Chapter Nine

12.7K 270 28
                                    

Makalipas ang ilang araw matapos kong mag-take ng board exam I woke up having a hundred messages from my phone and messenger. Pero sa dinami-dami ng messages na natanggap ko ngayong umaga, may isang message na nangibabaw sa lahat.

Good morning Love. Congratulations to my first and last girlfriend and soon to be wife! Can't wait for our date later, I love you! :* You always made me the luckiest guy in the world. See you later Love :*

I can't stop smiling and blushing at the same time. Sinong hindi kikiligin kung sa paggising mo ganito na agad ang mababasa mo, idagdag niyo pa na nakapasa ako sa board exam, hindi naman sa pagmamayabang pero expected ko namang makakapasa ako, aba! Gusto ko na kayang maging boyfriend ang lalaking mahal na mahal ko at worth it din ang sobra-sobrang pagre-review ko.

Ang hindi ko lang in-expect ay ang magto-top ako sa board exam, kaya sobrang thankful ako kay God, sa family and friends ko and of course sa lalaking mahal na mahal ko.

Salamat talaga sa kanila kasi they never failed showing their support for me.

Bago ako bumangon, ni-replyan ko muna si Caiden.

Good morning din Love. Thank you so much and I love you more. Same here, I can't wait any longer for our date later... See you!!! *hugs and kisses*

I smiled. Akalain niyo yun may itinatago rin pala akong ka-sweetan.

Hindi naman kasi talaga ako sweet na tao, aminado ako doon. Sa aming dalawa ni Caiden, mas sweet talaga siya, araw-araw ba naman akong pinapakilig, ayan tuloy araw-araw din akong nahuhulog. Mabuti na lang in my case, hindi masakit ang mahulog.

I smiled again.

"Anak! Hindi ka pa ba bababa diyan?" Oh shocks! I almost forgot hindi pa pala ako bumabangon sa kama ko.

"Wait lang po Ma." Pagkasabi ko nun, dali-dali akong dumiretso sa banyo.

"CONGRATULATIONS NEEZEL!!!" I was shocked. Really. I didn't expect this, in fact naka-pambahay pa nga ako hanggang ngayon.

At this morning bigla na lang may mangsu-surprise sayo.

"Thank you God for giving these persons in my life, I'm so blessed to have them. And Ma, Pa, thank you po, I'll never achieve something like this without the support from the both of you. I love you both." I looked at my parents. I can see in their eyes how happy they are for me. "And sa inyo Guys..." Tiningnan ko yung mga friends ko na may hawak-hawak na mga balloons at cakes. "Thank you rin sa suporta niyo and for always being there for me. I love you guys."

Before I forgot, someone's missing. Eksakto namang nag-ring ang phone ko. "Congratulations ulit Love. Sorry kung wala ako diyan. Alam mo na nagpapa-miss lang ako ng konti." He laughed.

"Sus! Kahit hindi ka magpa-miss, miss na miss na kita."

"Love naman. Wag ka masyadong magpahalata. I-reserve mo na yan sa date nating dalawa mamaya." I can feel he's definitely smirking right now.

"Oo na po." I smiled. "Oh bakit ka napatawag. Akala ko ba magpapa-miss ka pa?" I joked.

"Aw, ayaw mo na ba akong kausap? Sawa ka na ba sa akin---" I shut him up....

"Wag ka nang magdrama love. Kahit gwapo ka, hindi bagay sayo ang mag-artista." I laughed. "Sa akin ka lang kasi bagay." Hindi ko alam kung saang lupalop ko nahagilap ang mga salitang yun, is that what they called 'banat'?

"Yes naman Love, bumabanat ka na ngayon ah. Kinilig ako." My face turned red. I'm really thankful he cannot see my right now. "I know you're blushing right now and I hope I was there to see you blushing."

And Then He Came Back [Completed-2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon