Chapter Fourteen (Part 1)

11.3K 237 29
                                    

Ilang buwan na rin ang nakalipas, actually 3rd monthsary na namin ni Caiden ngayon.

Ayoko nga sanang mag-celebrate ng monthsary na yan kasi may nakapagsabi sa akin na lahat daw ng nagce-celebrate ng monthsary hindi umaabot ng anniversary.

Pero sa aming dalawa ni Caiden, imposible namang mangyari yun, kung mangyari man... hindi ko kakayanin.

I erased that thought. Monthsary namin tapos ganito ang iniisip ko. Anyway mas naging close nga pala kami ni Adrian, pero syempre tuwing wala na kami sa loob ng company niya. Ito namang si Ella, okay na kami, nag-sorry din siya sa akin sa inasal niya noon. At nga pala may boyfriend na si Ella. Sayang nga eh, kasi akala ko sila talaga ni Adrian ang nakatakda para sa isa't-isa.

Naging busy rin kami pareho ni Caiden kaya bihira na rin kaming magkita but he never failed to call and message me every day. "May lakad ka ngayon?" Nagpaalam kasi ako kay Adrian na aalis ako ng mas maaga.

"Opo Sir. Monthsary po kasi namin ni Caiden ngayon." Ngumiti naman ako sa kanya. "Natapos ko na naman po lahat ng dapat kong gawin kaya sana payagan mo po akong umalis ng maaga.

"Ah. Ano ka ba... As long as hindi mo naman napapabayaan ang responsibilities mo sa trabaho mo, okay lang naman sa akin. You may go and enjoy your monthsary." Sabi niya sa akin with his usual friendly smile. Grabe! Nakapakabait talaga nitong si Adrian, maswerte ang babaeng mamahalin niya o baka naman meron na.

"Sige po Sir. Thank you po." Ngumiti ako sa kanya at lumabas na rin ako ng opisina niya.

After naming kumain ni Caiden sa isang restaurant dumiretso kami dito sa mall. Ewan ko ba sa kanya, gusto niya raw mag-videoke. Kaya ayan pinagbigyan ko na. Bumili muna kami ng token, mabuti na lang may isang vacant na videoke room.

"Anong trip mo ha?" Natatawa kong tanong sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin, ngiting alam kong pilit. "May problema ba?" I asked.

"Wala..." Ngumiti siya pero hindi na pilit. "Let's just enjoy this day." Bakit parang may kakaiba dun sa sinabi niya? Ay ewan... Tama siya, we should enjoy this day. "Ikaw muna ang kakanta ha?" Ano raw? Siya nag-yaya dito pero ako ang unang kakanta.

"Eh... Ayoko nga! Ikaw na muna ang mauna." Marunong naman akong kumanta 'no pero mas gusto kong siya muna ang mauna.

"Sige na please..." Aba't naglambing pa talaga.

"Pasalamat ka mahal kita." Ngumiti ako sa kanya at ganun din naman siya.

"Mas mahal kita, tandaan mo yan." Hindi ko masyadong narinig yung mga huli niyang sinabi. Ang narinig ko lang kasi ay yung sinabi niyang mas mahal niya raw ako. Hanggang sa nagsalita ulit siya. "Ito ang kantahin mo para sa akin." Tiningnan ko yung song na napili niya. Somewhere down the road... Bakit naman ito ang gusto niyang kantahin ko?

We had the right love
At the wrong time
Guess I always knew inside
I wouldn't have you for a long time

Do we have the right love at the wrong time?

We have the right love at the right time naman diba?

Those dreams of yours
Are shining on distant shores
And if they're calling you away
I have no right to make you stay

Are you going to leave me again?

If ever you'll leave, do I have any right to make you stay?

If ever you'll leave me, are you going to stay if I ask you to stay?

But what if it has something to do with your dreams, are you still willing to stay?

But somewhere down the road
Our roads are gonna cross again
It doesn't really matter when
But somewhere down the road
I know that heart of yours
Will come to see
That you belong with me

And Then He Came Back [Completed-2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon