Chapter Ten

11.7K 250 30
                                    

I was here alone in the mall. Hindi kasi ako masasamahan ni Caiden since kabi-kabila ang meetings niya for today but he assured me naman na babawi siya next time.

Nandito ako sa mall para maglibang since next week na ang simula ng trabaho ko.

Ang dami kong natanggap na offers from different companies kaya medyo nahirapan akong pumili but in the end may napili rin naman ako.

Syempre may mga bagay akong isinaalang-alang before choosing the right company for me, I even consulted Caiden's opinion and he said, it's fine with him naman kung anong piliin ko as long as I'm happy with my choice. I smiled.

"So what's the reason behind that smile?" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses niya.

I look at him and my eyes widened when our eyes met.

"Aldrix!!!" I immediately hug him. I really miss this guy. "Wait, when did you come back?" Humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Missed me?" Tumango-tango naman ako. "I was about to surprise you kaya hindi ko agad sinabi sayo, but I came back yesterday." He smiled, still handsome as always.

"But you already surprised me." I smiled. "So how's your life in Canada?" Yes, he's been in Canada for like more than one year.

"It's fine." He smiled again. Yung ngiting alam mong may something. Wait... he's blushing. This means only one thing.

"Did you find her?" I asked.

"Her?" Nagmaang-maangan pa talaga.

"Her. I mean the lucky girl you want to spend your life with." He grinned. I knew it. "Care to share?" I smirked.

"It's a long story." I'm happy for my best friend. I'm really happy.

"Siguro we can have lunch together so you can start telling your love story." Ngumiti ako nang nakakaloko sa kanya habang siya ay namumula.

He's so cute. My best friend is in love for real.

"Sure. My treat." Yun oh! Nakalibre pa ako. "Lagi namang ako ang nanlilibre sa ating dalawa eh." Napangiti naman ako.

He never changed after all.

"Really?"

"Kahit sobrang daldal at sobrang kulit, mahal na mahal ko yun." How sweet. Nakakagulat na tumagal siya sa babaeng yun, knowing him... ayaw na ayaw niya sa makulit at madaldal, well except me since I'm his best friend.

"I'm so happy for you, Drix." Ngumiti ako sa kanya.

"Thank you, Nee." We stayed silent for a moment. "By the way, how's your life? Love life to be exact." He grinned.

"Bakit ko sasabihin sayo?" I joked. "Wala man lang tayong naging communication nung umalis ka." Kunwari ay nagtatampo ako.

"Mahal ang overseas call, alam mo namang kuripot ako diba?" He laughed. "At isa pa sobrang naging busy ako sa studies and ---"

"Oo na. Ang sabihin mo busy ka lang sa kanya. Nagpunta ka lang sa Canada nakalimutan mo na ako porke't nakahanap ka na ng special someone mo, nakalimutan mo na ang best friend mo." He pinched my cheeks.

"Baliw ka talaga. Nagtampo ka pa talaga." Pareho kaming natawa. "So ano na nga? How's your love life?"

"Akala ko nakalimutan mo na. Ahahaha!" Biro ko sa kanya. "We're fine. You know... three days ago naging kami na."

"Halatang in love na in love eh." Mahina ko siyang hinampas sa braso niya. "Alam mo kahit hampasin mo ako hindi maaalis yang pamumula ng mukha mo." Aba't lalo pang nang-asar. "Anyway, I'm happy for you too. I'm glad naging okay na kayo ni Caiden."

"Thank you." I said. I'm so blessed to be his best friend. "Eh ikaw? Kailan mo siya balak ipakilala sa akin?"

"Siguro when we come back here together. Nag-bakasyon lang naman kasi talaga ako dito kasi alam ko namang miss na miss mo na ako at baka pag nagtagal pa ako dun eh hindi mo na ako kilalaning best friend mo." We both laughed.

"I really missed you." I told him.

"Me too..."

"Thank you sa panlilibre. Sobrang nabusog ako." It's already 6 PM and we decided to go home na. "Thank you rin for your time."

"You're always welcome. Hindi na kita ihahatid since sabi mo may kotse ka namang dala."

"Yup. See you some other time. Bye." He was about to hug me when someone pulled me away from him.

And then I realized hinihila na pala ako ni Caiden palabas ng mall. "Wait lang Caiden, ano ba nasasaktan ako." Medyo masakit na kasi ang panghihilang ginagawa niya.

"Sorry." He whispered without looking at me.

"May problema ba?" I asked. He remained silent. Ano bang problema niya, bigla-bigla siyang dadating tapos biglang ganito na lang ang mangyayari. "Caiden, ano bang problema mo?" Naiinis na talaga ako. "Hindi mo ba nakita na may kausap ako tapos bigla-bigla mo na lang akong hihilahin."

"Eh di bumalik ka dun. Makipagyakapan ka na lang sa kanya." Tumingin siya sa akin. He's mad. "Kailan pa?"

"What are you talking about?" Hindi ko siya maintindihan.

"Neezel naman... Maglolokohan na lang ba tayo dito? Mahal mo ba talaga ako?" I froze. Where did that came from?

"Ano ba yang pinagsasasabi mo? Pinagduduhan mo ba yung pagmamahal ko sayo?" Inis kong tanong sa kanya.

Mabuti na lang at walang katao-tao rito ngayon.

"See. I asked you if you really love me. Pero hindi mo man lang sinagot." Mas lalo akong nainis.

"Of course I love you. I love you so much." Yayakapin ko sana siya kaso bigla niyang tinabig ang mga kamay ko. "Teka. Ano ba Caiden! May nagawa ba akong mali?"

"Ano sa tingin mo ang maramdaman ko nung makita kang masayang nakikipag-usap sa ibang lalaki tapos magyayakapan pa talaga kayo?" Halata sa boses niya na galit galit talaga siya. So yun pala yun? Nag-conclude agad siya.

"Fuck! Ang sakit lang Zel. Yung makita kang mas masaya nung siya na yung kausap mo." Ikaw kasi yung pinag-uusapan namin kaya masayang-masaya ako.

Pero hindi ko na sinabi yun sa kanya. Naiinis ako sa kanya kasi nag-conclude siya agad.

"Umalis agad ako sa company kasi nag-alala ako sayo. Sabi ng mama mo hindi ka pa raw umuuwi eh kaninang umaga ka pa raw umalis papuntang mall. Tapos yun ang madadatnan ko? May kasama kang ibang lalaki imbes na ako. Tapos maririnig ko pa mula sa ibang tao na bagay daw kayo nung lalaki yun? I'm so damn jealous!" He's really mad right now.

"You don't even bother to text me kung saan ka ba nagpunta. Ano ba namang aasahan ko kung sa pakikipag-usap mo sa kanya eh nakalimutan mo na may boyfriend kang nag-aalala sayo."

"Let me explain first." I tried my best to stay calm. As much as possible, ayokong sabayan ang galit niya kasi hindi kami lalong magkakaintindihan.

"Save your explanation some other time." And then he started walking away. Yung kanina ko pang pinipigilang mga luha bigla na lamang bumuhos.

"Ganun na lang 'yon?!" Sigaw ko sa kanya habang patuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha ko. He stopped for a moment. "Bakit ayaw mo akong pakinggan? Pakinggan mo naman ako oh. Hindi yung magco-conclude ka na lang bigla." Tumakbo ako papalapit sa kanya. I hugged him from his back.

"Pakinggan mo muna ako please..." Akala ko makikinig siya sa akin pero hindi, he's not planning to hear my explanation. Inalis niya ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Give me some time. I need to think first." Nanlambot ako.

Umalis na siya ng tuluyan hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak. At kasabay ng pag-iyak ko ang malakas na pagbuhos ng ulan.

Ang sakit! Sobrang sakit na hindi man lang niya ako pinakinggan.

Gusto kong magalit sa kanya kasi hindi man lang niya ako pinakinggan pero hindi ko kaya kasi nga mahal na mahal ko siya. Sobra.

And Then He Came Back [Completed-2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon