NEEZEL'S POV
"Anak sa Friday na nga pala ang alis natin ha? Samahan mo akong mamili ng mga pasalubong mamaya." Kamuntikan kong malaglag yung basong hinuhugasan ko ngayon.
"Ma, ano po kasi..." Nag-aalangan akong tumingin kay mama. Paano ko ba sasabihin kay mama na ayoko talagang sumama. "Pwede po bang sa next vacation na lang po ako sumama."
"Anak naman, simula noong kinuha ka namin ng Papa mo sa mga lolo't lola mo, hindi ka nakapag-bakasyon sa probinsiya. At tsaka, 14 years old ka pa lang noong huli ka nilang nakita at ngayon 18 years old ka na. Magna-nineteen ka na nga anak. Miss na miss ka na nila." Hays, wala na ata akong pag-pipilian pa.
"One month po talaga." Tumango at ngumiti sa akin si mama. Base sa pagkangiti niya ngayon hindi ko na talaga magagawa pang baguhin ang desisyon niya.
"Eh Ma... Paano 'yan... Wala pong magbabantay ng bahay natin? Kaya huwag niyo na lang po akong isama kasi babantayan ko na lang po itong bahay. Paano na lang kung pasukin 'tong bahay natin ng magnanakaw." Sana magbago yung isip ni mama.
"Kaya nga kita isasama anak. Bukod sa miss na miss ka na ng lolo't lola mo, hindi kasi pinayagang magbakasyon ang Papa mo ngayong taon." Oh shocks! Wala na talagang paraan pa para magbago ang desisyon ni mama. "Nandito naman si Papa mo kaya huwag kang mag-alala."
"Pero Ma, wala dito tuwing umaga si Papa kasi pumapasok pa siya sa trabaho niya tapos late pa yung uwi niya mula sa trabaho." Ayoko talagang sumama. I'm not yet ready...
"Okay lang 'yun anak, dito naman natutulog ang Papa mo ah." Fine. I'm left with no more choice.
"Okay po." Magbabakasyon ako ng isang buwan sa probinsiya?! Iniisip ko palang ay parang uurong na agad ang mga paa ko.
"Sige na. Maglalaba pa ako. Tapusin mo na 'yang paghuhugas mo diyan." Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang paghuhugas. Naiiyak na talaga ako.
Napagdesisyunan kong pumunta sa bahay nila Aldrix, ang aking best friend. Sa kanya ako hihingi ng tulong. Nag-doorbell muna ako at lumabas naman yung mommy niya.
"Good morning po Tita!" Masayang bati ko sa mommy niya.
"Good morning din Neezel. Si Aldrix ba ang hinahanap mo?" Tumango at ngumiti naman ako sa kanya. "Pumunta ka na lang sa kwarto niya."
"Thank you po." Dumiretso na rin ako sa kwarto ni Aldrix, lagi naman akong nandito kapag tapos na yung mga dapat kong gawin sa bahay.
"Uwaaahhhh!!! Aldrix!!!!! Gising!!!! Huhuhuhu!!!" Pagkapasok ko sa kwarto niya, 'yan ang bati ko sa kanya. Umupo pa ako sa gilid ng kama niya at niyugyog ko yung kama niya.
"Neezel naman!" Bumangon siyang nakakunot ang noo. Iritadong-iritado. Tiningnan niya ako ng masama at nag-pout lang ako sa kanya. Bigla namang nawala yung kaninang masama niyang tingin sa akin.
"Sorry..." Malambing kong sabi sa kanya at nag-peace sign pa ako.
"Tsk! What do you need?" Iritado niyang sabi sa akin.
"Wow! Ang ganda talaga ng kwarto mo! Daig mo ang kwarto ng isang babae sa sobrang organize at linis." Papuri ko sa kwarto niya. "Ang ganda talaga pati ng mga gamit mo. At yung color combination ang galing---"
"Pwede ba Neezel! Diretsuhin mo na ako! Anong kailangan mo? At pwede ba tigil-tigilan mo na nga 'yang pamumuri sa kwarto ko. Hindi ka ba nagsasawa, sa daming beses mo nang pumunta dito 'yan na lang lagi ang sinasabi mo." Oops! Mukhang nagalit siya sa akin. Napanguso na lang ako.
"Aish! I need your help." Seryoso kong sabi sa kanya. "At tsaka pwede ba mag-suot ka nga ng pang-itaas na damit." Kumuha ako ng damit niya at hinagis sa kanya.
BINABASA MO ANG
And Then He Came Back [Completed-2015]
Historia CortaHe left. And then he came back. || ©2015 - Cover made through CANVA