Hindi ko alam why I suddenly went out from that car and rushed to them. I faced my best friend and slapped her hard. I could clearly see the surprise on his face. "Sheen?"
"Oo, ako nga! What do you think you're doing, Anne Marie? Why are you with him?" I shouted.
Hindi ko na pinansin pa ang mga estudyanteng nakatingin sa amin. Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Ayokong maniwala sa nakikita ko, pero ano pa ba ang ibig sabihin bakit sila magkasama? Pinagbuksan pa siya ni Jhon Rey? Nakangiti pa sila? Masaya pa sila habang ako'y nagdurusa at namomroblema?
"Sheen May, let me—"
"I can't believe this, Anne! Kaya ba palagi kayong wala? Dahil may ginagawa kayo sa likod ko? How can you do this to me? We are friends! No! More than best friends! Bakit kailangan mong sa 'kin 'to?"
I couldn't stop yelling at her and pushing her. Umaakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. Para akong sasabog na hindi ko maintindihan. Gusto kong alisin lahat ng sakit, sa pamamagitan ng pagsigaw.
"Sheen, mali ang iniisip mo. Hayaan mo akong magpaliwanag."
"Mali talaga, Anne Marie! Mali ako nang makipagkaibigan ako sa isang ahas!"
"Shut up!" sigaw ni Jhon Rey na nagpatigil sa akin. "Why are you acting like we have something? Ano ba kita?" tanong niya pa. Natawa ako.
"Ano mo ba ako? Bakit ako ang tinatanong mo niyan? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Ano mo nga ba ako, Jhon Rey? Ano ba ako sa 'yo? You just asked me to go out with you last time and you even kissed me. And then, bigla mo akong iniwan kahit na nahimatay ako sa lugar na 'yon. Ni hindi mo ako tinulungan! Itinanggi mo pa ako! Ano bang tingin mo sa 'kin? Basura? Tapos ngayon, 'yung best friend ko naman ang kinakalantari mo?"
Nanginginig ang mga kamay ko.
Maging ang mga tuhod ko.
Basang-basa ang pisngi ko ng mga luhang hindi ko na napigilang bumagsak. Bakit ba kung kailan nababawi ko nang ngumiti, may pait na namang magdudulot sa akin ng pighati?
"Anong karapatan mong kwestyunin ako kung ikaw rin naman, kasama mo ang ex mo?"
Napanganga ako. Hindi ako makapaniwala. Napakagat na lang ako sa labi, habang pinipigilan ang sariling magsalita pa ng maaaring gamitin laban sa akin.
"I can't believe that I fell for a guy like you."
I looked at Jhon Rey for the last time and turned my back on them.
Naramdaman kong hinahabol ako ni Jhunel, pero sumakay na agad ako sa taxi nang may tumigil sa harapan ko. Gusto kong mapag-isa.
When I got home, I went straight to my room and there I poured out all my anger. My heart is full of hatred. Hindi lang sa mga taong nasa paligid ko, kung hindi lalo sa sarili ko. Bakit ko hinahayaan ang mga taong saktan ako? I feel so stupid.
I feel like I have no allies. I have no one to approach because even my friend cheated on me. Why did she do that to me? She is the one I trusted the most, pero anong ginawa niya? The two of them are always absent at the same time because they are together. Obvious naman. Patunay na lang na nakita ko silang dalawa na magkasama. Who knows what they are doing?
Biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang ama kong galit na galit.
"Stop it, Maynard! I'm begging you!"
Malakas na sampal ang natanggap ko mula sa ama ko. Mas doble pa ang sakit kumpara sa sampal na ibinigay ko kay Anne Marie kanina. Umalingawngaw ang malakas na sampal sa buong kwarto. Ramdam kong parang may tumulong dugo sa pisngi ko. Pakiramdam ko rin ay parang nabali ang leeg ko sa lakas.
"Hindi mo na talaga ako binigyan ng kahihiyan! Do you know what is happening in the company? They were talking about how my daughter is bringing disgrace to my name. I just want you to be careful, but look at what you are doing!"
Mukhang nabalitaan na nila ang eskandalong ginawa ko sa harap ng university. Of course, they will know it.
"At dahil lang sa isang lalaki, nagkakaganito ka. Ano bang pinakain sa 'yo ng gagong 'yon at baliw na baliw ka sa kaniya?"
"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung anong ginagawa mo sa akin, bakit naghahanap ako ng pagmamahal sa iba?"
Pareho silang nagulat sa pagsagot ko.
My father exhaled in disbelief. "It sounds like your child still wants to be slapped again."
He came closer to me, but Mom moved in front of me and held my stomach as if she were protecting it.
"Say sorry to your father so he can stop," she whispered.
"I won't, mom. He slapped me hard when he didn't even let me explain my side."
"What else do you need to explain? Everybody is talking about you. Who knows where we will end up soon because of your stupidity? You know what? I've been hesitating to arrange your marriage with Mercado, but now you've left me with no choice but to push it through!"
Mom looked at me. Her eyes were full of concern.
I held onto my stomach.
"Do what you want. As if I can have my own life."
I was completely in tears.
I just saw myself walking out of the room. Rinig ko pa si mom na tinatawag ako at tinatanong kung saan ako pupunta but I chose not to tell them. I want to be alone. Tutal palagi naman din akong mag-isa. Para saan pa't sabay-sabay kaming kumakain tuwing umaga kung hindi ko naman nararamdaman na nariyan sila? Anak ba talaga nila ako? Parang hindi naman.
"Lalayas ka? Fine! Tingnan natin kung saan ka dadalhin ng kayabangan mo!"
Napapikit ako. Hindi na ako aasa pa na makikita ako ni dad. Hindi na matatapos ang tindi ng galit niya sa akin. Lalo na sa mga walang katapusan kong katangahan sa buhay. Para saan pang naging achiever ako kung hindi ko naman maiayos ang mga desisyon ko sa buhay? Parati na lang mali. Kahit sa pagpili ng lalaki na kahuhulugan ay bobo ako.
Naglakad ako.
Hindi ko alam kung saan ako patungo.
Gusto kong mawala 'tong sakit na nararamdaman ko kahit pansamantala lang.
Siguro iisipin ng iba na ang swerte ko, maganda, matalino, mayaman, pero ang hindi nila alam kalbaryo ang dinaranas ko araw-araw.Kailan nga ba ako huling sumaya?
Hindi ko na maalala.
Puno na ng pait ang nakikita ko sa isip ko.
Ni hindi ko na kayang ngumiti pa.
Ramdam ko pa rin ang kirot ng sampal sa akin ng tatay ko.Hindi ko namalayang nasa gitna na pala ako ng kalsada.
Binubusinahan ng mga sasakyan.
Sinisigawan na umalis at bilisan ang paglakad.Paano kung ayaw ko nang umalis rito?
Paano kung gusto ko na lang maglaho?Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko. Hindi ko inaasahan kung sino ang makikita ko.
"Sheen May, anong ginagawa mo?"
I saw his face annoyed by what he was witnessing.
"Are you trying to kill yourself and trying to torture me too?"
"Why are you doing this? Why are you here?"
Agad ko siyang niyakap at tinanggap niya naman ang yakap ko.
My sobs got louder and louder as he rested me on his chest.
"Bakit mo kasi ako iniwan noon, Jhunel? Bakit mo kasi ako niloko?"
BINABASA MO ANG
Mr. Wrong (Mr. Series #1)
ChickLitWarning: Mature Content | R18 MR. SERIES BOOK 1: Mr. Wrong Sheen May Velasco is a college student who is a candidate for graduating with Latin honors. A few months before the end of the year, someone transferred to South Middleton University who...