Chapter 40

330 4 0
                                    

Hindi ako matahimik.
Hindi ko na alam kung anong nangyayari.
Wala akong balita.
Kanina ko pa kinukumusta si Rod pero hindi siya nagre-reply. I can't help but be worried about what will happen to Jhon Rey if he falls into my father's hands.

Kahit si dad ay wala pa rin dito sa bahay.
Mas lalo akong kinakabahan.
Ni hindi ako makatulog sa paghihintay ng balita.

Kinabukasan, nagmadali akong pumasok sa school. I will be relieved if I see Jhon Rey enter the class. That means he survived or managed to escape from my father. Wala na ang atensyon sa akin ng lahat na siyang parang bago sa akin. Mas lalo akong nangangamba na baka may nangyari ngang hindi ko alam.

Nagdesisyon akong pumasok na sa room. Naroon na rin ang iba kong mga kaklase na kapwa naghihintay sa pagdating ng una naming professor. They never looked at me as if they were not allowed to do so. My forehead twitched as I walked to my seat.

Nandoon din si Anne Marie na nakaupo sa unahan na hanggang ngayon ay hindi man lang tumitingin sa akin. Hindi pa rin kami nagpapansinan. The ice is still between us, and no one dares to break it.

Lumakas ang kaba ko nang makita si Jhunel na papasok sa klase. Umiwas ako ng tingin sa kaniya ngunit nasulyapan ko ang namamaga niyang mata. Hindi naman ganoon kahalata, pero dahil kabisado ko ang mukha niya, alam kong may pagbabago.

Hindi rin ako makatingin sa kaniya nang umupo siya sa tabi ko. I don't know how to approach him after all, he witnessed what happened to my family—how my father treats me, even in front of many people. I'm embarrassed.

I gulped as I clearly remembered how he managed to talk back to my father yesterday—how he still stood up for me and was willing to be married to someone like me.

Kahit alam niyang buntis ako sa ibang lalaki, handa niya pa rin akong tanggapin. Bakit? Bakit, Jhunel? Are you sure that you want me to be your wife?

Nagulat ako nang magpatong siya ng bottled milk sa ibabaw ng desk ko kaya napatingin ako sa kaniya. Sumulyap siya sa akin pero saglit din niya itong iniwas.

"S-salamat," sambit ko tsaka ko ininom iyon. It made me think. Was he worried about me, so he gave me milk? Is this for the baby?

Kumuha siya ng notebook at nagsulat. Hindi ko alam bakit nagsusulat siya, eh, hindi pa naman nagsisimula ang klase. Napanganga ako nang mapagtanto kung bakit. Ipinatong niya 'yong notebook sa ibabaw ng desk ko at doon ko nabasa ang sulat niya.

"What do you want to eat? I'll buy it for you."

Simple akong napangiti. Naalala ko 'yong panahong nagpapalitan pa kami ng mga sulat na kahit ang pangit ng penmanship niya, kinikilig pa rin ako. I can feel his strong love with those words coming from his heart.

"Mango," I answered as I moved the notebook near him.

"This early?" sulat niya.

"Yes." Nagdrawing ako ng kamay na para bang nagsusumamo. Tumango-tango siya bago isinara 'yong notebook.

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo. Hindi ko na siya napigilan pang lumabas. Gusto kong matawa sa isipin na baka bibili nga siya ng mangga ngayong oras na ito. Akala ko naman ay ipagpapaliban niya muna. I bit my lip as I stopped myself from smiling. I don't know, but it seems funny to me.

Mabuti na lang at agad siyang nakabalik bago dumating ang professor namin. Natatawa ako kasi palihim akong kumakain habang nagkaklase, and Jhunel is helping me by covering my food with his notebook. Kahit papaano ay nawala sa isip ko ang mga problema ko kahit saglit.

"Hindi pa rin ba kayo nagkakausap ni Anne?" tanong sa akin ni Jhunel.

Sinasabayan niya ako sa paglakad. Papunta ako sa cafeteria at balak kong bumili ng mga pagkaing pasok sa cravings ko.

Mr. Wrong (Mr. Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon