Chapter Eighteen

12.2K 243 25
                                    

"Caiden... Caiden... Caiden!!!" Napabangon akong pawis na pawis, kinakabahan at umiiyak. Shit! Panaginip lang pala parang totoo talaga.

Napahugulgol ako sa pag-iyak. All this time, it's still him... I still love him. "Akala ko... akala ko... naka-move on na ako hindi pa pala." Umiyak lang ako ng umiyak.

Bigla namang nag-ring ang cellphone ko. I look at my phone screen and I saw Adrian's calling. Sinagot ko naman ito.

[Hello Babe... Good morning!]

"G-good morning..." I tried to sound happy.

[Wait... are you crying?]

"Ha? H-hindi ah... k-kakagising ko l-lang kasi..." Palusot ko sa kanya.

[Ah ganun ba? Sunduin kita ha?]

"Okay... maliligo na ako."

[Okay. Bye. I love you.] I froze. Hindi ko alam ang dapat kong isagot. Sa unang pagkakataon sa loob ng ilang buwang naming relasyon ngayon lang ako kinabahan ng ganito.

"Bye..." And then I ended the call. Oh shit! Did I just end the call without saying I love you too... Pakiramdam ko ay sobrang pinagtaksilan ko siya. Neezel naman, just because of that dream... nagkakaganito ka? Panaginip lang 'yon... Napag-desisyunan kong i-text na lamang si Adrian. Baka kasi mag-aalala pa yun sa akin dahil sa kakaiba ang kinikilos ko ngayong araw.

Me: Babe... sorry... hindi lang talaga maganda yung gising ko. I love you too. I'll wait for you.

Bakit ganun? Kahit sa text ko lang tinype yung I love you too... parang mali pa rin. Tama ba talaga yung realization ko kanina... na mahal ko pa rin siya?

Babe: Okay lang babe. Nag-aalala lang ako sayo.

Hindi ko na siya ni-replyan pa at dumiretso na lamang sa banyo para maligo.

Bumaba na ako pagkatapos kong maligo. Maaga pa lang pumasok sa kani-kanilang trabaho sila mama at papa at pumasok na rin sa school si Nicole. Walang katao-tao, sobrang tahimik... Mukhang ang isa naming kasambahay ang naghatid kay Nicole sa school niya. Dumiretso na ako sa kusina at napansin ko namang may iniwang note sila mama sa refrigerator.

Good morning. Ready na ang breakfast 'nak. Ingat sa pagpasok sa work mo :)

Napangiti naman ako. Kakain na sana ako ng breakfast nang biglang may nag-doorbell. Ang bilis naman ni Adrian. Dali-dali akong lumabas at binuksan ang gate. "Babe ang aga---" This can't be.

"Babe?" He smirked. What the f*ck! Ang kapal ng mukha niyang ngumisi. "Good morning, Love." And it hit me. Not only once but a couple of times. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman, should I be mad because he came back after he left me without even saying goodbye or should I be happy 'coz I miss him so damn much...

"Anong ginagawa mo dito?" I asked coldly, sana maramdaman niya yun. Teka... totoo ba talaga 'to. Hindi naman ako nananaginip diba?

"Can we talk?" Hindi nga ako nananaginip. Totoo na 'to.

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan. You left me..." Nagsimula na namang bumagsak ang mga luha sa aking mata. Sabi ko sa sarili ko dati, kapag bumalik siya at nagkita kami... hinding-hindi na ako iiyak pa. Pero ngayong nasa harapan ko na siya, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.

"Umalis ka na..." I was about to close the gate when he suddenly carried me like a bride. "Put me down! Ano ba?!" He didn't listen. Hanggang sa nakapasok na kami sa loob ng bahay. Dahan-dahan niya akong binaba sa sofa.

"I'm sorry... Please give me another chance." Shit lang! After all these years... Hihingi na naman siya ng another chance?

"Tapos ano? I'll give you another chance then you'll leave me again. Wag mo naman akong paglaruan Caiden. Don't act as if nothing happened." At muli na naman akong naiyak.

And Then He Came Back [Completed-2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon