Chapter Four

18.4K 409 34
                                    


"Para sa'yo aking prinsesa." Isinuot ng batang si Caiden ang ginawa niyang korona na gawa sa iba't-ibang klase ng bulaklak sa ulo ng batang si Neezel.

"Napakaganda talaga ng prinsesa ko." Wika niya dahilan para mapangiti naman si Neezel at halatang kinilig din siya.

"At ikaw naman ang pinakagwapong prinsipe ko." Sabay pisil niya sa magkabilang pisngi ni Caiden.

Sampung taong gulang na silang dalawa. Napakasaya nilang pagmasdan na tila ba walang iniindang problema.

Naglaro lang sila nang naglaro.

"Prinsesa ko! Hintayin mo ako!" Naghahabulan sila ngayon at patuloy lamang sa pagtakbo ang batang si Neezel. "Ang daya naman ng prinsesa ko. Diba dapat hinihintay ng prinsesa ang kanyang prinsipe?" Nag-pout naman si Caiden.

"Eh? Hindi pwede! Naglalaro kaya tayo! At tsaka baka matalo pa ako." Natatawang sabi ni Neezel. "Ang bagal mo kasi! Hahaha! Prinsipe ka ba talaga?" Pang-aasar niya kay Caiden.

Halata namang naasar si Caiden.

"Ah ganon!" Dali-daling hinabol ni Caiden si Neezel. Hanggang sa naabutan niya na nga si Neezel. Niyakap niya ito mula sa likuran. "Sinong mabagal?" Parehas pa silang naghahabol ng hininga.

Parehong malakas at mabilis ang tibok ng mga puso nila.

At sa hindi mabilang na pagkakataon nagising na naman si Neezel na may mga luha sa kanyang mga mata. Sobrang na-miss niya ang mga ganoong sandali. Kung saan silang dalawa, siya at ang kanyang prinsipe ay palaging masaya.

NEEZEL'S POV

Bumangon na ako at nag-ayos ng aking sarili. Babalik na kasi kami mamaya sa bayan.

Pumasok ako sa banyo at nag-toothbrush. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Mahahalata na namang umiyak ako.

"Tsk. Hindi man lang siya nagpaliwanag." Sabi ko sa sarili ko. Kasi naman kung umasta siya ngayon parang walang nangyari.

Lumabas na ako ng banyo. "Neezel, may mga bisita ka." Nagulat naman ako kay mama na nandito pala ngayon sa kwarto.

"Bisita po?" Tumango naman siya at lumabas na ng kwarto.

Sumunod na rin ako.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon. Teka bakit ang dami naman ata nila? "Akala ko po bisita?" Tumingin ako kina mama na ngayo'y parang natutuwa.

"Este mga manliligaw pala anak."

"Manliligaw?!" Napakunot naman ang noo ko. Hindi nga ako nagpapaligaw eh.

"Sige na anak. Nakakahiya kasi kung paaalisin namin."  Napatingin naman ako sa mga binatang nakapila pa talaga sa may pintuan. Naglagay pa talaga ng upuan sina Lola sa may pintuan.

Seryoso talaga sila. Babalik na lang sana ako sa kwarto nang bigla akong hinila ni mama at pinaupo sa upuan.

"H-hi." Panimula ng isang binatang nasa harapan ko ngayon. "Para sa'yo." Ano ba 'to bakit may dala silang mga regalo.

"Ano kasi... hmm.. Hindi kasi ako nagpapaligaw. Pasensiya na." Nakita ko namang nalungkot siya. Parang nakonsensiya naman ako bigla. "Pero wag kang mag-aalala mahahanap mo rin yung babaeng para sa'yo." Ngumiti ako sa kanya.

Hindi ko rin tinanggap yung regalo niya. "Ibigay mo na lang 'yan sa babaeng nakatakda para sa'yo. Sorry pero kasi... hindi ako ang babaeng 'yon." Ngumiti ulit ako.

Pare-pareho lang ang mga sinabi ko sa kanila. Kasi naman pwede namang sabihin ni mama na hindi siya pumapayag na ligawan ako.

Mabuti na lamang at last na 'tong lalaking ito.

"Hi! Pwedeng manligaw?" Kampanteng tanong niya sa akin. Aba't ang lakas talaga ng loob niya ah.

"Hindi!" Tinaasan ko siya ng kilay. Kung kanina mahinahon ako ngayon hindi na.

Ano ba kasing ginagawa ng Caiden na 'to dito. Nang-aasar ba siya?

"Rejected agad? Tell me. Ano bang gusto mo sa isang lalaki?" Napatingin ako sa kanya. Tinititigan ko naman siya.

Ang kapal ng mukha niyang itanong sa akin 'yan.

"Anong gusto ko sa isang lalaki?" Nakangiti kong tanong sa kanya. "Simple lang. Yung hindi katulad mo." Ngumiti ako sa kanya at umalis na ako.

Iniwan ko na lamang siyang nakatulala roon.

Nakakainis talaga siya. Makita ko palang ang mukha niya ay naiinis na ako.

Bumalik na kami sa bayan. Napagdesisyunan ko namang mamasyal. Pumunta ako sa lugar kung saan kami kalimitang naglalaro.

"Bakit ba ako pumunta dito?" Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman sa tuwing makikita ko siya.

Oo naiinis ako sa kanya sa tuwing makikita ko ang pagmumukha niya at aaminin ko miss na miss ko na siya, hindi ko lang talaga masabi sa kanya.

Ang gusto ko lang naman marinig yung explanation niya pero hindi man lang siya naglakas-loob na mag-explain.

Sumandal ako sa may puno at pinikit ko ang aking mga mata.

"Zel... Prinsesa ko..." Tawag niya sa akin habang nakasandal ako sa balikat niya.

"Hmm?" Tugon ko naman sa pagtawag niya sa akin.

"Kung sakali mang umalis ako..." Napatingin naman ako sa kanya pero nag-iwas lang siya ng tingin sa akin. "Wag na wag kang iiyak ha?" Sabi pa niya sa akin.

"Eh? Syempre... Iiyak ako. Ano ka ba!" Mahina ko siyang hinampas sa may braso niya. "Sinong prinsesa ang hindi iiyak kung sakaling iwan siya ng kanyang prinsipe." Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Ikaw..." Mabilis niyang sagot sa akin. Nagtataka nga ako sa mga pinagsasabi niya. "Para sa akin, hindi ka iiyak... Okay? Ayokong umiyak ka... kasi... baka hindi ko kayanin." Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.

"Ano bang pinagsasabi mo. Hindi ka naman aalis diba?" Natahimik siya.

"Kung sakali lang naman." Nakangiti niyang sabi sa akin. Pero parang may mali sa mga ngiting iyon. "Alam mo namang nasasaktan ako sa tuwing makikita kitang umiiyak."

"Hindi mo naman sinagot yung tanong ko eh." Napa-panguso na lamang ako. "Pakiramdam ko tuloy iiwan mo na ako."

Umiwas siya ng tingin sa akin. "Hindi mo naman ako iiwan diba?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at iniharap ko ang mukha niya sa akin. I looked straight into his eyes.

Why do I have this feeling that he'll leave me? But I ignored that thought. Iniisip ko pa lang na iiwan niya ako nahihirapan at nasasaktan na ako.

Tumayo siya at tumingala para pagmasdan ang kalingatan. "Ang ganda 'no?" Tinuro niya ang mga ulap sa langit.

Pero imbes na sa mga ulap ako tumingin, pinagmasdan ko na lamang ang mukha niya. Pakiramdam ko kasi huling araw ko ng masisilayan ang napakaamo niyang mukha.

I felt someone's wiping my tears, I slowly opened my eyes and there he is. "Sorry, naistorbo ko ang pagtulog mo. I just wiped your tears." Ngumiti pa siya sa akin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Anong ginagawa mo dito?" Umayos ako ng pagkakaupo.

"I really missed you." At sa unang pagkakataon nakita ko ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata.

Napatungo na lamang siya. "I really missed you so much." Tuloy-tuloy lang ang pagbagsak ng mga luha sa kanyang mga mata.

And then I found myself wiping his tears...

And Then He Came Back [Completed-2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon