"Ano 'yan?" tanong ni Anne Marie habang tinutukoy ang box na dala-dala ko. Nagkasalubong kami sa may gate at napagdesisyunan naming sabay nang pumasok sa classroom.
"Wala naman. Cupcakes lang," sagot ko at sinubukan ko na ring itago ang kahon mula sa mga kaklase ko, kasi for sure maku-curios sila at iintrigahin ako kung ibebenta ko ba iyon o kung ibibigay kung kanino. Pero mukhang mas kapanipaniwalang may pagbibigyan ako at hindi nila ako titigilang usisain kung sino. Ganoon naman palagi. Hindi natitigil ang mga tanong nila. And I am sick of that; they are just curious about me but don't care about me at all.
"Cupcakes? As far as I know, hindi ko naman birthday." May halong pagtataka ang mukha ng best friend ko nang lingunin niya ako.
"Dahil hindi naman ito para sa 'yo," sagot ko.
"Gano'n? Eh, kanino pala? Sa ex-boyfriend mo?" nakataas ang kilay niyang tanong sa akin. Binigyan ko siya ng ano-bang-pinagsasasabi-mo look.
"Of course not!" Hindi ko alam bakit biglang nagbago ang timpla ko nang marinig ko iyon. "Bakit ko naman siya bibigyan ng cupcakes? Ano ako nahihibang?"
"Kung hindi para sa akin, hindi para sa ex mo, kanino pala?" Naka-crossed arms pa niyang tanong. Akala ko ay makakaligtas na ako sa interrogation, sa kaniya pala hindi.
Nahihiya akong sumagot. "P-para kay Jhon Rey." Kusang ngumiti ang mga labi ko nang banggitin ko ang pangalan ng lalaking iyon.
"W-What?" she laughed. "At bakit mo siya bibigyan? Nababaliw ka na ba? Seryoso ka bang siya ang Mr. Right mo? At saka bakit walang icing? Itatanong mo ba sa kaniya kung siya na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake mo?" natatawa niyang mga tanong habang inaasar ako't tinutusok-tusok ang tagiliran ko. Hindi naman nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil gusto kong inaasar niya ako sa crush ko, kaysa ipagtulakan niya ako sa walang kwenta kong ex.
"H-hindi, ah! Mamaya ko pa ilalagay 'yong icing kasi baka matagtag. At saka bakit ka ba nangingialam? Ano bang masama kung bigyan ko siya kahit papaano ng gift of appreciation dahil sa ginawa niya. Remember? Siya ang nakahanap ng wallet ko," mahaba kong paliwanag sa kaniya.
Hindi ko maiwasang ma-imagine ang magiging reaksyon ni Jhon Rey, kapag binigay ko na sa kaniya ang mga ito.
"And so? Kailangan mo ba talagang magbigay ng kapalit? Aren't you being so dramatic?" pagkukwestiyon niya sa kabutihan ko at sa pagiging appreciative na siyang maaaring maging simula ng love story namin ng Mr. Right ko.
"Tell me, you're not doing this to make Jhunel jealous, right?"
I frowned. Dahil sa sinabi niya, nagkaroon tuloy ng bagabag sa dibdib ko.
"What I mean is, baka ginagawa mong rebound si Jhon Rey, ha? Para maka-move on ka sa ex mo. May pabigay-bigay ka pa ng cupcakes. Ano 'to? Damoves mo? Para maging malapit kayo sa isa't isa?"
"Of course, not!"
I do not know why my mind suddenly became confused. Hindi naman ganoong ang iniisip ko. Hindi naman ako gumagamit ng tao para makalimutan ang ex ko.
Napabuntong-hininga ako. Ngayon, para tuloy akong nag-aalinlangan na ibigay pa sa kaniya ito. Hindi ko inasahang pati ito ay maaaring pag-isipan ng masama. Sa totoo lang naman, ang intensyon ko ay magpasalamat. Iyon lang naman.
Convincing myself, I went to our locker room. Holding the cupcake box, all ready to be left in his locker. Sinigurado kong walang makakakita sa akin.
"What is that for?" I was surprised when I heard Jhon Rey's voice, so I immediately looked at him.
"H-ha? What is this?" pag-uulit ko sa tanong niya habang nauutal. Bakit naman kasi bigla siyang sumusulpot?
Napatingin ako sa kahon na ipinasok ko sa loob ng locker niya. Wala akong masabi. Paano ko ito ipapaliwanag?
BINABASA MO ANG
Mr. Wrong (Mr. Series #1)
ChickLitWarning: Mature Content | R18 MR. SERIES BOOK 1: Mr. Wrong Sheen May Velasco is a college student who is a candidate for graduating with Latin honors. A few months before the end of the year, someone transferred to South Middleton University who...