Chapter Thirteen

10.9K 223 9
                                    

Kumakain kami ni Ella dito sa isang fast food chain malapit sa company nang biglang tumabi sa amin si Sir Adrian. "S-Sir..." Napatingin ako kay Ella na namumula.

Wait... Does this mean she likes him?

"Hi Ella, Hi Neezel." He smiled at us with his usual friendly smile.

Naku naman! Paanong hindi mahuhulog sa kanya si Ella. Anyway, kung ako ang tatanungin bagay naman silang dalawa. "Makiki-share sana ako ng table." Eh? Dito rin siya kakain? Akala ko pa naman ang mga CEO ng company sa high class na restaurant laging kumakain.

Si Caiden kaya? Anyway baka mas gusto ni Sir Adrian na sa fast food chain kumain.

"Sure Sir..." Sabi ko naman kasi 'tong si Ella busy sa pagtitig kay Sir. Kaya siniko ko siya at mukha namang bumalik na siya sa katinuan.

"Sabi ko naman sa'yo diba, kapag nasa labas tayo ng company you can just call me Adrian." He smiled. Hay naku Sir! Tama na ang pagpapa-cute kasi mukhang hulog na hulog na sayo si Ella. "Ikaw rin Ella, diba sinabihan na kita dati na Adrian na lang ang itawag mo sa akin kapag wala na tayo sa company." Sir wag kang ganyan, pulang-pula na si Ella oh. Samantalang ako ay nagpipigil ng tawa.

"A-Adrian." Shocks! Nauutal si Ella. Halata siya masyado. Kaso mukhang manhid naman 'tong si Adrian kaya hindi niya nahahalata.

Perfect combination, masyadong obvious at manhid... I laugh secretly.

"Adrian, Ella... kain na tayo." At ayun nga nagsimula na kaming kumain. Tahimik nga kaming tatlo eh, si Adrian lang naman pala ang makakapagpatahimik kay Ella.

After naming kumain bigla namang nagsalita si Adrian.

"Kamusta kayo ng boyfriend mo." Napangiti naman ako.

"Hmm. Okay naman po Sir. Pinuntahan niya po ako sa bahay just to say sorry."

"Omg! Talaga?! Ang sweet ng boyfriend mo. Sana ako rin pag magka-boyfriend kagaya ng boyfriend mo." Si Ella na kanina'y tahimik bigla-bigla namang nakisali sa usapan. Kung hindi ko lang napansin na may gusto siya kay Adrian baka kanina ko pa inisip na may gusto siya sa boyfriend ko.

"Ano bang gusto mo sa isang lalaki Ella?" Namula naman si Ella dahil sa tanong ni Adrian. Naku talaga! Mukhang manhid nga talaga 'tong si Adrian, halatang-halata na nga 'tong si Ella hindi pa maramdaman.

"Ikaw." Shocks! Did she just confess her feelings for him? Nanlaki naman ang mga mata ni Adrian. I think he didn't see that coming, kahit ako naman. "I mean, parang ikaw... ano... Gusto ko katulad mo po. Wait... I mean ang gusto ko sa isang lalaki ay yung parang ikaw po Sir Adrian." Ang hirap magpigil ng tawa kasi naman yung hitsura ni Ella, parang kinakabahan na ewan, na hindi malaman ang dapat sabihin.

"Ella, drop the Sir. Okay? Wala naman na tayo sa loob ng company. Adrian na lang." Lalo namang namula si Ella.Ang benta nito! Bagay nga talaga silang dalawa.

"So Ella, ibigsabihin malaki ang chance na magkagusto ka kay Sir... I mean Adrian?" Ngumiti naman ako ng nakakaloko kay Ella. Ang cute niya! Hindi na nawala ang pamumula ng kanyang mukha.

"Ha? A-ano? Ah.. Ano... Hmm... S-syempre?" Nakakatawa si Ella.

"Bakit parang wala namang chance na magkagusto ka sa akin Ella?" Oh em gee! Ngumuso pa si Adrian. Si Ella parang hindi mapakali.

"Meron po Sir... I mean Adrian. Diba Neezel?" Tumingin siya sa akin na parang nagsasabing 'sumang-ayon ka na lang'. "Kahit ikaw din naman may chance na magkagusto kay Adrian?"

"Sorry. Kaso may Love na ako eh." I answered honestly. I can feel awkwardness between me and Adrian.

"What if wala ka pang boyfriend?" Bakit parang ako na yung ginigisa ni Ella ngayon? Ngumisi siya sa akin. Aba't para lang makatakas sa usapan dinamay pa ako. "May chance ba Neezel?"

"Sorry talaga. Kasi it's always been him from the beginning. And I can't imagine myself walking down the aisle while there's other guy waiting for me instead of him." Hindi ko tiningnan si Adrian bale kay Ella lang ako nakatingin.

"Whoa! Kasalan na pala agad ito. Ahahaha" She joked. I just smiled. Napansin naman naming nanahimik si Adrian.

"Hmm... Adrian okay ka lang?" I awkwardly asked.

"Ha? Ah oo, okay lang ako. Sorry. Don't mind me." He smiled again, yung ngiting hindi umabot sa mga mata niya, yung ngiting alam mong pilit lang. Bakit kaya? "Anyway, I'll go ahead na pala. I still have works left in my office." Nagpaalam na siya sa amin at umalis na rin.

"He likes you." Ella said. "Hmm. Mauna na ako sayo." Before I could react I saw her turning her back and the only thing I could do is watch her walk away. What was that?

"Love, ang tahimik mo. May problema ba?" He said. I was spending my day off with my Love. He kissed the top of my head. We're just sitting here in his sofa while I'm hugging him and resting my head on his chest.

"I'm just tired." I lied.

"Hindi ka talaga magaling magsinungalin." I can sense he smiled. I faced him. "Tell me. Anong problema, Love."

"Okay. I don't understand." I paused for a moment. "I had this friend and at the same time officemate, we're close naman, I guess. Kaso after naming makasabay mag-lunch yung boss namin we had this conversation." Napahinto naman ako bigla. Should I tell him?

"Conversation?" Mukhang dapat kong sabihin sa kanya.

"I asked her if there's any chance that he'll also like Adrian. Si Adrian yung CEO ng company na pinagtra-trabahuhan ko. I can feel she likes Adrian kaya ayun. Masyado kasi siyang halata and manhid naman 'tong si Adrian. Then she also asked me kung may chance rin bang magkagusto ako kay Adrian."Napakunot naman ang noo niya. "I said sorry and told her that from the beginning it's always been you." Napangiti naman siya.

"It's always you from the very beginning. I won't need, want and love any other girl but you... only you." Namula naman ako sa sinabi niya.

"Kaso..." Maybe I should tell this to him also. "She told me before she left me that Adrian likes me." Halata namang nagulat si Caiden, dahilan para magsalubong ang mga kilay niya. "Kaya after that hindi na kami masyadong nag-usap. Mukhang iniiwasan niya ako."

"Eh yung Adrian na 'yun?" Hindi ko alam kung bakit pero nung sinabi niya yung pangalan ni Adrian para bang may kakaiba, hindi ko lang malaman kung ano iyon.

"He's still the same... Friendly pa rin naman siya." I smiled. "Pero wag kang magseselos okay?"

"Hindi ako nagseselos." Hindi raw eh halos hindi na nga maipinta yung mukha niya. I smiled secretly.

"Sabi mo eh... anyway, wala ka naman talagang dapat ika-selos kasi ikaw naman ang nagmamay-ari nito." I pointed the part where my heart was located. "Mula noon hanggang sa huling hininga ko ikaw at wala ng iba pa ang tanging magma-may-ari nito." I assured him and then hugged me tight.

And Then He Came Back [Completed-2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon