My life's a mess without him. Ilang linggo na ang nakalipas pero sariwang-sariwa pa rin ang sakit. Unti-unti pa rin akong sinasaksak nito ng paulit-ulit, ang sakit-sakit.
"I hate you because I can't hate you, I hate you because I still love you sa kabila ng ginawa mong pag-iwan sa akin. Napaka-unfair mo." At sa loob ng ilang linggo hinding-hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong umiyak.
"Ang unfair mo ang selfish mo." Paulit-ulit kong hinampas yung unan. "Miss na kita. Miss na miss na kita. Sobrang miss na kita."
"Sa tingin mo ba kung iiyak ka lang ng iiyak dito babalik siya sayo? Sa tingin mo ba kung magmumukmok ka dito, may mangyayari sa buhay mo." I saw Adrian standing in front of me. I look at him, kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.
"I don't need you! Leave me alone! Hindi ko kailangan ng awa niyo!" Sigaw ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong tumakbo sa isipan ko at sinabi ko iyon sa kanya. Oo wala siyang kinalaman sa nangyari sa amin ni Caiden pero wala akong balak bawiin ang mga sinabi ko.
"You don't need me because you need him. Hindi ako naaawa sa'yo. Nag-aalala ako sa'yo, magkaiba yun Neezel." Natahimik naman ako sa sinabi niya.
"Adrian... I can't..." Napahagulgol na naman ako sa pag-iyak. "I can't live without him." At sa unang pagkakataon mas pinili kong wag na lamang siyang ipagtabuyan.
Lahat ng pumupunta dito, pinagtatabuyan ko. Aaminin ko naging selfish ako, hindi ko sila pinakinggan, sarili ko lang ang inisip ko, kasi sobrang nasasaktan ako. "I tried but I can't." Dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko, niyakap ko siya.
"It's not true. You can still live without him. Akala mo lang hindi mo kaya kasi nasanay ka na lagi siyang nandiyan sa tabi mo. Pero Neezel, iniwan ka nga niya diba. Ilang linggo na ang nakalipas, bumalik ba siya? Nagparamdam ba siya. Diba hindi naman? You're just wasting your time sa isang walang kwentang katulad niya." Nagulat ako sa mga sinabi ni Adrian, he's mad.
"Stop wasting your tears for someone like him, he's not worth it." Para naman akong natauhan sa mga sinabi niya. Mas lalo akong napaiyak. "I'm so sorry if I had to tell you things like that but you should wake up and move on." Move on... easy to say but so hard to do. "Nandito ako...kami para sa'yo. Never think you're alone, marami pa ring nagmamahal sa'yo."
Sinubukan ko na lamang ibaling ang atensyon ko sa aking trabaho. Pero sinungalin ako kung sasabihin kong naka-move on na ako. Sinusubukan ko pero sa tuwing titingin ako sa mga bagay na nasa paligid ko siya ang unang pumapasok sa isipan ko. Mahal na mahal ko siya kaya sobrang hirap sa akin ang mag-move on at kalimutan na lamang siya.
Paulit-ulit pa ring nagre-replay sa akin yung mga pangyayari nung iniwan niya ako. Yung mga salitang binitiwan niya na hindi niya ako iiwan at kung iiwan man ulit niya ako, kalimutan ko na lang daw siya.
"Uy girl! Nakikinig ka ba?" Napatingin naman ako kay Ella, mukhang kanina pa siya salita ng salita dito pero kung saan-saan lumilipad ang isipan ko.
"Ano nga ulit yun?" Halos hindi naman maipinta ang mukha niya sa naging tanong ko sa kanya.
"Neezel naman. Kanina pa ako salita ng salita rito pero hindi ka naman pala nakikinig." Mukhang disappointed siya.
"Sorry, may inisip lang kasi ako."
"Siya na naman. Oops. Don't dare deny it, I know you too well." Hindi na lang ako umimik. " By the way, may ipakikilala sana ako sayo---"
"3-month rule." I said.
"Jusko naman girl! Dalawang araw na lang oh. Sa tingin mo babalik pa yun? 2 days na lang, 3 months na ang nakalipas simula nung iniwan ka niya." Wow lang! Napaka-supportive talaga nitong si Ella, walang preno kung magsalita eh. Anyway, okay na rin yung nandiyan siya, at least siya yung palaging nagpapaalala sa akin na tigilan ko na ang kahibangan kong ito.
"One day can change everything. Ano pa kaya ang two days, malay mo---"
"Please lang Neezel, gumising ka na nga. Wag mong paasahin 'yang sarili mo kaya ka nasasaktan eh. Kung sasabihin mo na naman sa akin na wala ako sa sitwasyon mo o hindi ko naman nararamdaman 'yang nararamdaman mo, pwes wag mo nang ituloy. Oo wala ako sa sitwasyon mo at hindi ko nga nararamdaman 'yang nararamdaman mo, pero Neezel may mga mata ako at nakikita ko 'yang pagpapakatangang ginagawa mo. Hindi ko sinasabing hindi ako naging tanga kahit isang beses man lang sa buhay ko, oo naging tanga rin ako, pero kung alam kung hindi na tama 'tong pagpapakatanga ko ititigil ko na kaysa naman mas masaktan pa ako ng sobra-sobra." Napatulala naman ako sa mga sinabi ni Ella, hindi ako nagalit o nainis sa kanya, she has a point.
Siguro tama na 'tong pagpapakatangang ginagawa ko. "Please lang Neezel, alam kong napakadali lang sabihing mag-move on ka na. Alam ko namang sinusubukan mo, pero kulang ang subok na ginagawa mo kung hindi ka naman nage-exert ng effort."
"Ang hirap kasi Ella ang hirap." Nagsimula na naman akong umiyak. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako.
"Sige umiyak ka lang. Pero ito na ang huling beses na iiyak ka sa harapan ko." Mas lalo akong napaiyak. "I'm your friend and I'm always here for you."
"Why is it so damn hard to let go of someone?" Patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha sa aking mga mata. "Why do I have to let go of someone I don't want to let go?"
"Mahirap pero kailangan mong kayanin. You have to let him go for the better or maybe for the best. Kung kayo talaga ang para sa isa't-isa, KAYO talaga. Pero wag kang umasa na babalikan ka niya, kasi mangyayari lang yun kung kayo talaga ang nakatadhana para sa isa't-isa." Natauhan naman ako sa mga sinabi niya. She's right. Kung kami talaga, KAMI talaga. But for now, I need to let him go.
"Oh kanina ka pa nakatulala diyan." Puna sa akin ni Adrian, nag-offer kasi siya na ihahatid niya ako ngayon sa amin. "Na-sermonan ka na naman ba ni Ella." He joked and we both laugh. Napatigil naman siya sa pagtawa at napatitig siya sa akin.
"Oh bakit? May dumi ba ako sa mukha?" I joked and smiled.
"You laughed."Sabi niya na parang batang tuwang-tuwa.
"Psh. Masama na bang tumawa ngayon?" I pouted. He smiled.
"Hindi naman. I'm just glad you're back." Napangiti naman ako. Nakarating na pala kami dito sa amin. I was about to get out of his car when he suddenly grabbed my hand. "Hmm. Neezel can we talk."
"Eh? Nag-uusap na naman tayo diba? Ehehe." I joked.
"I mean... ano kasi..." Napansin ko namang bigla siyang namula. "Is there any chance... for you to open your heart again... or for you to love someone again..." Napatigil naman ako sa naging tanong niya.
"Siguro, pero sa ngayon hindi muna." I honestly told him.
"Okay lang ba sayo kung maghintay ako?" Medyo napakamot pa siya sa batok niya. "Pero ano... kung ayaw mo... or hindi okay---"
"Ikaw ang bahala. Pero kasi baka matagalan at mapagod ka lang sa paghihintay." Napangiti naman siya sa naging sagot.
"I'm willing to wait even if it will take years. Para sa'yo kakayanin ko." He smiled.
"Thank you Adrian." I said and get out of his car. Thank you so much Adrian, but I think it will take years before I open my heart for someone again...
BINABASA MO ANG
And Then He Came Back [Completed-2015]
Historia CortaHe left. And then he came back. || ©2015 - Cover made through CANVA