Chapter Fourteen (Part 2)

10.8K 240 16
                                    

After naming mag-videoke ni Caiden. Parang biglang nagkaroon ng space sa aming dalawa. He keep on talking pero yung isip ko kung saan-saan pumupunta.

"Love, are you listening?" He asked. "Ayaw mo bang pumunta tayo ng Tagaytay? Saan mo ba gustong pumunta?" Papunta kasi kaming Tagaytay ngayon.

"Okay lang sa akin. Gusto ko ring pumunta sa Tagaytay." I tried my best to sound happy. "Napagod lang ako sa pagkanta. Hehe." At tumingin na lang ako sa bintana at pinagmasdan ang bawat dadaanan namin.

Pareho na lang kaming tumahimik habang tinatahak ang daan patungong Tagaytay. Nang makarating kami sa kanilang rest house dito sa Tagaytay, nagpaalam ako Caiden at dumiretso ako sa isang kwarto para mahiga. Ang sakit din kasi ng mga mata ko at naguguluhan na rin ako. I closed my eyes.

Nagising ako nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Nakatulog pala ako. I saw Caiden smiling at me, I looked at him for a moment, hinawakan ko ang mukha niya na parang bang mini-memorize ang bawat detalye ng mukha niya. Pareho kaming nakatagilid at nakaharap sa isa't-isa. Hinayaan niya lang hawakan ko ang mukha niya. "I love you." I said in a very sweet tone.

"I love you more." And then he claimed my lips "I love you so much." He said once again right after the kiss. "Halika, mag-dinner na tayo." Dinala niya ako sa may garden nitong rest house nila. Kaya naman pala hindi niya agad ako ginising.

Naglakad kami papunta sa isang table. Habang nadadaanan namin ang mga nagkalat na petals ng red roses at red balloons.

Umupo na kaming pareho at kumain na kami. Pareho lang kaming tahimik habang kumakain at nang matapos na kami. "My princess, my love, will you allow me to dance with you." I smile. Syempre naman, tatanggi pa ba ako.

We dance slowly. "Ikaw talaga, may paganito-ganito ka pa." Biro ko sa kanya.

"Syempre gusto kong maging memorable ang araw na 'to para sa ating dalawa." Kung sabagay third monthsary namin 'to.

"May sasabihin ako sayo..." I paused for a moment. "Akala ko talaga iiwan mo na ako... Kasi naman parang nagpaparamdam ka talaga na iiwan mo na naman ako. Kaya sorry kung nagduda ako ha? Promise hindi na mauulit. Kasi may tiwala naman ako sayo na hindi mo ako iiwan." Ngumiti lang siya sa akin.

Kung ano-ano yung pinag-iiisip ko kanina. "Alam mo ba, may nakapagsabi sa akin... Kapag daw nag-celebrate ng monthsary, hindi aabot ng isang taon ang relasyon nila. Pero alam mong unang pumasok sa isipan ko?"

"Ano?" Napangiti naman ako.

"Imposibleng mangyari yun sa atin. Kasi sa simula pa lang alam kong ikaw na talaga yung para sa akin." Napangiti naman siya. "I love you so much, Love."

"I love you so much too, Love." Hanggang sa naramdaman kong may sinuot siya sa aking kwintas, tiningnan ko ito. Sa infinite sign dun sa necklace nakaukit yung initials naming dalawa, N & C. "I love you so much. Walang katapusan ang pagmahal ko sa'yo. Tandaan mo 'yan."

"Ganun din ako." And he kissed me again with full of love, he kissed me as if this would be the last time he'll ever kiss me.

Nang matapos ang simple dinner date namin, napagdesisyunan na rin naming matulog. "Happy Third Monthsary, Love."

"Happy Third Monthsary din, Love." Niyakap ko siya ng mahigpit at ginawa ko namang unan ang braso niya. He hugged me also and caressed my hair hanggang sa nakatulog na kami pareho.

Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. "Love..." Pag tingin ko sa gilid ko, parang bigla naman akong binuhusan ng nagyeyelong tubig.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Wala na siya sa tabi ko. Ano ba yan Neezel! Baka nasa baba lang siya. Dahil kinakabahan na talaga ako dali-dali akong bumaba. To my surprise, I saw my parents habang nakaupo sa sofa. "Ma, Pa... Ano pong ginagawa niyo dito? Si C-Caiden po?"

"Anak... I'm sorry..." Para akong sinaksak ng paulit-ulit. "He left." Tumigil ang mundo ko, wala akong ibang marinig, nabibingi na ako sa katahimikan. Napahawak ako sa dibdib ko.

"No... You're just kidding right?" Shit! Naiiyak na ako. "Caiden! Caiden!" I tried to search him in this whole rest house, but there is no more sign of him. "Love naman. Wag namang ganito." At humagulgol na ako sa pag-iyak. Pinilit akong pakalmahin nila mama pero hindi ko magawang kumalma! Shit lang! Paano ako kakalma! Sige nga! Paano! Kung iniwan na ako ng taong minahal ko at pinagakatiwalaan ko!

"I HATE YOU! YOU LIED! SABI MO HINDI MO AKO IIWAN! SINUNGALIN KA! HINDI MO MAN LANG NAGAWANG MAGPAALAM! DUWAG KA BA?! I HATE YOU! I HATE YOU! I HATE YOU!" Mas lalo akong humagulgol sa pag-iyak.

We had the right love
At the wrong time
Guess I always knew inside
I wouldn't have you for a long time

"Anak tama na..."Kahit si mama naiiyak na rin sa sitwasyon ko. "Wag ka nang umiyak..."Napakadaling sabihin kasi wala sila sa posisyon ko. Tumakbo ako palabas ng rest house. "Neezel anak!" Narinig ko pang tinawag ako ni mama pero hindi ko na lamang siya nilingon.

Those dreams of yours
Are shining on distant shores
And if they're calling you away
I have no right to make you stay

Hinanap ko pa rin siya. Kahit alam kong hindi naman siya magpapakita kung sakali mang nandito nga siya. "Caiden! Bakit naman ganito? Magpakita ka sa akin! Tatanggapin ko naman yung explanation mo, wag mo lang akong iwan ng ganito... please..." Pero walang Caiden ang nagpakita, napa-upo na lamang ako sa sobrang sakit. Ang sakit... na parang unti-unti na akong pinapatay sa sobrang sakit.

Somewhere down the road
Our roads are gonna cross again
It doesn't really matter when
But somewhere down the road
I know that heart of yours
Will come to see
That you belong
With me

"Eh paano kung iniwan mo ulit ako?"

"Kalimutan mo na lang ako."

"YUN BA ANG GUSTO MO? NA KAPAG INIWAN MO ULIT AKO. KALIMUTAN NA LANG KITA? SIGE! DIYAN KA BA MAGIGING MASAYA. KAPAG HINDI KA NAGPAKITA SA AKIN NGAYON, WALA KA NANG BABALIKAN PA." I scared him, hoping that he could still hear me.

"Kapag hindi ka nag-paalam sa akin... wala ka na talagang babalakin pa. Kakalimutan na kita. Kahit masakit, gagawin ko. Kahit mahirap kakayanin ko. Kung diyan ka magiging masaya susundin ko ang gusto mo." Ang sakit! Ang sakit-sakit, sobrang sakit! "Bakit kasi ganito mahal na mahal kita... pero bigla mo na lang akong iiwan."

"Ang sakit Caiden... Yung akala ko sinalo mo nga ako pero hindi pa rin pala. Akala ko ba saba'y tayong mahuhulog, akala ko ba sasaluhin natin ang isa't-isa hindi mo man lang ako sinabihan o nagbigay man lang ng warning sign." Patuloy lang ako sa paghagulgol. "Ganun na lang ba kadali sayo ang iwan ako? Ang unfair mo naman eh."

"ANO?! HINDI KA BA TALAGA MAGPAPAALAM? SIGE BIBILANG AKO NG TATLO. PAG HINDI KA NAG-PAALAM ITITIGIL KO NA ANG KAHIBANGAN KONG ITO."

"Isa..."

"Dalawa..."

"T-tatlo." Mas lalo akong humagulgol sa pag-iyak. "Wala na ba talaga?"

"Anak..." Niyakap ako ni mama at papa. "Tama na..."

"Iniwan na ba talaga niya ako ma?" Humagulgol pa ako lalo, nahihirapan na rin akong huminga. "Babalik pa po ba siya?"

"I'm sorry anak... pero hindi ko alam." Mas lalo ako naiyak.

I guess he's not planning to come back anymore. Ang sakit, ang sakit maiwan sa ikalawang pagkakataon na hindi siya nagpaalam.

It's true that the most painful goodbyes are the ones that are never said and never explained.

And Then He Came Back [Completed-2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon