." Ngumiti siya sa akin. "Oh. Gamitin mo 'tong camera ko para mamaya ipapa-develop na rin natin yung mga pictures."

At yun na nga ang ginawa ko. Pinagkukuhanan ko siya ng litrato.

"Ang gwapo ko 'no?" Sabi niya habang naka-akbay sa akin. Tinitingnan kasi namin yung mga pictures.

"Ang yabang mo." Biro ko sa kanya.

"So hindi ako gwapo?" Nagulat naman ako ng nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

Nagkatitigan lang kami hanggang sa naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa noo ko dahilan para mapapikit ako. "I love you my princess." At sa unang pagkakataon naglapat ang aming mga labi, kinuha niya mula sa mga kamay ko ang camera at nilapag niya sa tabi niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko kasi siya ang first kiss ko hanggang sa naramdaman ko na lamang na tumutugon na pala ako sa mga halik niya.

Napahawak ako sa may batok niya hanggang sa...

Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya medyo natulak ko siya at dali-dali kaming tumakbo sa isang kubo.

"A-ano... Ang lakas ng ulan." Ano ba 'yan! Kitang-kita niya rin naman na malakas ang pagbuhos ng ulan.

Hindi ko rin kasi alam ang dapat kong sabihin. Kasi... ano... parang bigla akong nailang matapos niya akong halikan.

"Oo nga eh. Hintayin na lang nating tumila ang ulan." Sabi niya naman sa akin. Umupo kaming dalawa. "Zel..." Mahina niyang tawag sa akin sapat na para marinig ko.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya at lumingon ako sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata ko, kasi sobrang lapit pala namin sa isa't-isa.

Umiwas agad ako at tumingin na lang ako sa harapan ko.

"I love you." Naramdaman ko na naman ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso ko. "Alam kong nabigla ka. Pero kasi... Noong mga panahong hindi kita nakikita at nakakasama, na-realize ko na nahuhulog na pala ako sayo... na mahal na pala kita." Pareho pala kami.

Napangiti na lamang ako, hindi ko alam kung napansin niya ba 'yon. Hanggang sa tumila na ang ulan.

"Tumila na ang ulan." Masaya kong sabi sa kanya at tumayo na rin ako.

Tiningnan ko siya at para bang disappointed siya sa sinabi ko, nakanguso pa nga siya. "Oh ano pang hinihintay mo diyan? Halika na." Natatawa kong sabi sa kanya, kasi naman kung kanina disappointed siya ngayon naman hindi ko na maipaliwanag pa ang itsura niya pero gwapo pa rin naman siya.

Lumabas na ako sa kubo at hinintay ko na lamang siya. "Zel..." Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran ko. "Mahal kita... Can you still wait for me?" Ramdam kong nag-blush ako sa sinabi niya.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya.

"Syempre naman. Hihintayin kita." Kinindatan ko pa siya. Bukas na nga pala ang alis nila.

Nakakapanghinayang nga lang at hindi kami masyadong nakapag-bonding.

"Promise?"

"Promise." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Zel, may tanong ako..." Parang nahihiya pa siya kasi umiwas siya ng tingin sa akin. "Mahal mo rin ba ako?"

"Hmm... Sasagutin ko 'yan pag bumalik ka na." Napakunot naman ang noo niya. "Hihintayin naman kita eh, para masabi ko sayo ang sagot ko sa tanong mo."

"Eh? Paano kung matagal ako bago makabalik?" Napakamot pa siya sa ulo niya.

"Basta, hihintayin kita." Ngumiti ako sa kanya.

"Hindi ba pwedeng ngayon mo na sagutin ang tanong ko?"

"Ano nga ulit yung tanong mo?" Halata namang naaasar na siya.

"Mahal mo rin ba ako?" Kunwari nag-isip pa ako ng sagot.

"Ano sa tingin mo?" Napakunot na naman ang noo niya.

"Akala ko naman sasagutin mo na yung tanong ko. Hays." Ngumuso pa talaga siya.

Tumingkayad ako at hinalikan ko siya sa pisngi, halata namang hindi niya inaasahang gagawin ko yun. "Sa tingin ko mahal mo rin ako." Ngumisi pa siya sa akin, mas lalo pa siyang gumwapo. "Ay mali. Alam ko namang mahal mo rin ako." Ngumiti siya sa akin at tinalikuran ko naman siya, naramdaman ko namang nag-blush na naman ako.

"Alam mo naman pala, nagtanong ka pa." Sabi ko habang nakatalikod sa kanya at nagsimula na rin akong maglakad.

Alam ko namang sinusundan niya ako hanggang sa naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay at pagtingin ko sa kanya, ayun abot langit ang ngiti kaya ngumiti na rin ako sa kanya.

Papunta ako ngayon sa hacienda nila Caiden, ngayon kasi ang alis nila papunta sa ibang bansa.

"Caiden..." Tawag ko sa kanya, mukhang hinihintay niya talaga ako. Nilingon niya ako at ngumiti siya sa akin.

Nginitiin ko rin siya.

"Hmm. Zel..." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tumingala ako para titigan siya. "Alam kong malungkot ka kasi aalis na naman ako sa ikalawang pagkakataon." Napatungo naman ako at nararamdaman kong may namumuong luha sa aking mga mata.

"Okay lang kung umiyak ka." At yun na nga nagsimula nang bumagsak ang mga luha sa mga mata ko. Niyakap niya naman ako.

"Pinapangako ko na babalik ako para sa prinsesa ko." Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata at alam kong sincere siya sa mga sinabi niya. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang kanyang daliri.

"At pinapangako ko rin na maghihintay ako sa pagbabalik ng prinsipe ko." Tumigil na ako sa pag-iyak at ngumiti ako sa kanya.

Ipinasok na ng mga kasambahay nila ang mga maleta sa sasakyan nila.

"Aalis na kami Zel." Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa noo ko. "Goodbye..." Ngumiti rin ako sa kanya at sumakay na siya sa sasakyan nila.

And then he left again for the second time.

Pero sa pagkakataong ito sigurado akong babalik siya, kaya naman maghihintay ako kahit gaano pa man ito katagal.

And Then He Came Back [Completed-2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon