Matapos kong gamutin ang natamong pasa ni Adrian dahil sa suntok ni Caiden. "Umuwi ka na muna..." Sabi ko sa kanya.
"About dun sa---" I shut him up.
"Not now please... I want to be alone." Gustuhin man niyang tumutol pero mas pinili na lang niya munang umalis.
"I'm sorry." At ayun umalis na nga siya. Habang ako muli na namang bumagsak ang mga luha sa aking mga mata.
Ang sakit! Sobrang sakit! Doble nito ang sakit na naramdamn ko noong iniwan ako ni Caiden.
Para akong sinaksak ng paulit-ulit, na walang katapusan. Sa loob ng limang taon, naniwala ako sa kanya, oo hindi niya ako iniwan pero nagsinungalin siya sa akin. Ang sakit lang na kung sino pa yung pinagkatiwalaan mo siya pa yung manloloko sayo.
Pareho lang silang dalawa... pareho lang sila... mag-best friend eh...
It's been a week since that incident happened. Wala pa akong kinakausap sa kanilang dalawa, pero napag-desisyunan kong kausapin na si Adrian. Kaya nandito ako sa isang coffee shop, wala pa namang masyadong tao ngayon kaya pumwesto ako sa pinakadulong bahagi habang natatanaw ko ang mga sasakyan at tao sa labas.
"Kanina ka pa?" Parang nanibago naman ako sa presence ni Adrian.
"Hindi naman kakadating ko lang din." Ngumiti ako sa kanya, kahit papaano nama'y nawala na rin ang hinanakit ko sa kanya. Umupo siya sa tapat ko.
Makalipas ang ilang minuto dumating na rin yung in-order ko para sa aming dalawa.
"I'm sorry." Panimula niya. Hindi ako umimik. Pinakinggan ko lang siya. "I'm sorry if I lied to the both of you. I'm sorry if I became selfish. Ganito siguro pag nagmamahal kahit ano kaya mong gawin kahit alam mong may masasaktan ka."
"Hindi mo ako mahal... kasi kung mahal mo ako hindi ka magsisinungalin sa akin. Sarili mo lang ang minahal mo, hindi ako... Kaya mo lang nasasabing mahal mo ako kasi yun ang nagpapasaya sayo... sa sarili mo." Napatigil naman siya bigla.
"Hindi totoo 'yan. Mahal kita Neezel... Sinubukan kong magmahal ng iba, pero wala eh... Sa tuwing susubukan kong magmahal ng iba mas lalo lang akong nahuhulog sayo." He paused for a moment.
"I'm sorry kung pinaniwala kita na baka hindi ka na niya mahal, when in fact he loves you so damn much, I'm sorry kung pinaniwala kita na hindi ka na niya babalikan, when in fact he badly wanted to come back just to be with you... I'm sorry... if I fall for you. I swear, I never planned on loving you... it just happened. I woke up one day, mahal na pala kita, na gusto kitang alagaan... Kaso alam kong imposibleng mahalin mo rin ako lalo na't alam ko sa sarili ko na kahit anong gawin ko siya pa rin ang mahal at mamahalin mo." Sa bawat salitang binibitawan niya, ramdam na ramdam ko ang sakit na nadarama niya.
"He was my best friend simula noong nagkita kami sa ibang bansa. Sa mata ng lahat siya ang magaling, lagi akong pangalawa... Nakukuha niya lahat ng gusto niya pero hindi pa rin siya masaya... hindi naman daw niya kasama ang prinsesa niya." I don't know how should I react but I remained silent.
"Inggit na inggit ako sa kanya noon, kasi nasa kanya na nga ang lahat hindi pa siya nakuntento... kasi kulang daw... kasi wala ka... hanggang sa bumalik siya dito, nagbabakasakaling nagbakasyon ka raw sa probinsiya niyo. Sobrang saya niya noon, noong binigyan mo siya ng second chance." Hinawakan niya ang kamay ko. "Naisipan kong mag-stay dito sa Pilipinas, para magpatakbo ng sariling company, naging successful naman ako pero mas successful pa rin siya. Hanggang sa dumating ka sa kumpanya namin. Na-love at first sight ata ako sayo pero halos madurog ang puso ko na malamang ikaw pala yung girlfriend niya, ikaw pala yung prinsesa niya."
"I'm sorry, dapat pala hindi na lang ako sa company mo nagtrabaho." I said.
"Don't be sorry. Kahit palihim lang kitang tinitingnan kung minsan, masaya na ako lalo pa nung naging close tayo. Hanggang sa isang araw, nakiusap siya sa akin... Ako raw ang bahala sayo, bantayan daw kita at huwag hayaang malapitan ng ibang lalaki... Aaminin ko naging masaya ako pero may mga pagkakataon na nako-konsensiya din ako. Lalo na't alam kong hulog na hulog na ako sa'yo at mukhang hindi na ako makakaahon pa." Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Mahal kita... wag mong isipin na sarili ko lang iniisip ko. Diba sabi ko sayo, titigil ako na mahalin ka unless sabihin mo sa aking itigil ko na ito, hindi kita iiiwan unless sabihin mo sa akin na iwan na kita... kaso umaasa pa rin ako---"
"I'm sorry... I love you but I love him more... I love him even more. At sa tingin ko ang pagmamahal ko lang sayo sa ay isang pagmamahal bilang isang kaibigan. I'm sorry kung nasasaktan kita ng ganito. You don't deserve this... you don't deserve me... itigil mo na ito, please stop loving me." Masakit para sa akin na makita siyang nasasaktan lalo na't siya yung laging nandiyan para sa akin kahit nagsinungalin siya.
Pero ayoko naman siyang paasahin na mahal ko nga talaga siya when in fact si Caiden lang naman talaga ang lalaking una at huli kong mamahalin.
"As you wish... Can I ask one last favor?" He said almost a whisper. Tumango naman ako. "Can I hug you one last time?" Tumango ulit ako at niyakap niya ako.
"Mahal na mahal kita. Pero dahil sinabi mong itigil ko na ito, gagawin ko kasi mahal kita... Para sa ikasasaya mo, kahit masakit... gagawin ko." Mas lalo siyang naiyak at ganun din ako. "I love you, goodbye..." And then he left me there.
I was about to leave also when I saw Caiden from outside... he's watching me, did he just saw us while hugging each other?
And I saw him look straight into my eyes, I saw pain. Mukhang nakita nga niya kami or mukhang kanina pa niya kami pinapanood at tumalikod, I watched him until he's already gone.
Hinanap ko si Caiden sa park na pinakamalapit sa coffee shop kung saan kami nagkita ni Adrian. And there he is, sitting alone in a bench.
Umupo ako sa tabi niya. I don't know if he noticed me there. He remained silent. Hanggang sa nagsalita siya. "Ako na lang please..." I looked at him while tears fall from his eyes. I've never seen this guy cried so much for me. "Ako na lang, Love... please." He held my hands.
"Pero kung wala na talaga... kung pinili mo na talaga siya. Wala na akong magagawa pa. All I want is for you to be happy. Gustong-gusto ko na sana ako lang ang lalaking magpapasaya sayo, siguro noon oo... pero ngayon mukhang hindi na." I knew it, siguro yung part lang na magkayakap kami ni Adrian yung nakita niya.
"But let me tell you a story." Hindi ako umimik. "There's this prince na sobrang saya na ng buhay niya... bakit? Kasi girlfriend na niya ang babaeng pinapangarap niya lang noon. Masaya ang naging relationship nila... pero dumating sa puntong kailangan na namang iwan nung prince yung princess niya... kahit ipiningako niya sa sarili niya na hinding-hindi niya sasaktan ang prinsesa niya. The prince needs to leave the princess. Kailangan kasing ayusin ng prinsipe ang nalulugi nilang kumpanya sa ibang bansa, he's the only one who can save it habang pinakikisamahan niya ang isang brat na babae. Ang brat na babae na yun ang susi upang maibangon ulit ang kumpanya nila, kaya wala siyang ibang choice kung hindi ang pakisamahan ito. Last na naman 'to, yun ang parati niyang iniisip... akala niya isang taon lang ang itatagal nito pero umabot ito ng dalawa, tatlo, apat hanggang sa limang taon. Sa wakas ay nakalaya na siya sa brat na babae na yun pero kahit papaano naging mabait namin sa kanya ang babaeng yun. Bumalik siya para balikan ang kanyang prinsesa." He wiped his tears.
"Kaso pagbalik niya akala niya siya pa rin ang mahal ng prinsesa, pinagkatiwala niya ang kanyang prinsesa sa matalik niyang kaibigan para bantayin subalit mukhang nagkamali pala siya. And now the prince would let go her princess, for his princess' happiness. He would rather take all the pain just to make his princess happy. Oo masakit... pero kailangan eh... kailangan para sa ikakasaya ng babaeng pinakamamahal niya." Nagulat ako ng lumuhod siya sa harapan ko.
"I'm sorry for causing you so much pain... I'm sorry for making you cry... I'm sorry for leaving you. And I'm sorry because I love you and will always love you." Mas lalo siyang naiyak. I wiped his tears. Mukhang nagulat pa nga siya sa ginawa ko.
"Don't be sorry if you love me and will always love me." I said. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "Sino bang nagsabi sayo na pinili ko siya?" I grinned. Halata namang nagulat siya.
"Akala ko---"
"Ayan na naman tayo sa akala-akalang yan eh. Mali yang akala mo. Pupuntahan ba kita dito kung siya na talaga yung pinili ko." Ngumiti ako sa kanya. "Pasalamat ka talaga at mahal kita... sobra..."
"Teka ... Mahal mo ako? Mahal mo pa rin ako?"
"Hindi ako tumigil ng pagmamahal sayo."
"Ganun din ako." And then he claimed my lips that erased all the pain we had. "I love you... I love you..." He said in between our kiss.
BINABASA MO ANG
And Then He Came Back [Completed-2015]
ContoHe left. And then he came back. || ©2015 - Cover made through CANVA